23

273 16 3
                                    

A/N: yung mga outfit nila nasa taas yung examples.

FELICITY

"Ayan na ata sila oh?" Turo ko sa isang lalaki na naka longsleeve na polo na kulay puti, lalaking naka t-shirt na black at may bag na dala, at isang babaeng naka black t-shirt din at squarepants ang pang-ibaba.

"Shet! Si Lulu ba yung naka polo na puti? Yung may hawak ng phone?!" Tarantang tanong ni Selene.

"Malamang, kasi graduation niya kaya siguro naka pormal na damit siya."

"Tara na uwi na tayo!" Hinila niya ko paalis. Sobrang lamig pa ng kamay niya dahil sa kaba.

"T-Teka! Kakarating palang natin, aalis na tayo?" Naghihilaan kaming dalawa habang may mga nakatingin sa amin na dumadaan. "Lulu!" Sigaw ko. Napatingin yung tatlo sa aming dalawa ni Selene.

Lumapit sila sa amin at itong si Selene tumalikod lang. Parang baliw, chance niya na'to nagpapabebe pa kay Lulu.

"Hi! CaiLeen nga pala, Kiara Yvonne Estrada in real world." Pagpapakilala ng isang magandang babae. Bata pa ata siya ng mga isang taon sa akin. Nginitian ko siya.

"Kiara pala ha? Ba't hindi ka nagpakilala sa'kin ng ganyan kanina?" Atungal ng lalaking nasa kaliwa niya. "Sage nga pala, Taeyeonie? Ikaw ba? At si...Cerise?" Tumango lang ako at tumawa. "Christopher Ionn Dela Fuente, Ionn nalang itawag niyo."

"Ba't nakatalikod yung isa? Mahiyain naman masyado." Nagtawanan kaming apat  kaya napaharap si Selene. "Oh? Bakit nakasimangot? Ang ganda pa naman ng suot tapos magsisimangot lang?" Tumawa ito. Shet, ang manly ng boses ni Lulu kahit sa pagtawa. "By the way, I'm Keevan Montenegro, Lulu ng buhay niya." Sabay turo kay Selene. AAAAaaaaAaa ang lalandot!

"Ay aba, naglandian pa!" Atungal ko. "Taeyeonie beautiful nga pala." Pagbibiro ko.

"Beautiful ka naman talaga ate yeon e."

"Salamat, Kiara. Ano ba itatawag ko, Caileen? Basta." Napatawa na lang ako sa kalituhan. Ang hirap din kasi piliin kung ano itatawag ko sa kanila. "Felicity Charlene Cordez nga pala." Nakipag-shake hands ako.

"Ganda naman ng name mo!"

"Hoy, Caileen, masyado ka ng plastik kay taeyeonie." Sambit ni Sage.

"Totoo naman kasing maganda, tsk." napa-cross arm nalang siya.

"Eh yung isa magsasalita ba?" Tanong ni Lu.

"Cerise, Selene Simafranca."

"Hala bakit ka nahihiya, Cerise?! Huwag ka mahiya sa kupal na si Sage. Ang kapal nga ng mukha eh."

"Ayos lang ako. Medyo naiilang lang, first meet up natin eh."

"Dahil ba sa akin?" Singit ni Lulu. "Inaaway-away mo nga ako sa chat, pusa ko eh. Tara na nga sa loob." Hinila niya papasok si Cerise sa loob ng Tong Yang. Samantalang naiwan kaming tatlo na naka-nganga.

"Tara na nga din!" Hinila din ni Sage si Caileen.

"Ano ba!? Wait lang si Felicity pa oh?" Angal ni Kiara.

Fake WorldWhere stories live. Discover now