CHAPTER FORTY ~ Hanggang dito lang

1.2K 12 0
                                    

Hello My loving readers. Here na ang bagong update ko... Weee Parrty-party! THANKS 2704 REEEEAADS 209 votes mwamwa.

VOTE/COMMENT

-------------------------

Cedric POV

True Love is willing to wait,

Pure Love is willing to sacrifice,

Great Love  want to see his love happy,even his not part of that happiness.

Its been months since the unexpected accident between, Katniss and Mary Angelie. May nasaktan, may nagkatampuhan, may nagkasamaan ng loob. Masyado ng maraming nangyare, masyadong matagal na since that day... pero ang mga sugat ay di maitatangging andito parin, at hinihintay lang ang tamang pagkakataon para ito'y maghilum.

Kamusta ako?

Okay lang naman. Paunti-unti hinahanap ko ang sarili ko. Sinisikap na maging malakas, maging matapang at ngumiti sa kabila ng maraming unos na dumaan. Hinihintay ang tamang panahon parang muli, masasabi kong... handa na kong umibig muli.

"Krrrng" ~ Cellphone nagriring.

"Hello" sabi ko sa tumatawag.

"Boss, si Plankton to!" sabi naman niya sa kabilang linya.

"Tsk. So? Hindi kita kilala"

"Boss, waiter ako ng El Pasyo Bar... Si Ma'am Angelie -- *toot* " sabi niya na agad kong pinatay at agad na sumakay sa kotse ko. Tsk Obviously, susunduin ko na naman ang magaling na si Angelie. Nagpakalasing na naman. Madalas niya ng gawin ito, kaya madalas, kung sinuswerte siya ako ang sumusundo sa kanya. 

"Pasalamat ka talaga Mary Angelie at hindi kitamatiis." Bakit ko nga ba siya hindi matiis? Siguro dahil alam ko ang pakiramdam ng wala dumadamay, at nagmamalasakit sayo. Wala nagmamahal kundi sarili mo lang. 

Matagal na kasing wala si Angelie sa kanila dahil pinalayas daw siya at hindi na siya mahal. Kaya heto, umupa siya ng condo sa harap lang din ng condo ko. Pero ang masama nito, may sarili nga siyang condo... sa condo ko parin nakikitulog.

'Ano yung condo ko? Second branch ng condo niya?' -_-

-----------

Nang makarating sa bar ay inabutan kong nakatihaya siya sa mesa at mukhang lasing na lasing at gulong-gulo na ang damit niya. Para nilayasan ng katinuan niya.

"Angelie ... tayo!" sabi ko sa kanya at siya ay aking inalalayan na tumayo. 

"Ayaw *hik*" pagpalag niya mula sa pagkakahawak ko subalit pinilit ko parin siyang buhatin patayo.

"Angelie, tulungan mo naman sarili mo please."

"Tsk. Para *hik* ano pa? Wala na namang nagmamahal sa *hik* sa akin."Ay ewan. parang ganito na naman lagi ang eksena namin dito.Mula doon ay bihuhat ko siya at pinasan. Ano ba ang kinakain nito at parang sako bigat niya?

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon