Chapter 11

411 8 5
                                    

Hindi na ako nagsalita hanggang sa nakarating kami sa bahay niya. Wala na rin naman siyang imik kaya nanatili akong tahimik.


Nilapag niya ang car keys niya malapit sa malaking TV pagkatapos non diretso ang lakad niya paakyat ng kwarto kaya naiwan akong mag-isa sa sala. Is he mad or not? Hindi ko maintindihan ang loko, parang bakla.


Dahan-dahan akong umakyat sa taas, pagbukas ko sa pinto ng kwarto niya narinig ko agad ang lagaslas ng tubig mula sa banyo, he's taking a bath.


Umupo ako sa dulo ng malaking kama at hinubad ang heels ko, hihintayin ko siya at magtatanong kung mag-aano ba kami ngayon charot. Pero gaga, syempre! Siguro? Ganoon naman dapat ang ginagawa ng fuck buddies diba, ano pa ba?


Bigla akong kinabahan nang makita siyang lumabas ng banyo. Tuwalya lang ang nakapulupot sa waist niya, and he looks freaking hot by just that!


Pumasok siya sa walk in closet niya, totally just ignoring me. Pinigilan ko ang tawa ko nang nilagpasan na naman niya ako, pero agad din akong natigilan dahil palabas siya ng kwarto.


"Where are you going?"


Napaayos ako ng upo. He just raised his eyebrow on me and went out of the room. Tumayo ako at sinundan siya, nakita ko siya sa kusina. He was standing near the counter holding a glass of water.


"Hey," Bungad ko.


He was not surprised when he saw me. Ininom niya ang tubig bago sumandal sa counter, still, ignoring me though. Naglakad ako papunta sa harap niya.


"What the hell is wrong with you?" Dinala niya ko dito tapos ganito pala drama namin ulol.


"Whats the bet?" His jaw clenched.


I was taken aback by his question. Para bang matagal na niya itong gustong itanong pero ngayon niya lang nasabi? At tsaka, hindi naman big deal kung ano eh.


"N-Nothing serious, really.." Umurong bigla ang dila ko dahil sa titig niya.


"Is that so?" Napanganga ako nang tinalikuran niya ulit ako.


"It's complicated!" Agad kong sagot. Tinanggap ko na nga na ako iyong talo sa bet eh pinapaalala pa! Leche?


"Really? You seemed very excited though, its like you're desperate to do it that you'd interrupt us like that."


"Nakainom ako! That's why confident ako na magagawa ko— iyon.." Napatigil ako ng marealize ang dapat sabihin. Enough for defending myself! Kailangan ko ba talaga mag explain?!


"Wow! So you'd really do it huh?"


"Stop it! Why do you care so much? It doesn't matter!" I swallowed hard, when his dark eyes pierced through me. Parang nagpipigil lang siya, and this is my first time seeing him like this! Mad and a bit frustrated.


"It does."


Napaatras ako nang humakbang siya papunta sa akin. My knees are trembling a bit, napakagat ako ng labi. He stop when he noticed that I have nowhere to go, ramdam ko na sa likod ang lamig ng pader kung nasaan ang refrigerator niya. Agad akong nagpaiwas ng tingin dahil sa titig niya.


"It really does, to me."


Tinuko niya ang isang kamay sa pader, kung saan ako nakabaling ng tingin. Napasinghap ako ng inangat niya ang mukha ko. Our eyes met, napakurap ako. Balak pantayan ang tingin niya pero nakita kong may bahid na dissapointment ang mga ito. Bakas rin sa mukha niya na parang gusto niyang magalit dahil sa ginawa ko na hindi niya gusto.


Lust In LoveWhere stories live. Discover now