25

148 12 4
                                    


"Ayan na yung mag-couple." tumingin silang lahat sa amin ni Keiji nung sinabi iyon ni Selene.


"Saan galing ang mag-asawa?" tanong ni Alistair.


"May binili lang." maikli kong sagot.


Halos lahat sila nakatingin sa amin na para bang may malisya. Bumili lang naman kami ng band aid ko sa watsons masyado silang malisyoso at malisyosa ha?


"Uuwi na kami mga, pre." Paalam ni Alistair at iba pang Bonavich.


"Salamat sa pagpunta. Sa susunod ulit!" si Lulu.


Nagpaalam din sila kay Keiji at Yeol kay Ali dahil magpapaiwan sila sa amin. Alistair looked at me, I gave him a nod and then they left us.


"Hihintayin natin yung fireworks?" tanong ni Sage. Binatukan siya ni CaiLeen.


"Malamang tanga nito!" inirapan niya si Sage. Ang sweet nila kahit lagi silang nag a-away HAHAHA.


"Aray! Kanina ka pa ha? Hahalikan na kita diyan!" natahimik na lang tuloy si CaiLeen.


Umuwi na rin si Jisoo tsaka Lisa kasabay yung mga Bonavich. Malayo pa kasi yung bahay ni Jisoo kaya kailangan niya nang umuwi. Hinatid na siya ni Yulycis dahil may dala naman na kotse 'yon. Si Lisa naman aalis daw sila ng maaga bukas kaya kailangan niya nang umuwi. Pati si Baekcon umuwi na rin dahil strict nga ang parents niya. Hinatid lang siya ni Lee sa entrance para makahanap ng sasakyan at agad naman na bumalik dito.


Kaya ito kaming pito ang natira. Hihintayin namin yung fireworks bago kami mag-dinner atsaka uuwi na. Since bakasyon naman na, okay lang sa akin kahit gabihin kami. Wala naman akong gagawin bukas eh.


"Kay Khairro yan ha?" tinuro ni Lee yung jacket na suot ko. "Binili namin yan sa Singapore last year."


Singapore? So, sa Singapore pa ito binili? Hala bakit ko sinuot?! Siraulo na ba talaga 'tong si Keiji?


"Ayie, pinasuot sa kanya yung jacket na galing Singapore pa talaga." pang-aaasar ni Selene.


"Sana all!" sigaw ni Caileen.


"Soon, kapag nakapunta ako sa singapore hindi lang jacket ibibigay ko sayo." si Sage. Hinampas lang siya sa braso ni Cai.


This is a chanel black bomber jacket that has a logo on the back. Malaki siya tingan halos mukhang dress na nga sa akin. Kasing haba niya na ata yung suot kong jumpshort.


"Nag-agawan pa nga kami diyan. Buti nga may isa pang stock kasi 'di talaga ako magpapatalo na mapunta lang kay Khairro yan!" sinamaan niya pa ng tingin si Khairro. Khairro raised his middle finger to Lee. Bad boy, tsk.


"Bagay nga kay Felicity eh. Naka black polo si Keiji tapos white shoes. Siya naman naka-puti tas suot niya yung jacket na black. Perfect match, awie!" sabi ni Lulu. " Kami naman ni Selene same color of garment pati sila Sage."

Fake WorldWhere stories live. Discover now