ONDA

90 54 28
                                    

5 and 6 inhale, 7 and 8 breathe slowly....

She count on her mind as she slowly lift her right leg while her hands is on the rails.
Kasabay nang mahinang musikang maririnig sa loob ng practice room ang pagtaas ng isa niyang paa, sabay sa ritmo nang musika. Bilang isang ballerina, kailangan niyang isayaw ang katawan kasabay sa ritmo na maririnig at sa pagbahagi ng damdamin ng kanta sa pamamagitan ng pagsayaw.

Nang makitang nasa tamang taas na ito ay unti-unti niya rin itong ibinaba at hinanda ang sarili para sa susunod na routine.

"Gia, don't push yourself if you can't. Kung ano ang abot ngayon yun lang muna. It takes time naman."

Dinig niyang sabi ng kanilang instructor habang nasa kalagitnaan siya ng paggawa sa kanyang routine. Pasimple niya itong sinilip at nakita nga niyang tinuturuan nito nang tamang paraan para sa technique na gagamitin.

Hindi naman na bago sa kanya ang makakita ng ganito lalo na sa mga baguhan na kagaya nito.

"Impressive. Continue that" Nasa pokus siya habang abala sa ginagawa niya nang makaramdam siya ng tapik sa kanyang balikat at nang nilingon niya ito, ang kanilang instructor  ay nasa kabilang estudyante na nakaharap at ito naman ang binabantayan. Hindi niya namalayan na nakarating na pala ito sa pwesto niya kaya hindi niya napansin ang presensya nito.

Hindi naman niya mapigilan ang mapangiti at mas lalong pinag-igihan ang pageensayo sa compliment na natanggap. Gaya nang isang estudyante kanina, madalas din siyang nakakatanggap ng pagpuna sa mga ginagawa niya noong mga panahong baguhan pa lamang siya dito. Pero di kalaunan ay puro compliment na patungkol sa pag-improve at hindi na puro mali ang natatanggap niya.

Inilagay niya na sa dala niyang mini box ang sapatos na ginamit niya kanina at ipinasok sa paper bag na lagi niyang dala. Tapos na kasi ang oras ng klase nila at naghahanda na lang pauwi. Ang iba ay naliligo pa sa CR na nasa loob din ng practice room.

Nang matapos ay mabilis siyang nagpaalam sa mga kasama maging sa instructor. Excited na kasi siyang matapos dahil may pupuntahan pa siya pagkatapos. Sana lang ay maabutan niya pa ang mga ito.

Di naman siya nadismaya nang makarating siya sa pupuntahan niya nang sakto sa oras. Sakto lang dahil narito pa ang mga ito at busy din mag-practice.

"Hi. Sorry nalate ako. Ahm, late kasi kami pinalabas ng prof eh" pagsisinungaling niya.

"Late ka ng walong minuto. Mag-stretching ka na sa likod. Bilisan mo"

Tumango siya at sumunod na sa utos sa kanya ng nagtuturo. Habang ginagawa ang stretching ay di naman niya maiwasan ang mapatingin sa lalakeng nasa harap.

Beat.

Seryoso itong nagtuturo ng steps sa mga kasamahan nila. Siya kasi ang tumatayong lider sa hiphop group na sinalihan niya. Oo, hiphop group naman ito ngayon. Alam niyang malayo ito sa inaaral niya. Ballerina siya at ang isang ito ay hiphop dancer.

Brent Solomon. Mas kilala bilang sikat na street dancer. Ang totoo, siya ang dahilan kung bakit sumali siya sa grupo na ito kahit malayo o iba sa inaaral niya. Mahigpit ito ngayon sa pagtuturo at di maiiwasan na maging strict ito dahil malapit na rin ang contest na sasalihan nila. Pride din kasi sila ng school kaya mas lalong nakadagdag pressure.

