Chapter 11

53 26 2
                                        

Nagsimula na kaming magaral para sa paparating na exam week at kahit Sabado ay bukas pa rin ang library para sa mga gustong maggroup study. At dahil kelangan namin ng ilang libro para sa pagrereview ay naisipan naming dun na lang magaral nang sabay sabay.

"Malakas ang pakiramdam kong aantukin lang ako sa library!" sigaw ni Hannah na may kasama pang hikab kaya napahikab na rin kaming lahat. Sabi kasi sa isang theory, ang paghikab daw ay nakakahawa kaya kung makakakita ka ng humihikab ay mapapahikab ka na rin.

"Hindi ka aantukin kung Math yun!" sabi naman ni Luke. Tumango lang si Luna at yumakap sa braso ni Luke.

Lahat kami ay may kanya kanyang forte pagdating sa mga subjects. Si Luke ang aming Mathematician, si Hannah naman sa Physics, si Luna sa Statistics at ako naman sa World History, Earth  Science at Media and Information Literacy. Ako ang pinakamagaling magsaulo samin pero ako rin yung pinakamahina pagdating sa Math kaya palagi kong kadikit si Luke pag magrereview na. At alam kong ngayong araw ay Math ang kelangan naming pagaralan dahil kelangan naming paghandaan ang nakakasakit sa puso na mga numbers na hinaluan pa ng mga letra.

Alam kong alam nyo yung nararamdaman ko!

Nang makarating kami sa library ay halos madami pa namang bakanteng upuan, mabuti na lamang ay napaaga kami ng dating.

"Guys, handa na ba kayo?" tanong ni Luna na hindi pa nagsisimulang magaral ay mukang pagod na.

"Laging handa ang Luke's Bebe Gorls kaya tara na! Simulan na ang laban!" natawa naman ako sa sinabi ni Hannah at humanap kami ng magandang pwesto para umupo at mailapag ang mga gamit namin.

"Bakit parang ang tahimik mo ngayon,Bela!? dalagang Pilipina na talaga porket niyaya ng crush nya sa amusement park!"  pangaasar na naman ni Luke at hinampas ko sya ng lapis na nakapatong sa lamesa sa sobrang gigil ko.

"Feeling ko hindi yan nakatulog nang ilang gabi kakaisip dun sa "pwede ka bang maisama sa amusement park!?" Ayiiieeee! Nakakagigil eh ang harot harot!" dagdag ni Hannah at buti na lang hindi nila alam na inilagay ko pa sa pink frame ang ticket at naisip kong tsaka ko na lang kukunin kapag nagDATE na kami ni Stell.

Biro lang! ARAL MUNA BAGO HAROT!

"Sssshhhhhhh" narinig kong may sumaway sa amin mula sa kabilang table at paglingon namin ay nakita ko si Red na seryosong seryoso sa pagaaral. Nagulat naman ako nang makita kong kasama nya si Paige at si Langley! Magkaloveteam na ata sila ni Langley.

Bat kasi sa mga campus laging basketball players yung crush ng bayan? Pano na lang ang bebe Stell ko eh di ang dami nang nagkakagusto sa kanya!?

"Balita ko magaling daw talaga si Red sa Math!" bulong naman ni Luna.

"Nakakahalata na ako sa'yo Luna ha!" sabi naman ni Luke at naging seryoso ang mukha nya.

Lagot ka na, Luna!

"Oo nga. Baka mamaya ikaw na yung may crush kay Red at hindi na tong si Bela!" natatawang sabi ni Hannah.

"Oy. Oy! Pag narinig kayo nyan baka akalain totoo yang mga pinagsasabi nyo. Loyal to kay Stell noh?" pabulong ko namang pagmamayabang sa kanila at napatingin sa akin si Luke.

"Isa ka pa dyan!..." galit na sabi nya "...magaral na tayo para makita natin kung sinong magaling sa amin ni Red!Gusto nyo itutor ko pa sila eh!"

Yan na po ang napakapalaban naming kaibigan, LUCAS HEMINGWAY!

"Kumalma ka na, Luke! Walang humahamon sayo!" nakangiting sabi ni Luna.

Red StringWhere stories live. Discover now