Chapter 28

88 3 0
                                    

Chapter 28

Today is the day before the grand opening of our hotel casino project with the Lauders and Morgan. Pupunta kami ngayon para sa final site visit. Baka may complications pa kasi.

The place is fully furnished kaya ngayon ay nagheels na ako. I also wore my staple matching officewear. Striped pants and blazer with white tube as my top.

Buong araw kami mag-oobserve doon kaya  kumain na ako ng maraming lunch. It's exactly 12 noon, that's why I made my way out of my condo.

"Magandang tanghali ho, Architect!"

"Magandang tanghali rin, Kuya." Bati ko pabalik sa guard.

Iniwan ko na ang susi sa valet at naglakad na papasok sa meeting place namin. I saw all of them there at parang ako nalang ang kulang.

We're inside a famous restaurant for the meeting. My eyes met Aiden's and he's signalling me to sit at the chair beside him. Pero sa kabila niya ay si Architect Corgnago na kinakausap si Aiden.

Nothing's really better when you see your ex with someone uglier than you. Char!

"Luna! Dito kana umupo." I heard Jaxon calling me kaya imbis na tumabi ako kay Aiden ay dumiretso ako kay Jax. Tinignan ko uli siya pero nakakunot na ngayon ang kanyang noo habang hinarap na si Architect Cornago.

"Architect Grimaldi, do you want anything? Ipahabol natin yung order mo." One of the Engineers asked.

"Iced water nalang." I smiled. Busog pa naman kasi ako.

Nagsimula na silang kumain habang ako ay hindi mapakali sa pagsulyap-sulyap ni Aiden sa gawi ko. Nakikisali nalang ako sa mga kwentuhan para lang maiwasan siya.

"Luna, xiao long bao? Kahit isa lang." Tanong sa akin ni Jaxon.

"Huwag na talaga, Jax. Mukhang kulang pa sayo yan!" I chuckled. Inirapan niya lang ako.

"You should eat." Nagulat ako dahil paglingon ko ay nasa tabi ko na si Aiden. Yun lang ang sinabi niya at walang salitang hiniwa ang pork.

"Engineer, I said I'm fine. Kakakain ko lang." Naiilang ako. Almost all of the people inside are looking at us. Siniko ko ng onti si Aiden pero saktong kakatapos niya lang maghiwa at nakatapat na agad sa akin ang tinidor na may pork.

"Is there something going on with the two of you? A Morgan and Grimaldi couple is very powerful ha!" Sabi ng matandang babae.

Tinignan ko si Aiden at seryoso lang siya habang nakataas pa rin ang tinidor. Wala akong nagawa kundi kainin iyon.

"We're not together! Good friends lang po." I shyly smiled. I heard Aiden hissed beside me. Nakita ko naman ang pag-irap ni Architect Cornago.

"Stop what you're doing, Aiden!" Inis na bulong ko sakanya. Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.

"The last time I tried to help you eat, you pushed me away. Hanggang ngayon pa rin ba?"

"Oof." Rinig kong pigil tawang sabi ni Jaxon sa aking tabi.

Hindi ako makatingin kay Aiden kaya imbis na balewalain ay kinuha ko ang plato at ako na mismo ang nagpakain sa sarili ko. I will freaking bloat at this moment!

"Mga Morgan talaga mapagmahal 'no, Luna?" Gusto ko sanang batukan si Jaxon pero nabilaukan ako.

"Water." Mabilis na alok ni Aiden. I shook my hand at nagiwas ng tingin.

Buti na lang ay mabilis natapos ang group lunch kaya nagsimula nang mag-ikot. Sa kasamaang palad, I was grouped with Architect Cornago, Aiden and Jax. Sa building C kami naka assign.

"How was it?" Jaxon asked.

"The boutiques looked spacious and uncluttered naman. The hallways are clean. I can say that this is great." Sagot ko habang naglilibot ang mga mata.

"What I mean was your heart." Napatigil ako saglit sa paglalakad. I faced Jax and smiled. Kita ko naman sa aking peripheral vision ang paglingon ni Aiden sa amin.

"My heart? More than fine. I focus on getting better everyday and taking care of myself is my huge priority right now."

"I hope we're the same. Good for you, Architect." Sabi niya at ngumiti bago nag-iwas ng tingin. I shrugged.

Looking back at the moments, I can say that   the Luna today is the best version of myself. Muntikan ko nang talikuran ang lahat noon lalo na dahil wala akong kaalam alam kung paano mabuhay sa Spain. I almost tried killing myself.

"Luna." Natigil ang paguusap namin ni Jaxon dahil sa pagtawag sa akin ni Aiden. I heard him say that he's out kaya kami nalang ni Aiden ang naiwan dito.

"Bakit, Engineer?" I saw a glimpse of smirk in his face when I spoke. Tumaas ang kilay ko.

"Be my date for tomorrow." Straightforward niyang sabi. Bakit ako? Asan na ba yung buntot ng buntot sakanya? Tss.

"No." I coldy said.

"The people in our table earlier are expecting us to be each other's date. I assume you wouldn't want our investors to be disappointed, right?"

"I said no." I was about to escape our conversation but all the powers went off. Ang automatic door ay hindi rin gumagana kaya we're stuck.

"Call them!" Sinusubukan kong hindi magpanic dahil Engineer naman ang kasama ko pero umabot na ng sampung minuto ay wala paring nangyayari.

How are we supposed to open this place tomorrow kung ganto?

"Ano daw nangyari?" Alala kong tanong kay Aiden.

"Short circuit. They're fixing it already. Sila Engineer Lauders at Claire ay nasa labas ng department store naghahanap ng tulong." He said. Nawala sandali sa isip ko ang aberya dahil ano raw? Claire? Wow, close na pala sila.

"This should be discussed before we open, Engineer Morgan. Bukas na ang grand opening tapos may ganto pang nangyari." I kind of irritated.

"We couldn't afford to make mistakes when we open this to the public. This is a huge embarrasment for our families, I hope your team knows that." He sighed.

Hindi ako mapakali, kanina ko pa ginagamit ang phone ko kaya ngayon ay 10% na lang siya. I bet it's already dark outside.

"Luna, are you okay?" Tanong niya sa akin. Tumaas lang ang kilay ko at hindi siya sinagot.

Nakakasuffocate ang init tapos idagdag mo pa na nasa iisang lugar lang kami ng taong nanloko sa akin. The father of my unborn child. Tss.

Dahil sa init ay tinanggal ko na ang coat ko at pinatong sa inuupuang bench, leaving me with my tube top.

Narinig kong nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag sa akin si Javi.

"Javi! Anong ganap?" Naka-ngiti kong tanong. I saw Aiden shifted his gaze away from me. Ni-loudspeaker ko para makita ang reaksyon ni Aiden.

"My Dad said opening na ng hotel casino niyo bukas? You need a date! Willing ako," Sabi niya habang tumatawa. Dad?

"Free ka ba?" I asked. Kita ko na rito ang pagkunot ng noo ni Aiden.

"Alam mo namang basta ikaw eh! Malakas ka kaya sakin!" I chuckled hindi dahil sa sinabi ni Javi kundi sa inaakto ngayon ni Aiden. Inis niyang kinuha ang kanyang coat at lumapit sa akin.

"Tell him no, Luna." Matigas na sabi ni Aiden. I immediately composed myself, trying hard not to stutter.

"Why? Wala pa naman akong date, kaya tama lang." Nilayo ko pa ang phone para hindi marinig ni Javi.

"I asked you first. Be my date, Luna. That's not a question, it's an order." Sabi niya bago tumayo.

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Where stories live. Discover now