"Pero pag hindi, the underbridge university, will have a chance para sagutin ang tanong! So good luck. Ano ang inyong sagot?" - Boy emcee.


"Ah, Nisseria gonorrhoeae" sabi ng Crawford Academy


"Waaa!!! Copper! Tama yata sila!?"tanong naman sakin ni Violet. 


"Abay! Malay ko diyan, alam mo namang  pareho tayong bobo  dyan, huwag ako ang tanungin mo." sagot ko naman na tila di narin makahinga subalit kahit ano pa man ang maging resulta nito, matalo man o manalo. Si Bossing parin talaga ang idol ko.


"Sure na ba kayo, Crawford Academy?!" - Boy emcee


"Yes" Crawford Academy


"So partner! Nisseria gonorrhoeae, tama ba!?" sa puntong yun nakita ko si Bossing na tila natawa at siniko naman siya ni Himiko. Well, sa tingin ko di pa nga tapos ang laban. 


"Nisseria gonorrhoeae is ... wrooong!" 


"What!!!!?" sabi naman ng babaeng contestant ng Crawford Academy. Haha! Sorry nalang kasi guys, para samin nga talaga ang swerte eh.


"Yes!!!! Copper! Narinig mo yun! May chance pa tayo!"


"Oo! Narinig ko po!" sabi ko naman sabay hapit sa bewang ng babaeng makulit na katabi ko. Hihihi "Kaya kung ako sayo, ireready ko na ang victory party," bulong ko naman sa kanya.


"Yes, I know Sweety. Party-party mamaya haha!!!" sabi nito at agad na tumahimik para mrinig ang magiging sagot nila Himi. Yes I know bossing, halata namang inspired ka ngayon, kunin mo na yan. Iuwi mo yung medalya sa magiging mga anak mo. 


"So, Underbridge University! May chance pa kayo!!!!" - Emcee Girl


"Ano ang sagot niyo!" Emcee Boy


"Uhmmm... Trichomonas vaginalis" Zayn


"Trichomonas vaginalis?"


"Tama kaya siya partner?"


"Hmmm"



Sky POV




Ay ano ba to kakaasar. Kanina pa ring ng ring yung phone ko, di pa tapos yung contest eh. Pero dahil sa naiinis na nga ako sa kakavibrate nito sa bulsa ko. Kahit ayaw ko, madali akong lumabas para sagutin lang ang kanina pang tumatawag.


"Skylar!!! Bilisan niyo na umuwi dito sa bahay, sabihin mo kay Zayn! Manganganak na ang asawa niya!!!!!!" pasigaw na sabi ni Dean na mukhang tuwang-tuwa sa pagbabalita sa akin. 


"What!!! Diba po, next week pa yung Due niya! Bakit napaaga!" Mula dun sa labas, kahit di parin makapaniwala sa narinig agaran akong pumasok sa venue ng contest at madaling hinanap ang barkada na kasalukuyan na palang nasa stage at binubuhat si Zayn at Himiko. 

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Where stories live. Discover now