CHAPTER FORTY-THREE ~ a second chance

1K 11 2
                                    

Yay ang sabi ko sa week-end ang update ngayon ko na ilalagay Ha! Yeee salamat sa lahat ng supporters ng story ko. Sa lahat ng silent readers diyan ha, i love you still... ge lang more power sa pagabbasa guys. 

#failingsiauthor :(

COMMENT/VOTE

--------------------------

Zayn POV

Late na subalit nasa mall parin ako, sa bahay wala rin naman akong kasama dahil si Katniss andun sa Daddy niya. Miss na miss niya daw at gusto niyo daw makasama ng matagal. 'Eh paano naman ako?' Tsk. Kaya ito tamang libot na lang kahit mag-isa. 

Tama, kung hindi ako nagkakamali, nakalagay pa dito sa reminders ko, monthsary namin ngayon ni Katniss. 11 months na kaming kasal and next month mag-one year na kami. Hay! Sino nga ba makakapagsasabi tatagal kami hanggang sa puntong ito. Ako at si Katniss na parang aso't pusa pero ito masayang nagsasama. Maaring bata pa kami sa ganito kaseryosong relasyon, pero sa mata ng pag-ibig wala namang edad at panahon diba? Kaya wala na akong paki-alam kung ano man ang tingin ng iba, ang mahalaga ako at si Katniss.

|Favorite na bulaklak ni Ate Katniss? Hmm. I think better choose yung pink roses.| sabi ni Xylie while on phone call.

"You sure?"

|Oo nga, yan sabi niya sakin before. Hmm. Bakit ba kuya ano meron?|

"Monthsary baby"

|Ah, oh I see. Sige Kuya, I have to go. May pinapagawa pa si Daddy sakin.|

"Ah, sige. Salamat Baby ha. Ihalik mo nalang ako kay Mommy. Okay?"

|Okay Kuya, love you. Ingat ka.|

"Love You too Baby" Pagbitaw ko na sa aming tawag at aking tinutok na ang atensyon sa pagpili ng pink roses na gusto daw ni Katniss. Tss. Grabe sa buong buhay ko, ngayon lang ako napapagastos sa babae eh. "Ahh, Miss... itong bulaklak ang gusto ko." turo ko sa babae sa flower shop at kanya itong kinuha at ginawang bouquete. 'sana naman magustuhan niya toh.'

"Krrrrnngggg" ~ malakas na nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Nang aking tignan -- Unknown number? Sino naman kaya ...

"Hello?" pambungad ko.

|Zayn? Si Daddy Mike mo to' pwede ba kita makausap?| O///O si si Tito toh ah! Yung yung Daddy ni Katniss.

"Po? Saan po kayo Dad?"

========

At tulad nga sa sinabing lugar ni Tito ay este Daddy pala. Pumunta ako doon at nakita ko siyang nakaupo. Tss. 12:00 am na paanong lumabas pa si Tito sa ganitong oras, para lang ba makausap ako? 

"Magandang gabi po." bati ko sa kanya.

"Magandang gabi hijo, umupo ka." paanyaya ni Daddy Mike at ako'y naupo na sa harap niya. Putix bakit ba kinakabahan ako ng ganito? Sa Daddy ko naman di ako kinakabahan ah. Ano ba to.

"Ah, Tito -- a Daddy pala. Asan po si Katniss?" tanong ko. Diyos ko po, hindi ako makahinga, Sheeet. parang gusto ko umutot sa kaba.

"Nak, wala dito si Katniss, para ba sana sa kanya yang bulaklak?"

"Eh, opo sana eh."

"Bakit anniversary niyo na ba?"

"Hindi pa po eh, 11 months palang po."

Si Tito umorder siya ng pagkain, at hindi ko alam kung ano bang pakiramdam na ito na kabahan sa harap ng ama ng babaeng mahal nila. Sabi ng iba normal lang daw ito. Pero bakit ba may ganitong pakiramdam? Maangas at matapang naman ako diba? Bakit sa harap lang Daddy ni Katniss kulang nalang manginig ako.

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon