"Malamig ba sa pupuntahan nyo?" natatawang sabi ni Elizabeth at nagpalit ulit ako ng damit. Ngayon ay pinili ko nang magsuot ng high-waist shorts at top na color white na meron ding denim jacket. Iniisip ko pa kung itataas ko ang aking buhok o hahayaan ko na lang na ganito ang itsura nito.
"Oh, Ibeth! Okay na ba?" lumabas ulit ako ng banyo para makita ni Elizabeth ang suot ko. Tinitigan lang ako ni Elizabeth at tsaka tumango na may kasamang ngiti. Para mas malaman kung bagay ba talaga, nagtanong ako sa gc: Luke's Bebe Gorls (Si Hannah kasi yung naglagay ng group name)
SEXBOMB DANCER (Ako to, malamang): Guys anong bagay kong isusuot?
THE MOON: KAHIT ANO NAMAN BAGAY SAYO. HEHE!
Ang sweet naman ni Luna.
HANNAHPAKAGANDA: WAG KA NANG MAGDAMIT! HAHAHAHA
Rated SPG talaga tong si Hannah!
LUKE: OKAY LANG NAMAN BASTA HINDI KA MALALAMIGAN AT WAG KANG MAGSUSUOT NG SHORTS!
Ngii. Lagot na naman.
Dahil dun ay nagpalit kaagad ako ng high waist pants at nagsapatos na ng color white. Lumapit sa akin si Ibeth na hindi ko naman alam na naghahanap na pala ng magandang ayos ng buhok para sa akin.
"Ate, try mo to! Parang ang ganda nyang tingnan! Tsaka malinis yung pagkakaa..." naputol ang sinasabi ni Elizabeth dahil biglang kumatok si Mama.
"Bela! Andyan na yung si Stell! Nakakahiya kung paghihintayin mo!" sabi ni Mama na halatang nagmamadali.
"Ma, yung buhok ko kasi ganito yung gusto kong ayos!" ipinakita naman ni Elizabeth ang picture na nahanap nya at kaagad lumapit si Mama para ayusan ako.
"Oh, diba ang ganda ganda talaga ng anak ko!" Pagharap ko sa salamin ay namangha din ako dahil nakabraids ang buhok ko na parang isang crown flower na nakapatong sa aking ulo.
"Ma, thank youuu!!" pagpapasalamat ko sa kanya at niyakap sila ni Elizabeth.
"Sige na, bumaba ka na basta wag gagawa nang hindi maganda ha at ikakapahamak ng sarili." tumango naman ako at nangako kay Mama.
Kinuha ko ang ticket mula sa picture frame na pink at nakangiting nilagay ito sa bag.
Bumaba na ako sa sala at nakitang naghihintay dun si Stell habang kausap si Papa at nanonood silang dalawa ng basketball. Mukha namang nasasayahan si Stell sa paguusap nila kaya nahihiya pa akong lumapit nung una nang biglang napalingon si Stell. Nang makita nya ako ay bigla syang napangiti at napasabi ng "Wow!" Nakaramdam naman ako ng kilig at bumati sa kanya.
"Hello. Sorry, napaghintay pa kita" lumapit ako kay Stell at nakatingin lang sya sa akin.
Huy! Andyan sina Mama tapos kilig na kilig na ako! Nakangiti pa sya!
"Its okay! Worth it naman." sagot naman nya. Pakiramdam ko naman ay sasabog na talaga ako sa sobrang kilig pero mas pinili kong ngumiti na lang dahil kaharap ko sina Mama. Nagpaalam kami ni Stell sa mga magulang ko at sumakay sa kotse nina Stell.
"Bela, family driver nga pala namin, si Kuya June... " nakangiting sabi ni Stell at bumati lang ako sa driver na nasa unahan. "...sya rin yung driver nina Daddy sa work." dagdag pa ni Stell at naalala kong engineer nga pala ang tatay nya at nurse naman ang kanyang nanay.
Ilang minuto rin ang binyahe namin at mabuti na lang na pagdating namin sa amusement park ay hapon na at hindi na gaanong kainit. Ipinagbukas naman ako ni Stell ng pinto at pumila na kami sa entrance. Tinititigan ko ang mga tao sa loob na nagsasaya na rin at dahil dala na ng emosyon ay napangiti na rin ako.
"Excited ka ba?" tanong ni Stell at nahihiya lang akong tumango. Napangiti na lang din si Stell sa reaksyon ko.
Nang makapasok kami sa loob ay napahawak na lang ako sa braso ni Stell sa sobrang saya. Sinasadya ko talaga yun! Pagkatapos ng ilang araw na magdamagang pagpupuyat ay makakapagsaya na kami. Magandang magbigay ka rin ng oras para sa sarili mo nang mas maalagaan pa ang mga taong nakapaligid sayo. Nang mapansin ni Stell na nakahawak ako sa braso nya ay kaagad nyang inalis ito at inihawak sa mga kamay nya.
Bela kalma lang, okay! Naririnig ko na naman si Luke na sinasabing "Kamusta naman yung makaholding hands si crush?"
Napangiti na lang ako at tumgin sa mga rides. Nararamdaman kong mas malakas pa ata sa sigawan ng mga tao yung tibok ng puso ko! Naisipan naman naming sumakay sa vikings kahit medyo mahaba ang pila. Atleast si crush ang kasama ko! Nang magsisimula na ay sobrang kinakabahan ako dahil kapag sumasakay naman kami dito nina Luke dati ay parang hihiwalay na yung kaluluwa ko! Paano ba umirit nang napakalakas habang nakasakay sa Vikings pero dapat maganda pa rin!? Hinawakan naman kaagad ni Stell ang braso at ngumiti sa akin. Waaahhh!!!! Isinigaw ko na lahat lahat nang gusto kong isigaw lalo na ang kinikimkim kong kilig kanina pa. Nang makababa kami sa Vikings ay bumili si Stell ng tubig at tawa kami nang tawa habang nagpapahinga at naglilibot sa buong park. Sinubukan din naming maglaro ng ibang games at sumakay ng iba't ibang rides.
Nang maggagabi na ay binuksan na ng amusement park ang kanilang Ferris Wheel at napansin naman namin na wala pang nakapila kaya pumunta kami kaagad ni Stell. Mukha akong batang tuwang tuwa dahil unang beses kong makakasakay sa Ferris Wheel. Kapag field trip kasi o kaya gagala kami nina Hannah ay puro sa extreme rides lang kami sumasakay kaya pagkatapos ng maliligayang sandali ay tulog naman kaming lahat sa bus. Nang hahakbang na ako ay narinig kong nagsabi si Stell ng "Ingat!" at mukang nakaalalay sa likod ko. Apat ang pwedeng sumakay sa isang gondola ng Ferries Wheel at laking gulat ko nang napalingon ako. Maingat na nakaalalay si Red kay Langley habang papasakay ng gondola na sinasakyan din namin.
Double date ba to?! Nakakayamot! epal pa sa moment namin ni crush. Ang daming gondola, 16 pa ata to! Pwede naman sila dun sa kabila! Halata mong nangiinis talaga!
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionMay isang paniniwala na ang bawat tao sa mundo ay may nakataling invisible red string. Ang red string na ito ay konektado naman sa taong makakasama nya sa mga importanteng bahagi ng kanyang buhay. Ito ay maaaring magbuhol, mahila ngunit hinding hin...
Chapter 12
Start from the beginning
