Chapter 2

117 62 0
                                        

Pagkarating namin kina Hannah ay naggising na rin sila parehas ni Luna. Syempre nagulat si Luna  nang maggising syang nakasandal sa balikat ni Luke. Ayiiieee! Maya maya pa ay nakababa na kaming lahat. Umalis na si Papa at kampante naman sya dahil lakarin lang ang layo ng bahay nina Hannah mula sa bahay namin.

"Okay ka lang gurl!? Uwi ka muna tapos mamaya ka na lang pumunta? Jetlag siguro yan!?" tanong ni Hannah kay Luna.

"Ayoko nga. Birthday ni Luke baka daanin mo sa dahas!" pagbibiro naman ni Hannah.

Nakangiti lang si Luke habang nakatingin kay Luna pero hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga nararamdaman nya. Alam nyo yun, sobra syang masikreto at... gwapo!

Pagpasok namin ng bahay nina Hannah...

"HAPPY BIRTHDAY, LUKE!"
kahit ako nagulat din sa surprise party nila dahil andun ang ate ni Luke na si Ate Jamie at  para sa aming magcecelebrate ng kaarawan ni Luke, liglig at umaapaw ang mga handa. Parang may seafood fiesta at ang daming sweets!

Napakamot na lang sa ulo si Luke dahil hindi naman sya sanay sa ganitong paraan ng selebrasyon ng kaarawan nya. Ewan ko nga ba, nung mga nakaraang taon, ayaw nga nyang binabati pa namin sya.

"Naku! Salamat po. Nagabala pa kayo! Ang dami nito." Nahihiyang sabi ni Luke.

"Bela, yung binake mong cake! Bigay mo na! Dyan magwiwish si Luke!" tanong naman ni Ate Jamie.

"Eh, red velvet po ito, Ate. Blueberry Cheesecake favorite nya. "

Bat kasi ang tagal kong nagbake pero hindi ko naalalang si Hannah nga pala ang may favorite sa Red Velvet Cake. Bonaks.

"Okay lang, ano ba? Galing sayo yan, kaya thankful pa din ako."
sabi naman ni Luke at kinuha ang cake na hawak ko. Binuksan nya ang kahon at wala akong nakitang kahit konting dismaya man lang sa mukha nya. At para na naman syang bata na sobrang ganda ng ngiti.

"Woah!Bela, pwede ka na sa master chef! Pangjunior nga lang dahil ng height mo! Hahahaha" pagbibiro ni Luke at nagtawanan silang lahat habang ako pinahid ko yung konting icing sa muka ni Luke at si Luke naman nilagyan din ng icing yung muka ni Hannah at si Hannah at Luna naman ang naghabulan.

"Kids! Behave." natutuwang pagsasaway samin ng Tita Kristine na Mama naman ni Hannah.
"Ang kukulit eh. Dinutdot na nila pati yung cake " dagdag naman ng tatay ni Hannah habang si Ate Jamie naman ay hindi mapigilan ang pagtawa dahil parang Spiderman  si Hannah na halos ay nakaakyat na sa may dingding nila makaiwas lang ulit kay Luna at Luke na humahabol sa kanya.

"Luke, make a wish na! Hannah bumaba ka dyan. Para kang butiki kala mo ang gandang tingnan!" natatawa ulit na sabi ng tatay ni Hannah. Lumapit na kami lahat para magwish si Luke.

"MAKE A WISH! MAKE A WISH! MAKE A WISH!!" Nakangiting nagwish si Luke at hinipan ang kanyang birthday candle sabay sabing "I'm 16."

Ang gwapo naman ng kaibigan kong ito. Yung ngiti pa lang nya sa 'I'M 16' pwede nang titigan buong araw lalo pa kaya kung naging mahabang pangungusap yun?

"Diba pag 16 kelangan isasayaw, ganun? " suggestion ni Hannah na  puno ng icing yung muka.

"Asus. Pag 18 yun gurl! 21 sa kanila. And alam ko na yang mga damoves mo." biglang sabi naman ni Luna.

Red StringWhere stories live. Discover now