2018|16 years old.
Kanina ko pa tinetext ang kaibigan kong si Fred a.k.a Hannah.
Oo! Tama ang pagkakabasa nyo!
Pano ko ba naman agad sya makikita sa dami ng tao dito sa airport eh hindi naman nya sinasabi kung asan na sya.
Malay ko ba kung kakasakay lang nya?
Nagring bigla ang phone ko.
"Hello? Babe asan ka na?"
Oh kala nyo may jowa ako noh? Syempre yung nasa likod ko yun. Kaloka. Sana lahat diba?
"Hello? Hanep kanina pa ako dito ha. Paikot ikot na ko pinagpapawisan na yung kilikili ko! " yan talaga, ako na yan.
Maya maya pa ay may nakita nakong kumakaway kaway sa medyo kalayuan. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya. Si Fred, pero Hannah talaga ang tawag namin sa kanya mula nung mga walong taong gulang pa lang kami. Paborito nya kasing panoorin si Hannah Montana at inamin naman nya na babae talaga ang tingin nya sa sarili nya nung una pa lamang. At isa yun sa mga dahilan kung bakit mas minahal namin si Hannah dahil totoo sya sa sarili nya.
At ako naman si Bela, ang Baker Queen ng barkada. Mahaba ang buhok at simpleng manamit. Hindi pinagpala sa height pero marunong akong magbake at isa siguro sa mga pinagmamalaki ko ay ang pagiging Editor-in-Chief ng school newspaper namin.
"Sis! Late ka na naman. Anong drama na naman natin dyan? sabi nang wag malelate e. Buti hindi pa dumadating si Luna. " sabi nya nang nakangiti at biglang nagayos ng hanggang balikat nyang buhok. Karaniwang ginagawa ni Hannah dahil siya ang 'kikay' sa barkada.
Hinihintay naming dumating ngayon si Luna, ang pinakatahimik sa aming apat.
"Pinagbake ko pa kasi si Luke ng cake kanina nakatatlong try kaya ako bago makapagbake nang maayos." paliwanang ko naman kay Hannah.
Si Luke naman ang kaibigan kong laging abala dahil sya ang President ng Student Government at isa pang okasyon ngayon ay ang kaarawan nya.
Inilabas ni Hannah ang mga pickup signs sa kanyang bag.
"Dinala ko yung weapon natin lagi para mas makita tayo ni Luna." iniabot nya sakin ang isang pick up sign.
Natawa na lang ako kasi yung isang sign ay may nakalagay na "Welcome from the rehab, Luna." tapos yung isa naman "Si Luna ka ba? :)"
Sa loob ng ilang taon, itinataas namin tong signs na to pag sinusundo namin si Luna sa airport. At buti na lang ay wala naman sigurong naniniwalang galing sya sa rehab?
Taon taon ay pumupunta si Luna sa South Korea kasama ang ate nya na naninirahan na rin doon at naghahanap si Luna ng oppa. HAHA. Mali pala. Ipinapasyal sya ng ate nya para naman daw makabawi sa kanya. Sana lahat din, diba?
"Andyan na si Lunaaaaa!!!" sigaw naman ni Hannah na halos mababasag na yung eardrums ko sa sobrang pagkasabik nya.
Malayo pa lang ay kinawayan na kami ni Luna habang kaming dalawa naman ni Hannah ay parang timang na nakataas pa rin ang pick up signs na hawak namin.
"Guys! Ibaba nyo na yan anuba? Baka akalain nung ibang tao totoo yan tapos mapost pako sa social media sige kayo wala kayong pasalubong!" pagbibiro na sabi ni Luna.
Parehas kaming natigil ni Luna nang makita naming natulala na lang si Hannah at ngiting ngiti sya habang nakataas pa ang signs. Muka syang nakakita ng artista eh isang linggo lang naman naming hindi nakita si Luna.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Red String
Ficção AdolescenteMay isang paniniwala na ang bawat tao sa mundo ay may nakataling invisible red string. Ang red string na ito ay konektado naman sa taong makakasama nya sa mga importanteng bahagi ng kanyang buhay. Ito ay maaaring magbuhol, mahila ngunit hinding hin...
