Chapter 10

68 37 2
                                        

Hinintay naming makapagpalit ng damit si Luna at tsaka nagtungo sa cafeteria para kumain. Lahat ng pagkain dito ay kasama na sa tuition fee namin kaya pipila na lang kami at kakain, maliban lang sa mga pagkain na ibinebenta ng ibang estudyante sa mga stalls nila ngayong Intramurals.

"Ate, sasama muna kami ni Jacob sa mga kaibigan namin mamaya. Andami na nilang nasalihan na contests eh sayang naman kung di kami makakasali, diba?" sabi ni Elizabeth sabay tingin kay Jacob na kumakain pa rin. Nakangiting tumango na lang si Jacob.

"Sige. Manonood muna kaming basketball nina Hannah." sangayon ko naman. Napatingin ako kina Luna, Hannah at Luke na parang gutom na gutom at pagod na pagod. "Okay lang kayo, guys!? Parang kakainin nyo na pati plato!?"

"Kelangan namin ng energy para makapagcheer mamaya sa championship!!" sabi ni Hannah habang umiinom ng orange juice.

"Nakakapagod kaya yung play kanina! Kala ko nga mahihimatay nako! Buti na lang binigyan mo ako ng cupcake!" dagdag ni Luna at nagthumbs up pa sya.

"Oh ikaw, Luke! Baka may gusto ka ring sabihin?" tanong ko naman kay Luke.

" 3 hours vacant ko ngayon kaya lulubusin ko na! Bale may 1.5 hours pa ako." nagulat naman ako sa sinabi ni Luke. "..Awarding na bukas eh kaya binigay na samin tong araw na to ng adviser namin para magenjoy. Tsaka anooo...pinakalat na namin yung ibang commissioners, sila na muna yung pinagbabantay ni Maam."

Biglang sumingit sa usapan si Luna at kinulbit pa ako. "Si Stell oh!" turo ni Luna at nagtinginan naman kaming lahat kay Stell na nakasuot na rin ng jersey uniform para sa laro nila mamaya at napansin kong papalapit na rin sya sa table namin.

"Hello, Stell! Magsisimula na yung laro nyo? Kain ka na!!" ngiting ngiti si Hannah habang inaalok si Stell kumain.

"Sige! Salamat! Baka sumakit appendix ko kapag naglaro eh mahirap na!..." paliwanag naman ni Stell at tumingin sa akin ang kanyang mga mata "...Uhhhmm..Bela ibibigay ko lang sana sayo tong ticket para sa amusement park. Kung okay lang sayong sumama sa akin after exam week!?" at iniaabot ni Stell ang ticket na hawak nya.

"AYIIIIEEE!!" narinig kong nagsigawan ang mga kasama ko at hindi magkaintindihan sina Luna at Hannah sa kinauupuan nila. "TANGGAPIN MO NA!!!" sigaw ni Hannah na itinutulak at hinahampas pa ako. Nahihiya kong kinuha ang ticket na hawak ni Stell at nagpasalamat. Ngumiti naman sya sa akin bago umalis.

Nakakainlove talaga yung ngiti eh!

Sa sobrang kilig ay halos maggusot ko na ang ticket pero maingat kong binasa ang bawat detalye na nakasulat dito. Mukhang mamahalin.

Napatingin naman ako kay Luke na halatang hindi natutuwa sa mga nangyayari. Naalala ko nga pala yung mga sinabi nya pero ngumiti lang akong mapangasar.

"OH!? BAKIT!? NIYAYA AKO NI CRUSH!!!!" nakatawa kong sabi kay Luke pero hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon nya.

"Bahala ka nga dyan!" sabi ni Luke at natawa na din sya dahil nakita nya namang tuwang tuwa ako.

Pagkatapos ng ilang taon, napansin na ako ni crush tapos niyaya pa ako sa amusement park! Date ba to!??

Kilig na kilig pa rin ako hanggang matapos kaming kumain. Kelangan na naming pumunta ulit sa gym para manood ng Championship. Nang tatayo na kami ay biglang tumunog ang sirena ng Jail Booth!

"Ano ba yan?" narinig kong reklamo ni Jacob na napakamot na lang sa ulo nya.

"LISTEN, JAILERS!" huminga na naman ako nang malalim. "HULIHIN LAHAT NG MAY KULAY PINK SA DAMIT!" Tinitigan ko agad ang damit nina Hannah at sabay sabay silang tumingin sa akin.

Red StringHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin