Chapter 12

39 14 1
                                        

Humahangos kaming lahat sa bulletin board dahil matapos ang exam week ay ilalabas na ang mga resulta. Sulit kaya ang pagod namin sa pagaaral ng buong linggo? Pero sabi ni Mama mas nakakapagisip kung college exams to. Yung tipong hanggang alas tres nang madaling araw ay nagaaral ka pero hindi mo pa rin alam kung makakapasa. Nakakatakot.

"Excuse me! Excuse me!" malumanay na sabi ni Luna habang sumisingit kami sa mga estudyanteng tumitingin din sa Bulletin Board.

Binaybay ko ang mga pangalan at nakita kong wala kami sa ranking, kahit isa man lang sa amin. Nalungkot ako at tumingin kina Hannah na todo tingin pa rin para sa pangalan namin.

"Ghourl, mali ka ng tinitingnan. Pangjuniors yan, sabaw ka ba?"

Ay! Dun pala sa kabila! MALI. HAHA

Nanlaki yung mata ko nang makitang tatlo ang nagtie sa Rank 1. Si Red, si Luke at yung isa pa naming matalinong kaklase. Galing sa Section B ang pangalawa, syempre yung bebe kong si Stell! Hindi din namin kaklase yung pangatlo at si Hannah yung pangapat, tapos kami ni Luna ang magkasama sa pang lima. Pagkatapos nun ay hindi na ako tumingin pa. Maayos na sa pakiramdam ko na kasama kami sa Top 5. Sulit ang kape na tinimpla ni Papa para makapagaral ako hanggang gabi.

"Si Langley pala yung pampito! Talino talaga nun!" narinig kong may nagsabi sa likod namin.

Ikaw kaya yung magaral kasama yung Rank 1, pero the best pa din si Luke.

Nang nakaalis kami mula sa mga nagsisiksikang estudyante ay nakita ko si Luke na naghihintay lang sa isang tabi.

" Wow naman! Lakas! Masterrr.. congrats po! " nakangiting salubong ni Hannah na may kasamang palakpak.

"Ez. Sabi ko sa inyo eh kahit itutor ko pa sila!" nakangiting sabi ni Luke at naghigh-five sa amin isa isa.

"Naku! Panigurado proud sayo ang headmistress kasi yung anak nya Rank 1" sabi ni Hannah at natigil kami lahat.

"Siguro." kibit balikat lang si Luke pero hindi pa rin inaalis ang kanyang ngiti.

"Maiba tayo, tapos na yung exam week diba? So date na ni Bela!?" inosenteng tanong ni Luna at nangiti na lang ako sa sobrang kilig.

"Ayiiiieee!!! Mukang lalabas na yung bituka nya sa sobrang kilig!" kiniliti naman ako ni Hannah at nakita kong nakangiti lang si Luke.

"Nakakalungkot din." biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ko.

"Bakit naman?" tanong ni Luke habang nilalakad namin ang daan papunta sa parking lot atnang makasakay na sa naghihintay na school bus.

"Kasi diba, laging pagkatapos ng exams sabay sabay tayong pumupunta sa amusement park. Ngayon, hindi ko kayo makakasama." sa totoo lang may parte talagang nalulungkot ako dahil hindi na namin masusunod ang nakagawian. Pagkatapos kasi ng exam week ay may araw na half day lang kami at ginagamit namin yun para magsaya.

"Okay lang yun, ano ba? Ang mahalaga makakapagenjoy ka na with crush!" malambing na sabi ni Luna at tumango lang ako. Hindi naman nagsasalita si Luke at napansin kong nakatingin lang sya sa amin.

Hanggang nang sumakay kami ng bus ay walang kibo si Luke. Nagpaalam lang sya nang bababa at nagsabing "Good luck!"

Ano ba to!? Sasali ba ako sa contest?

Nang makarating ako sa bahay ay nagpatugtog ako nang napakalakas. Dedma lang kay Elizabeth na nagbabasa ng libro.

"Ibeth, bagay ba to sakin?" tanong ko sa kanya habang suot ang kulay asul na sweater.

Red StringWhere stories live. Discover now