Chapter 8

289 5 0
                                    

"Yey! Congratulations!"

Binati ako ni Dee dahil kakabukas lang nitong bagong branch namin. Isang linggo kaming nag-ayos lintek, akala ko pa naman madali lang mag-ayos. Marami pa kasing nirenovate tapos bumili pa ng ibang mga gamit kaya natagalan, umabot ng isang linggo akala ko nga lagpas pa eh buti nalang.

Nandito silang lahat dahil napaka supportive nilang mga kaibigan, may palibre at mga promos kami ngayon dahil bagong bukas pa kaya sinusulit ng mga kumag na 'to.

"Para ka naman mauubusan jan! Kalma gurl! Di yan tatakbo, hindi yan katulad noong kafling mo!" Dinig kong sabi ni Jaryl kay Prey.

"Sirang plaka ka gurl? Paulit-ulit?" Rebut naman nito.

"Stop nga kayo, may mga customers!" Inawat sila ni Jeany dahil napapatingin nga iyong iba sa table namin.

Maliit lang ang space namin dito kumpara sa dati, pero okay na rin at least meron. Konti lang ang mga dati kong empleyado, iyong iba mga bago na pati na rin iyong chef. Naisip ko na dadalasan ko nalang rito para naman makatulong ako dahil baka hindi kayanin o di kaya baka si Almira nalang ipadala ko dito, marami-rami pa naman ding mga customers.

"Shie, una na ako ha? Alam mo naman, tumakas lang ako.." Angelica kissed my cheeks and also the others, naiintindihan ko naman kaya hindi na ako pumalag.

"Takas daw pero makikita mo 'yan sa BGC mamayang gabi." Tiningnan ng masama ni Angelica si Dee bago kumaway sa amin palabas.

"I saw her too, twice! May boylet na naman siguro." Ani naman ni Tine.

"Hayaan niyo na, ipapakilala din naman niya 'yan sa atin." Merlyn said.

"Sana all." Nakangiti si Dee habang sinasabi iyon, at talagang tinitingnan pa ako ng bruha.

"Bruha ka." I mouthed kaya tumawa ito ng tuluyan.

They stayed until afternoon, panggulo lang. Naghahanap ng mga gwapong customers, pero olats sila. Meron man pero may dala namang jowa, iyong isa naman bading ata kaya wala silang napala.

Gabi na nang umuwi ako ng bahay. Wala ang kotse ni Papa kaya for sure nasa labas na naman sila. I bitterly smiled, parang hindi pa ako nasanay.

Umakyat ako diretso sa kwarto ko at agad naligo. Tapos na ako kumain kaya matutulog agad ako pagkatapos nito dahil wala naman din kaming gala ngayong gabi, bukas na daw.

Nakahiga na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bed side table. Tumatawag si Dee.

Noelle Deianna Calling*

"Shie!" Napabangon ako dahil sa tinis ng boses niya.

"What the heck Dee, you're so loud!"

Humagikhik siya at pasigaw na nagsasalita. Dinig ko ang malakas na music sa linya niya kaya alam ko na kung asan siya ngayon.

"Akala ko bukas pa?" Tanong ko agad.

"Ah, yes! Si Jace kasi, pinilit niya ako!"

"Uh, then why are you calling me?"

"Wala lang! I just want you to know that uh, nasa Club Link kami!"

"Eh ano naman ngayon?" Napabalik ako ng higa dahil akala ko kung ano na, pero lintek na Dee ginugood time ata ako! Tsaka, bukas na ako gagala, I want a peaceful sleep tonight.

"Wanna hangout? Come on Shie!"

"I just wanna sleep tonight, sorry.."

Humikab na ako nang marinig ang boses ni Jace, naghahagikhikan pa silang dalawa. Mukhang may amats na ang mga ulol.

Lust In LoveWhere stories live. Discover now