CHAPTER THREE ~ Her Biggest Mistake

2.3K 28 3
                                    

--------

Every mistakes have their corresponding punishments. 

Exactly! 

Same like having revenge to someone. 

Lalo na kung ego mo ang naapakan diba?

 ... but question, kung makaganti ka ba sa taong nang-api sayo, sasaya kaba?

Anong reward ba habol mo? 

the last laugh wins? ganun?

 "(   __ __)) awch!

----------------------

*NowPlaying: Tatlong Bibe*

"Mukhang good mood ka ngayon ah." Puna ni Cedric sa aking mga ngiti ngayon umaga habang katabi siya sa front seat.

"Wala naman. Masaya lang talaga ako."

"Then, pwede ko ba malaman kung ano ang nagapapasaya sa bestfriend ko? How's school yesterday? Hindi ka sumabay sakin." malungkot na sabi nito.

Habang nagsasalita siya nagflaflashback sa utak ko ang mga nangyare kahapon. Kung alam lang ni Cedric, ang kahapon ay isang kakilakilabot na karanasan. Subalit kung ano man ang nangyare sa kahapon, walang kinalaman yun kung bakit ako masaya.

"Ano na, Katniss? Magkukwento ka ba o hindi?"

"Best, alam mo ba yung feeling na parang ramdam mo yung matinding pagbabago? Yung akala mo nun apihin ka, pero there comes a time, na natuutnan mo rin lumaban and stand for yourself?"

"Okay? So anong kinalaman ng pagbabago sa mga ngiti mo?"

"Cedric, there are two instances na nangyare kahapon at masaya akong nagawa ko siya for the first time."

"And what are those instances?"

"First... Me and lolo had a fight. Nagkasagutan kami."

"Ang weird anong nakakatuwa sa -- Teka..." natingin sakin si Cedric. "You mean, Oh my god, Katniss, at last nagawa mo ring ipagtanggol ang sarili mo sa harap niya. Achievement yan. I mean, alam kong hindi tama sumagot sa matatanda pero, kahit minsan naman diba, maganda yung nailalabas mo na yung saloobin mo, opinion at nararamdaman. Hindi lang basta makikinig ka sa pagalit niyang sentimento."

"Yes !!! Best di na ako matatakutin sa Lolo ko. From this day onwards, gusto ko na i-express pa lalo ang self ko. I want him to hear me. Noong nagawa ko yun, alam mo ba ang saya-saya ko."

"Hmm...And what about the other one incident." lumunok si Cedric ng juice na pinahigop ko sa kanya. Nagfofoodtrip kasi habang papunta ng school.

"Haha yung ba? Sure ka ba kung gusto mo pa malaman?"

"Of course?" ngumunguya pa siya niyan.

"Well, muntikan nang may bumangga sa kotse namin -- "

"Ahhh! Aray!!!" Angelie.

Naheadbang kami pareho ni Angelie ng biglang pumreno si Cedric at nagpark sa gilid ng daan.

"Hey! What is that for?!" lumingon ako para icheck ang pinsan kong ngayon ko lang naalala nasa backseat pala at nagnanakaw pa ng tulog, antok pa kasi. "Cedric naman. Nahulog tuloy si pinsan!"

"Eeeeeeeee... my freshly powdered face. OMG aray ansakit ng pagakakalaglag ko ara-ara-arayyy!" Sabi nalang niya sa sarili.

 "Best! Ano ba!?"

"Are you crazy Katniss?"

"What!?"

"Of course nag-alala ako. Nagulat ako. Akala mo ba simple lang kung mabangga ng kotse? Pwede ka mabagok, pwede ka..."

"Cedric, pwede chill? Relax! Buhay ako, walang sugat and everything is cool. Hindi ko inaasahang ganyan ang reaksyon mo!"

Si cedric, I must say, siya ang pinakaprotective sakin next to Dad. Siya ang pinakasweet na walang malisya. Siya ang cuddle buddy ko na walang lust. Siya ang soulmate ko. Hindi ko na tuloy alam kung matatawa ba ako o magagalit. Minsan kasi over na siya eh.

 "Tell me! sino yun ah? pangalan at plate number nakuha mo ba?" like this one. Hinihingan pa ko ng detalye.

 "Ooppss... Eksaherada? bakit kailangan pa nun?"

