Chapter 54

376 12 2
                                    

Nabigla ang lahat ng dumating ang head ng HR para makinig para after nito ay malaman na agad ang resulta.

Well unang una ito ang sagot ko
Sa number 1. May mga ahente na kahit naman wala ng gagawin nakikipag kwentuhan lang nag aantay ng kaibigan hindi agad nag lolog out. Syempre para din sa company malulugi tayo kapag ganon ang ngyari.

Pangalawa kung palagi akong magiging mabait sa kanila wala silang katatakutan kelangan matutunan nila na pumasok sa isipan nila na ako ang Boss nila. Hindi ko sila katulad.

Pangatlo late ang Commission dahil may mga tao na inuuna ang kalandian kaysa ibigay saken ng kompleto ang mga kailangan ko para masubmit sa admin. sabay tingin nito kay Ashley

Pang apat sa dami ng kailangan kong eedit at gawin sa station ko talagang hindi kayang matapos yan. Buti kung may katulong ako

Pang lima kagaya nga ng sinabi ko madaming Agent na wlaang galang kaya dapat lang sa knila un sabay tingin ulet nito kay Ashley.

Pang Anim pag hindi marunong sumunod diba dapat lang bigyan ng parusa sila din gumagawa ng dahilan kaya nateterminate sila.

Pang pito meron ng 2 restday mag leleave pa my god ako nga walang leave leave eh. Para sa knila din yun na coconvert naman sa pera ang leave nila saka ayoko masanay sa mga rason nila.

Pang walo kung di ko gagawin un magiging habitual nila ang pag ka late.

Pang siyam over breaks well hindi ganon kabilis makapunta sa pantry natin at isa pa sa dami ng gawain ko eh need ko din ng mahabang break.

Pang sampu isa lang naman may gawa ng Viral Video ko yang Ashley na yan sabay turo nito sa dalaga.

Nananatiling tahimik si Ashley pero parang gusto niya ng sakalin si Carlito.

Sa mga sagot ni Carlito ay halatang wala sa puso ang sinasabi nito at ang tigas pa din ng puso nito.

Well may mga tama naman talaga sa sinabi mo pero yun lang ba wala ka ng gusto idagdag?  pagtatanong ng Head ng HR.

Wala na po.

Okay ako naman!!!

yun pagsabi mong boss ka medyo natawa ako sa part na yun si Mam Devora mo ano siya?
SOM/OBM 
Ano ang meaning? Sarkastik ang pag tanong ulet ng head. .
Senior Operations Manager.
Operation Branch Manager.

Okay so anong karapatan mo gawin yun sa mga agent ?

Ahead pa din ako sa knila kelangan nilang maintindihan yun. 

Saka anong dami ng gawa eh si Ashley ang tumapos ng lahat ng gawain mo kahapon pagsabat na din ni Devora.

Ikaw talagang epal ka!!!  akmang hahablutin niya si Ashley ng humarang si Mike.

Hinawakan naman si Carlito ng mga staff.
Alam mo bait baitan kalang Ashley!! Pagsigaw niton

Tumigil ka na Carlito !!! puro gulo ang dala mo sa kumpanya.
Dati kalang Janitor na nagkaron ng pagkakataon tumaas naging ganyan kana !
Pag sigaw ni Devora.
Gulat na gulat si Carlito matagal na panahon ng hindi napag uusapan yun bagay na yun. Sa kabilang branch siya naging Janitor.
Pero expect naman niya na malalaman din dito yun lalo na hearing siya kakalkalin talaga lahat ng records niya.

Bahagyang nahabag si Ashley sa nadinig simula ng nalaman niya ito ay lalo siyang naawa para dito.

Alam mo Carlito hindi si Ashley ang kalaban mo. Alam mo ba siya ang nakiusap para ma hearing ka. Dahil kung kami automatic terminated kana sa kahihiyan na dulot ng Video mo lalo na alam na alam ng mga tao na dito ka nag ta trabaho.
Magpasalamat ka pa nga dahil siya ang nag explain samen ng ngyari kinuwento niya ang bagay na hindi nakikita sa Viral Video mo. Sinubukan niya din kausapin ang babaeng nag upload ng Video pero hindi yun pumayag. Muntik na nga mapahamak si Ashley.  Dinala kapa sa hospital agad sila ni Mike kaya naging maayos ka.
Saka ano bang pinaghihimutok mo?
Hindi aagawin ni Ashley ang position mo babalik na siya kay Mike dahil tiwala siyang magaling kana kaya muna bumuo ng sariling Team lahat ng Team na naiwan ni Chelsie lilipat na kay Ashley. Lahat ng yan ay idea ni Ashley kaya itong hearing na to hiling pa din niya ay para sayo wag kang alisin dahil naniniwala siyang magbabago kapa!! Pero sa ginawa mo hindi ko na alam ...
Mahabang explanation ni Devora kay Carlito.
Sa nadinig niya ay tila parang kinurot ang puso niya ganon kabait ang babaeng ito sabay tingin kay Ashley.
Nananatiling tahimik lang ang dalaga.

Sa palagay ko ay tapos na ang hearing na to ipapaubaya ko sayo Devora ang desisyon sa tao na to dahil kayo ang makakasama niya. Pero kung ako ayoko na makasama pa to sa kumpanya. 

Sabay labas ng Head lumabas na din si Devora Mike at Ashley naiwan si Carlito sa loob. Lumabas din siya gulong gulo na siya hindi niya na alam ang kanyang gagawin.

I'm the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon