ClySa

118 8 4
                                    


Ten minutes na kaming naglalakad, tahimik lang kaming dalawa habang hindi alam kung saan patungo ang tinatahak ng mga paa namin. I don't know what to do, Am I boring person?


"Sobrang nabobored na ako. Wala bang kakaibang pwedeng gawin diyan? Ang sakit na rin kasi ng paa ko." reklamo niya.


Nginitian ko siya nang nakakaloko. May naisip na ako na gagawin namin. Tutal pagod na siya sa kakalakad namin. This is gonna be fun.


"Anong klaseng ngiti yan, Clyde. Nako ano yang iniisip mo? U-umayos k-ka." halata sa tono ng boses niya ang pagkakaba.


"Tara na." hinila ko agad siya.


"T-teka. Anong gagawin natin?"


Nang mahanap ko agad yung naisip kong gagawin namin. Pumasok agad kami sa loob.


"B-bakit a-andilim? Nasaan ba tayo, Clyde?" hindi siya mapakali. Mukha ngang kinakabahan siya.


"Sean na lang. Masyadong pang-rp yung name na binabanggit mo. Or Havien, pwede rin. Remember nasa real world na tayo, Jazz."


"H-how did you know my real name? Atsaka nasaan tayo?" tanong niya muli.


"Nabanggit mo na noon pa ang tunay mong pangalan. Kalma ka diyan, nasa billiard station lang tayo. Tara na doon." tinuro ko agad sa kanya ang direksyon na pupuntahan namin.


Sinundan niya ako. "Ay, sorry, hindi mo kasi agad sinabi. Masyado namang madilim dito."


"First time?" tanong ko. "Marunong ka bang maglaro nito?"


Napakamot siya sa ulo niya. I think she didn't know how to play billiards. First time kong maka-encounter ng babaeng 'di marunong. Halos lahat ng girl friends ko ay marunong.


"H-ha? Ahm...Hindi eh. Mukha lang akong boyish kumilos pero never pa akong naglaro nito." medyo namula ang pisngi niya dahilan para yumuko siya.


"Ahh, hindi ko alam sorry. Ang mga girl friends ko kasi marunong. Don't worry I'll teach you later."


Nagtaka siya bago umupo. "Girl friends?"


"What I mean is babaeng kaibigan." masyado ata akong hindi direct to the point. Napakamot na lang din ako sa ulo.


"Ahh, okay." tipid niyang sagot at nagmuni-muni.


"Just wait here, I'll bring you chips and drinks. Kukuha na rin ako ng maiinom ko."


Tumango lang siya sa akin. Agad akong kumuha ng chips at drinks niya. I picked Heinekin for mine. Pag balik ko naka-upo pa rin siya pero nakakunot ang noo. She's pretty, even in any facial expression she had. No not only pretty, I mean gorgeous.

Fake WorldWhere stories live. Discover now