 "Tsss, ipapablotter ko, bigay mo na ano platenumber?" I tell you girls kung si Cedric ko ang maging boyfriend niyo. Sinasabi ko talaga walang ligtas ang aagrabyado sa inyo.

 "Eee Best no need na. Nasampal ko na at pinaghahampas ayos na nun di na kailangan ng mga blatter-blatter na yan"

 "Tsk ibibigay mo hindi... Isa!!!" "E ano nga ibibigay ko e hindi ko nga nakuha yung platenumber!"

 "Yaan!!! ang galing! Sinabi ko naman diba!? pag may ganung kasi lagi mong kukunin yung plate number. Yan tuloy di natin mapapahuli" At ito pa, pagminsan, parang tatay ko kung makapagsermon sakin.

 "Over! Huli agad? Exagge naman ata yun best??"  

"No one is above the law Katniss... ayaw na ayaw ko lang talaga naagrebyado ka. Kaya kung may kailangan ikulong o dapat sampahan ng reklamo dahil sa rekless driving aba dapat lang."

"Ganun?"

 ----------

Time Check, 7:15 in the morning nang makarating kami sa school. 15 minutes nalang magsisimula na class namin. Dahil hindi ko kaklase si Akari ngayon, mag-isa akong pumunta sa locker area para kunin ang mga gamit ko subject na papasukan ko, while Cedric and Angelie ay pumasok narin sa PE Class nila.

Habang papunta sa locker Area, aking nakasalubong si Dex at Sky. Mga tropa din daw ni Zayn. Si Dex, president ng student council, at Sky bokalista ng isang banda at chickboy din.

Infairness, may matitinong barkada din pala siya.

 "Hi Good morning" bati nila. Yay ang weird namansin sila sakin?

Ano meron? 

Tapos ko ng kunin ang lahat ng books ko sa locker, madali akong naglakad para makarating agad sa room, dahil baka andoon na si miss sa classroom. May quiz pa naman ngayon sa General biology. O God konti lang nareview ko e. Saktong nakahawak na ako sa doorknob, sa aking pagpihit at aking pagpasok biglang ...

 "Swooooooooooosh" a pail of white paint poured unto my head. 

'Ito na ba? Ito na ba ang ganti niya sakin?!"

 Do you think mali suspections ko? No! Dahil siya nga ang may kakagawan nito!

 "Wahahaha Copper, Ikaw na! Galing mo!" Tawang-tawa si Zayn ganun din ang alalay niyang mukhang bulldog sa mismong harapan ko. Habang si Dex and Sky na nasa gilid ay napailing nalang.

 "No bossing, ikaw na! Nyahahahaha!" Tsk. Talagang ginaya pa talaga nila ang segment ni boy abunda e nuh.

 "Dex at Sky! Mga Dude! Hahaha" Natatawang lumapit siya sa mga katropa niya. "Dude nakita mo yung kanina? Galing nuh! Idea yun ni Copper!" Ah ganun ... so talagang plano nila ito.  I know... I know... I'm not a martial artist nor a kung fu master. Laging sabi ni mama, always behave, what a lady should behave. Pero I think sa next na gagawin kong ito, I'll make both epic and history. 

"Kyaaaaaaaaaaa" Tumakbo ako papunta sa lalakeng kanina ko pa gusto basagin ang pagmumukha!!!!

 Nang akoy kanyang nakita, napasigaw siya ng "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa" Lol I've made a wrong move nakalimutan ko basa pala ako. Kaya imbis na takbo napaslide ako, papunta sa kanya at gumulong-gulong kami till I end up above him.

 No way, sa isip ko and to my surprise may biglang "Ayeeeeeeee" Noooooo. Di kami talo! 

 "Aray ansakit ng likod ko! Para kang sako ng bigas Katniss" sabi niya... and wait binanggit niya ba pangalan ko? The H! He called me Katniss? 

Natulala ako at di agad nakatayo. "Hey!!! Wala kabang balak tumayo?! Sh*t bali na ata mga buto ko!" Uh oh... dali-dali akong napatayo and tried to look for my scattered things and pick it up. Sigurado chismiss to the max nanaman ito. To avoid the crowd binalak kong tumakbo palayo kaya lang may biglang...

 "Miss Katniss and Mr Zayn! In my office now!" firm na command ng dean namin. Wahhhhh!!! Like hello I'm the victim here!!!

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Where stories live. Discover now