Lisa

Awts

Keiji

Focus na din ako sa real world. Goodbye guys. Wag niyo ko mamimiss pupunta lang ako America papagamot lang ako. Joke lilipat talaga ako ng account.

Yeolyeol

Tangina mo keiji. Lt ampota HAHAHAHAHAHHAHAHAHA

Lulu

gago hhahahahaha

Sage

pucha hahahahaha

Lisa

Akala ko si Yeol lang yung joker dito pati din pala si Keiji hahahahaha

CaiLeen

Akala ko din

Jisoo

Akala ko din (2)

-

"Ang panget mo kuya!" I hugged him tightly. Miss na miss ko na siya!

"Mas panget ka kaya! May boyfriend ka na, ano?" bungad na tanong niya.

"Wala pa, hindi pa niya sinasagot." singit ni Mama. Grabe, naniwala ba talaga siya kay Lee? Haynako Mama nauto ka no'n.

"Hindi 'yon totoo, kuya." umiling na lang ako.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos namin pag-usapan. Hahaba lang atsaka aasarin lang din ako ni kuya. Kilala ko siya, tulad lang din siya ni Mama.

Kumain lang kami sa isang Korean Restaurant malapit sa airport. Pagkatapos, dumaan kami sa Duty Free para bumili ng mga alak, chocolate, pabango o kahit na ano para ibigay sa mga friends and relatives namin.

Pagkauwi, dumiretso na agad si kuya sa kwarto niya para magpahinga. Tinulungan ko naman si Mama sa pag aayos ng mga ipapamigay. Nagpadala din si Tita ng pera kaya maraming kaming nabili at nagpapart-time job daw si kuya doon kapag wala siyang pasok kaya may ipon siya.

"Ito yung para kay Lee at doon sa manliligaw mo. Diba magkaibigan sila?" tinanguan ko na lang.

Ayoko na rin umangal kasi bibigyan ko naman lahat ng kaibigan ko. Pag nagsalita na naman ako baka kung ano na naman sabihin ni Mama kaya tumahimik lang ako. Bibigyan ko rin ng pabango si Lisa, Jisoo, CaiLeen, Baekcon at si Selene.

Hindi ko nga lang alam kung paano ko ibibigay. Siguro ipapadala ko na lang. Ayaw kong maabala silang i-meet up ulit para lang kunin yung ibibigay ko. Natulog ulit ako ng tanghali sa sobrang pagod sa biyahe papuntang airport at pag-aayos namin ni Mama. Nagising na lang ako ng mag-dinner na kami. After no'n, umakyat na ulit kami.

-

Messenger

HakDogNisM
Cerise: awit sir...

Keiji Bonavich
Kamusta po baby ko?

Baliw na naman itong isa. Wala talaga magawa sa buhay e. Dami-dami namang babaeng nagkakandarapa sa kanya bakit hindi na lang 'yon pag-tripan niya.

Fake WorldWhere stories live. Discover now