Nang matapos ay agad na siyang pumwesto sa blockings niya at sumali sa practice. Madalas siyang nagkakamali dahil medyo hindi sanay ang katawan niya sa ganito kaya madalas din siyang mapagalitan ni Brent.

Kanina ay muntik pa siyang masigawan nito dahil sunod-sunod ang nagiging mali niya.

"Onda nakakasunod ka ba talaga? Malapit na yung contest oh, pero nagkakamali ka pa rin. Kung patuloy ka ng ganyan, mas maganda siguro kung wag ka na muna sumali."

"Oo nga, I mean hindi naman sa pang-aano ha. Kada mali mo kasi nadadamay kami. Tuwing nagkakamali ka, umuulit kami sa umpisa."

Halos manliit siya nang marinig ang reklamo ng mga kasamahan niya.

"Sorry. Babawi ako, promise."yun na lang ang nasabi niya dahil umirap na lang ang mga ito. Di niya naman masisisi ang mga ito dahil yun ang patakaran sa kanila ni Brent ngayon. Ang may magkamali na isa, uulit sa umpisa kaya paniguradong pagod na ang mga ito.

Tumingin siya sa gawi ni Brent pero wala lang itong reaksyon at inutusan ang mga kasama na magpahinga muna. Lalapitan sana niya ito para sana kausapin ito pero may lumapit na babae dito. Pinupunasan nito ang mga pawis niya habang iniinom nito ang tubig na inabot ng babae. Tumalikod na lang siya sa mga ito at  umupo sa gilid.

Pinagmamasdan niya sa malayo kung paano asikasuhin ng babae ang lalake at kung paano ito ngumiti pabalik.

Nakakainis aniya.

Mas lalo pa siyang nainis nang makita niya kung paano ito umaktong nahihiya kahit nangingiti habang inaasar sila ng mga kasama.

Tumayo siya at lumapit sa mga ito para magpaalam na uuwi na. Tumunog na kasi ang alarm sa phone niya, hudyat na kailangan nasa bahay na dapat siya ng mga ganung oras. Natigil ang mga ito nang lumapit siya.

"Ahm. M-magpapaalam sana ako. Kailangan ko na rin kasi umuwi...." Nahihiyang sabi niya. Dinig naman niya ang pag-tsk ng iba nilang kasamahan at pasimpleng pag-irap ng babae sa kanya.

"Di pa tayo tapos atsaka sinabi ko na last time na mae-extend ang oras ng practice natin ah." Blangkong sagot sa kanya ni Brent habang nakatingin sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin dahil namumula na siya agad sa tuwing nagtatama ang mga mata nila.

"Ano kasi... Di kasi ako nakapag-paalam kay----"

"K. Pwede ka nang umuwi" pagputol nito sa sinasabi niya. Tumango naman siya at dali-daling kinuha ang mga gamit niya. Bago pa siya tuluyang makalayo narinig niya pa ang mga bulungan ng iba.

"Mabuti na rin na umuwi yun. Di tayo matapos-tapos pag nandito yun eh."

"Truth. Boomerang lang" at nagtawanan ang mga ito.

"Enough"

Di na niya na narinig ang mga sumunod na pinagsasabi nito dahil binilisan na niya ang paglalakad. Baka kasi makita pa nila ang pagtulo ng mga luha niya. Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa pag-iyak ay nagawa pa niyang pumara ng taxi.

"KAMUSTA? Kwento ka naman"
Yan ang bumungad sa kanya nang makarating siya sa bahay. Tumigil na rin siya sa pag-iyak bago pa siya pumasok ng bahay.

"Ayos lang. Marami akong natutunan na steps" sagot niya rito.

"Mabuti naman at nag-enjoy ka" nakangiting sagot nito sa kanya. Maya-maya pa, sumingit na rin sa usapan ang apat kaya naging magulo at maingay ulit ang buong silid. Habang siya ay dinadamdam pa rin ang nangyare kanina...

ONDA

ONDA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
IncognitantWhere stories live. Discover now