24

192 11 3
                                    


After namin kumain nagpaalam na yung parents ni Keevan na mauuna na silang umuwi dahil bukas may celebration ulit sila sa family niya. Nagpakilala na rin kami isa-isa at nalaman ko na nandito din pala si Jihoon. Ilang araw din siyang hindi nagparamdam.


"Oy, ayun pala si Jihoon?" Tanong sa akin ni Selene. Tumango lang ako."Hmm, gwapo din ha?"


"Pupunta ata si Baekcon sabihan mo si Lulu."


"Talaga!? Omyyy!"


"Who's Baekcon?" Singit ni Lee sa usapan.


"Nothing." Tipid kong sagot. "Wag ka nga chismoso."


"Sungit mo naman."


"Harsh mo naman kay Lee, Felicity."


"Yung nagtrending na bisexual sa rpw noon." Singit ng isa pang epal.


"Epal ka din e 'no?"


"Lagi naman yan ang tingin ang mo sakin."


Tumalikod siya sa amin at naglakad palayo. Wow naman!


"Hala nagalit ata si Fafa Keiji."


"Wow ha? Siya pa magagalit, siya nga lang 'tong umepal sa usapan." Pagtataray ko.


"Harsh part 2, bes." Sambit ni Selene.


-

Lahat kami sama-samang pumunta sa seaside para tumambay. As usual, yung mga mag-lovers naglalandian na. Syempre ako tamang tingin lang sa bestfriend kong si Selene, ang harot masyado kay Lulu.


"Hindi ka ba naiirita sa mga yan?" tanong sa akin ni Lee.


"Ano sa tingin mo?" tanong ko pabalik.


Huminto siya sa paglalakad at tumayo sa harap ko. Tinitigan niya ako at napansin kong napatingin si Keiji sa amin.


"Hmmm, parang naiirita ka na din." sobrang napalakas yung tawa niya kaya nagsitinginan ang mga tao sa paligid namin.


"Sino ba naman kasi hindi maiirita kung may mga naghaharutan sa harap mo? Like duh respeto sa single." Nakasimangot kong sambit.


"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Keiji.


"A-ahh, wala! Wala." Sagot ko pero tinalikuran niya lang din naman ako. "Magtatanong tas tatalikuran ako, napakabastos talaga niyang kaibigan mo!"

Fake WorldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt