Chapter 15

6 0 0
                                    

'LOOK: Actor Neil Oddleton was seen dancing at a famous club with a mysterious girl. Does this mean— his relationship with his rumored girlfriend actress/model Stacey Pavin is just purely rumor?'


Nagising ako dahil tunog ng tunog ang cellphone ko. Bumungad agad sa notification ko ang mga chat ng mga kaibigan ko at mga articles and screenshot nila about kay Neil.


WTF.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Nandito pa naman ako sa bahay ni Neil, I can't afford to be seen by any of his friends or even his management!


Worst is baka may mga paparazzi na sa labas ng subdivision!


It's almost 10 AM and I'm doomed right now talaga kung hindi pa ako aalis ngayon din.


Wala na si Neil dito sa kwarto kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na magbihis at ayusin ang sarili.


Nichat ko si Dee na baka pwede niya ako kunin kasi hindi ko dala ang sasakyan ko. Kahit si Jace chinat ko pero baka busy kasi hindi pa delivered ang message ko.


Pagkatapos kong mag-ayos, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, bitbit ang bag at cellphone ko.


Malapit na ako sa hagdan nang marinig ko na may mga tao sa sala at nag-uusap sila. Napahinto agad ako at naestatuwa sa kinatatayuan.


"You knew the consequences Neil, but still ang tigas tigas ng ulo mo!"


"Lahat ng media nagpapanic at di na mapakali, may ibang gusto nang ilabas ang mukha ng babaeng kasama mo but good thing at naagapan agad nila Macoy!"


"Alam mo naman na binabantayan ang bawat kilos mo, why are you so careless!"


"And it's not just about last night! Marami pang iba na nakuhanan at nakakita sayo last last week or last month, that you are going out with the same girl!"


"Hindi lang ikaw ang maaapektuhan Neil! Look at the people around you! Galit na galit ang management dahil pinagbibigyan ka namin sa freedom na gusto mo!"


"Mali mo lang ang hinihintay ng iba! Ganyan sila kainteresado sa buhay mo. They will find even the tiniest thing about you para lang may papyestahan social media.. to taint you!"


"And here you are, giving them freebies! Ikaw pa talaga ang nagssplook sa sarili mo! What about us Neil? We are protecting you pero ano itong ginagawa mo?!"


Kitang-kita ko ang dalawang babae at tatlong lalaki na nakaupo sa sofa. Ang isang babae naman ay nakatayo sa tapat ni Neil, na siyang nagsasalita. Ramdam kong galit siya dahil may diin ang bawat sinasabi niya, samantalang walang reaction si Neil na nakikinig sa kanila.


You can see in their faces that they all looked so worried but at the same time disappointed.

Then naalala ko, kasagsagan pala ngayon sa bagong palabas ni Neil..


What if masira lahat ng iyon nang dahil sa akin? Lahat ng pinaghirapan niya, even his image! Baka maulit na naman ang nangyari noong nakaraan..


Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napaatras ako sa pagkabigla, dahilan din kung bakit napatingin sila lahat sa akin.


Sinalubong agad ako ng mainit na titig ni Neil.


I can see that they are all shock that I am here. Alam ko rin na may alam sila kung sino nga ang babae ni Neil..


"You're awake.." Tumayo si Neil at aktong pupunta siya patungo sa hagdan pero hinawakan siya ng babae sa braso.


Lust In LoveWhere stories live. Discover now