Chapter 18

5 0 0
                                    

"Shie, palagi akong kinukulit ni Jace.. gusto ka raw makita ni Neil. Kung may time ka daw.."


Tumawag si Dee mula sa opisina ko. Kinamusta niya ako at sa gitna ng pag-uusap namin, sinabi niya ang tungkol dito.


It's been a week, and I have been missing out lately. I deactivated all my social media accounts and then took down my phone.


Kung sino man ang gustong kumausap sa akin thru call ay dito lang sa telepono sa resto.


Nakareceived na ako ng tawag na alam kong kay Neil galing pero hindi ko ito ipinapa-connect sa linya ko. Iyong mga tawag lang na feeling ko importante o galing sa mga kaibigan ko.


And now this, kinukulit niya si Jace Martin about us.. na akala ko tinapos niya na simula nong araw na iyon.


At kahit pa siguro ayaw pa niyang tapusin itong sa aming dalawa, ay ako na mismo ang puputol sa kung ano pa mang ugnayan namin.


Dahil para sa akin, tapos na ang lahat simula noong hinayaan niya akong umalis..


Hinayaan niya akong masaktan kahit hindi sinasadya.. hinayaan niya akong malunod.


Kasi nga, wala lang para sa kanya..


"You can tell Jace na ayoko," I sighed. Napasandal ako sa swivel chair ko. "Pakisabi rin na tigilan na niya ako, wag na kamo ako kulitin.."


I heard Dee sighed. I know siya ang nagugulo sa estado namin ngayon, alam kong nae-sstress na din siya dahil siya ang kinukulit ni Jace Martin.



Pagkatapos ng tawag namin ni Dee bumalik na ako sa trabaho kahit wala ako sa tamang pag-iisip.


Gulong gulo talaga ang isipan ko! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin..


Days from now, we will be meeting the Mariano's dahil sa kagustuhan ni Daddy..


Kilala ko naman sila personally pero hindi ko lang sila nakakasalamuha dahil hindi naman ako sumasama sa mga party na dinadaluhan nila Mama.



Nakakatakot pero ano pa ba ang magagawa ko, I can't disappoint my family now and I already gave them my word.


Hindi na rin ako nakakasama sa mga gala at party kasama sila Dee. Talagang iniiwas ko ang sarili ko muna sa crowd, I don't want to attract attention kahit kanino pa yan.


Alam nila kung bakit, pero ang hindi nila alam ang tungkol sa pamilya ko that I agreed on something..


Magugulat sila at may masasabi pero wala silang magagawa dahil, I made my choice.


My choice, na piliin naman ang pamilya ko.


"No news or issue about Neil and you, for now. Sana nga wala na."


Nakasalubong ko si Ate Pia sa hagdanan, pababa siya at papunta ako sa kwarto ko.


Ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin iyon at tinapik ang aking balikat.


Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako or what dahil sa balitang narinig. Ano ba dapat ang e-rereact ko?


Pagod na pagod na ako sa lahat ng ito.


Pagdating ko sa kwarto agad akong dumiretso sa bathroom. Naligo ako at nagbihis na, then out of curiosity, dumapa ako sa kama and binuksan ang laptop ko.


I searched for Neil, I just wanna know..


Maraming articles ang lumabas, for the past weeks and months. Mayroon din recent post like days ago, na he is out of town for a shoot with his co-artists.


Out of town, tama nga naman para maiwas sa mga issue and all.


He did not post an update sa social media accounts niya, his last post ay last month pa.


Makikita mo lang siya sa mga pictures na ipopost ng ibang artista na kasama niya o di kaya sa mga story nila sa IG.


He's looking good and happy.


Maybe what's happening between us right now is the right choice..


Masaya siya, and magiging masaya rin ako..


Fvck! How I wanted to scream right now!!!


Ano ba namang buhay 'to..


"Ma'am, si Jace Martin po.."


This is just another day in my fvcked up life. Tumatawag na naman si Jace, ano na naman kaya ang kailangan nito..


"Sige, e-connect mo.." Sagot ko sa kabilang linya bago nagbeep.


Bukas na ang dinner kasama ang mga Mariano. Hindi na makapaghintay ang Daddy at talagang pinaghandaan nila ito.


I just pray na kung talagang matuloy ang kasal na ito, sana ito na ang maging daan sa kasiyahan na inaasam-asam ko sa buong buhay ko.. I chuckled on that thought.


"What it is now Jace?" Tamad kong bungad.


Wala akong narinig mula sa kabilang linya. Kaluskos lang at malalim na hininga.



Natigilan naman ako dahil biglang pumasok sa isipan ko si Neil.



"Jace? Ano? Ibababa ko na 'to." I stopped what



I am doing at nagfocused sa tawag. Nakaready na ang kanang kamay ko sa button ng telepono kung sakaling hindi boses ni Jace ang marinig ko.



"H-Hello Shie! Sorry chappy!"



Nakahinga ako nang maluwag.



"Ano na naman? Kung dahil na naman ito sa kanya ha, tigilan mo ako." I warned him.



"Hindi ah, I just wanna ask if you are free tomorrow? Uuwi na kasi ako ngayon and I badly want to meet and have fun with you all.." Tumawa si Jace at dire-diretsong nagsalita.



"Naku, sorry. I am not free tomorrow."


"Ano ba naman yan, Dee told me about this. Sure na sure siyang hindi ka sasama."



"May dinner kami bukas," Natawa ako.



"DINNER? My God, may DINNER daw.." Hindi ko alam pero biglang lumakas ang boses ni Jace.



"Yep,"



"SINONG KASAMA SA DINNER?"



"Family."



"AH, FAMILY NAMAN PALA.."



Biglang umingay sa kabilang linya, pero hindi ko pinansin dahil baka nasa shoot siya.


"Oo, next time nalang. Kung free ako."


"Sayang. Hindi na lang ako magpaparty, wala ka rin naman."



"Luh," Natawa ulit ako. Ang baduy hindi siya ang Jace Martin na kilala ko. "Wag ako Jace, hindi ikaw 'to, wag mo kong niloloko.."



Natawa siya dahil sa sinabi ko.



"Next time magyaya ako, g ka na ha!"



"Yeah, whatever." I smiled.



Nawala bigla ang kaba ko sa dibdib dahil sa tawag na iyon.



My friends can really feel me.



At kahit hindi nila pansin, na sa tuwing magkasama kaming lahat, they are slowly, but always, healing me..

Lust In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon