Chapter 16

4 0 0
                                    

"Natatakot ako na baka may kumalat pa na mga litrato na magkasama kami.."


Kinausap at inamin ko kay Dee ang tungkol sa aming dalawa ni Neil.


Kung anong ugnayan meron kami, that we are just nothing to each other except that we like each others company in bed.


Common denominator naming dalawa ay sex lang at wala ng iba. Dahil alam ko na walang halong kahit ano ang nararamdaman ni Neil, it's just me who took this little thing of ours way deeper.


"Ang hirap naman masyado nyang pinasok mo Shie, mismo ako hindi agad magsink in sa utak ko."


Nandito kami sa condo ni Dee, nanghiram ako ng damit niya kaya nakapag-ayos na ako at lahat.


Tanghaling tapat umiinom kami ng wine, ewan ko ba at nagawa pa naming uminom dalawa sa gitna ng problema na hinaharap ko ngayon.


I turned off my phone. Hindi kasi ako mapakali, feeling ko kasalanan ko lahat kung sakali man na masira si Neil.


I may be exaggerating things now, pero alam ko kase na doon din lahat ng ito patungo.


Neil and I will became just a passerby in our own each lives.


If magtatapos kami sa ganito, sa tingin ko, mas magiging mabuti. Kesa may siraan pang mangyayari..


Ending us.. what a joke.


Ha!


Wala naman pala kaming dapat tapusin kasi wala namang kami eh. We can just lowkey disappear on our own without any goodbyes.


Yeah, we can do that..


I can do that..


Siguro iyong hindi niya paghabol sa akin, sign iyon na hindi na niya ako hahanapin? Na okay lang kahit umalis na ako, because without me, wala siyang problemang haharapin ngayon.


Na iyong pag-alis ko ay mas better para hindi na sila mahirapan pa.


At pagkatapos ay itatago nalang lahat, ibabaon nalang sa hukay ang lahat ng yakap at halik.. na para bang walang nangyari sa mga gabing makulimlim at maliwanag ang buwan na magkasama kami.


Kakalimutan nalang ang lahat.


Yeah, he can do that. Surely..


Natulog ako pagkatapos naming mag-usap ni Dee. She let me vent my heart out. Hindi siya nagsalita nang kung ano tungkol sa mga choices ko at sa amin ni Neil.. and that is one of the reason why I love her.


Bakit ba hindi nalang sila ang naging kapatid ko? I can accept all seven of them..


"Hey," Dee woke me up.


I can see that it is already night time because its dark outside.


"Yeah, sorry sobrang nakatulog ako." Kinusot ko ang mata ko at hinarap siya.


"Almira called hindi ka daw macontact and hinahanap ka daw ng mga ate mo.." Umupo si Dee sa kama habang nagsi-cellphone.


"At tsaka tumawag si Jace Martin," She look at me and smiled. "Kinukulit siya ni Neil, tinanong kung nasaan ka. Pati si Tine, pero hindi ko sinabi na nandito ka.."


"O-Okay, uuwi na muna ako.." Tiningnan ko ang orasan sa bedside table.


Almost 7PM na pala, nagtataka tuloy ako bakit ako hinahanap sa amin. Wala naman silang pake.


"Don't worry, so far.. wala namang articles na pinangalanan na ang mysterious girl ni Neil. Kung may mabasa ka man na kahit ano, hayaan mo lang, wala namang may alam sa kung anong totoong nangyayari eh.."


Tumango lang ako at nag-ayos na agad.


Hinatid ako ni Dee sa bahay, I kissed her goodbye and she said to call her if something bad will happen. Natawa naman ako dahil sa ka-oahan niya. We can really be sisters in life.


Pagkapasok ko ng bahay, bumungad agad sa akin ang dalawa kong kapatid. They looked worried but I doubt that.


"Where have you been?" Si Ate Sierra.


"Oh, just, at Dee's condo.."


"Bakit hindi ka macontact?" Si Ate Pia.


"Hindi ko namalayan, dead batt."


Nakatayo lang ako sa sala habang kaharap sila na parang nag iinterview ng guest sa isang talkshow.


"Papa is worried about you,"


Napaangat ako ng tingin sa kapatid kong abogada. She really is a lawyer, she lies eh.


"I doubt," Mahina kong sabi halos matawa pa ako pero pinigilan ko lang.


"Shiela, don't be rude." Biglang lumabas si Mama galing sa kusina.


"Yeah right, good evening ma.." Lumapit ako sa kaniya at aktong hahalik sana sa pisngi niya pero lumayo siya.


Ang sarap naman magmahal ng pamilya ko..


"Are you the woman who was caught making out with that young actor?" Diretsong tanong ni Mama sa mukha ko.


Napayuko ako. Para naman akong kriminal sa estadong ito, mas grabe pa pala ang paratang sa akin dito sa bahay kesa sa social media.


"Para naman pong mabigat na krimen ang ginawa ko—"


Natigalgal ako sa sampal na natamo galing sa Mama ko.


"Ma.." I heard one of my sisters react.


"Hindi pa ba sapat na nagagawa mo lahat ng gusto mo? Diba gusto mong hindi ka namin pakealaman ng Papa mo? Pero sumosobra ka naman yata at talagang pinapahiya mo ang pamilya natin sa buong mundo?!" I can feel the rage with her voice.


Ngayon ko lang nakita at naramdaman ulit ang Mama ko sa loob ng ilang taon..


Bittersweet.


Imbes na comfort, sampal pa ang inabot ko.


"Wala ka nang ibang ginawa! Sinusuway mo talaga kami ng Papa mo! Hindi mo ba iniisip ang mga Ate mo? Sila palagi ang naglilinis ng mga kawalanghiyaan mo sa pamilya natin!"


Nanatili akong nakayuko. Ayokong umiyak sa harap nila. Ayokong makita nila na mahina ako, dahil sa totoo lang, hindi ko sila kailangan eh..


Nakaya kong dalhin ang sarili ko ng mag-isa sa ilang taon na pinaramdam nila sa akin na hindi na ako parte ng pamilyang ito..


Sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, ito ang pinakamasakit.


Para bang pamilya ko lang sila dahil dala ko ang dugo at apelyedo nila, pero higit pa doon wala na.. Mabuti sana kung ampon ako, pero hindi eh. Palagi kong iniisip na sana nga ampon nalang ako siguro matatanggap ko pa..


"Umakyat ka na, kami na bahala kay mama.."


Tumango lang ako at dahan dahan naglakad paakyat ng hagdan.


Bumuhos agad ang luha ko pagdating ko sa kwarto. Dumiretso ako sa kama at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko..


Sobrang unfair naman ng mundo sa akin, ang tanging pagmamahal na hangad ko lang naman ay sa pamilya ko bakit pinagkakait pa.

Lust In LoveWhere stories live. Discover now