LuRise

124 9 7
                                    


"Busog ka na ba? Masarap ba 'yong mga kinain natin kanina?" tanong sa akin ni Lulu.


"A-ahh? Oo! Ansarap nga eh, kaso medyo nailang ako sa parents mo. Tsaka first time natin mag-meet nila Felicity eh." medyo naiilang pa ako.


"Mabuti naman kung gano'n. Okay lang mailang gano'n naman talaga kapag first meet up. May gusto ka bang gawin?" tanong niya sa akin.


Naglalakad kami ngayon sa seaside. Hindi ko na rin mahagilap ang mga kaibigan namin dahil nagkanya-kanya na kami. Siguro may mga pinagka-kaabalahan sila.


"Ikaw, ano ba gusto mo?" wala akong maisip kaya siya na lang ang tinanong ko.


"Ha? Syempre wala ng iba, edi ikaw." he laughed.


"Lah, what I mean is gagawin natin." I cross my arm over my chest.


"Sungit talaga. Sige mag-rides na lang tayo!" hinila niya ako bigla.


He pushed me to go in front of the ferris wheel. Takot ako sa heights! Bakit dito pa kami sasakay? Andami naman iba diyan, may carousel naman ha?


"T-teka... D-dito tayo sasakay? Ayoko-" I can feel my voice trembling. I'm nervous.


"Diyan ka lang, bibili na ako ticket natin!" dali-dali siyang umalis.


Pumila na lang talaga ako. Andaming tumingin sa akin nang umalis si Keevan. Sinundan din naman siya nang tingin ng mga babae. Nung nilipat nila ang tingin sa'kin, I just rolled my eyes and raised my brows. Asking what they need to me. Napaiwas na lang tuloy sila.


"Ang sungit talaga, ito na ticket 'yong natin." tinaas niya iyon para makita ko, tumango lang ako.


"Takot ako sa heights bakit ito pa napili mo? What a nice timing ha!" pagsusungit ko.


"Oh really? That's Great!" he gave me a widened smile.


"Anong great doon? Takot nga ako eh. Baka sumigaw-sigaw ako, duh." napasapo ako sa noo. Hindi ko alam kung anong unang mararamdaman ko. Nerbiyos ba o galit? Nakaka-stress.


"Okay lang 'yan kasama mo naman ako eh." hinatak na niya ako papasok dahil nakasakay na pala yung mga pumila sa harap namin.


I almost felt jittery when the ride starts to move upwards. Lalo na 'pag unti-unti itong umaakyat. Hindi ko mabitawan yung hinahawakan kong bakal sa gilid.


Keevan just stared at me and then laughed out loud. Ini-ismiran ko na lang siya. Hindi siya nakakatulong dahil pinagtatawanan niya lang ako.


"My god! Lord, I can't! Pababain niyo na'ko dito!" I screamed when the rides reach the highest position of it.


Fake WorldWhere stories live. Discover now