Chapter 51.

391 14 5
                                    

Pagkagising ni Carlito ay medyo iniinda pa din niya ang tahi sa kanyang ulo. Pero ayaw naman din niyang umuwe dahil alam niyang magulo lang sa bahay nila.
Pansamantala siyang natigilan ng maisip na naman na baka si Ashley nga ang may kagagawan ng lahat.

Di namalayan ni Ashley na alas nuebe na ng siya ay magising inabutan niya sa sala ang kanyang Ina.
Oh anak kain kana pag hahain kita.
Ng makarating sa lamesa ay
Bahagyang nalungkot ulet si Ashley dahil sa ngyari.
Anak kumain kana. Heto ohh ..
Salamat Ma,
Ano bang ngyari?
Agad naman nag kwento si Ashley ihininga niya sa Ina ang lahat ng problema niya.
Hindi makapaniwala si Carmen ng madinig ang buong storya sa kwento ni Ashley.
Aba anong klaseng pamilya ba meron yang Boss mo? Kawawa naman pala siya at yun kapatid niya pa humampas sa kanya. After ng insidente sa coffee shop.

Haysss hindi ko alam anong klaseng Ina yun Mama niya.
Kaya naintindihan ko na bakit siya ganon sa inyo. Naisip niya na baka lahat ng tao eh sasaktan lang siya.
At parang wala din gumabay sa kanya habang lumalaki siya.
Ang kaso ikaw na nga tong nagmamalasakit eh ikaw pa ang pinagbibintangan.
Naiintindihan ko po siya at
Siguro kaya din ako ganito kasi naaawa ako sa kanya alam ko kailangan niya ng kaibigan. Kaso hindi ko alam isa pa minsan din tinrato ko siyang kaibigan.

***
Ang matulog sa kwarto na yun ay hindi na bago para kay Carlito.
Madalas siyang magkasakit at nahospital noon ni isa sa pamilya niya walang nag aaksaya ng panahon. Para bantayan siya.
Kaya anlaki ng gulat niya ng may makitang bantay kanina at ang immortal pa niyang kaaway sila Ashley.

Kinabukasan.....
Hi kumusta na ang pakiramdam mo?
Maayos naman na Doc baka pwede na po ako lumabas ?
Mamaya kapag nakita ko na ok kana bibigyan na kita ng clearance para pde kana ilabas mamayang gabi.
Kapag hindi bukas siguro ng maga.
Magbigay nalang ako ng reseta para diyan sa sugat mo.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto laking gulat ni Carlito ng makita ang Ina at Ama niya.
Agad lumapit ang kanyang Ina sa kanya. kumusta ka anak tila may hiya sa tinig ng kanyang Ina.

Anong ginagawa niyo dito? Lalo kana ikaw ang dahilan bakit ako andito ngayon bakit ako nag Viral nakokonsensya kana ba ??
Galit na tanong niya sa kanyang Ina.

Pasensiya kana samen ng Mama mo Anak paghingi ng tawad ni Rudy sa kanya.
Alam niya na hindi niya ito kayang tiisin kaya agad niyang kinuha ang kamay ng kanyang Ama. patawarin mo din ako Papa.
Di napigilan ni Rudy ang maiyak kung alam lang nito gano siya ka proud dito.

Ako din Anak sorry kung sayo ko sinisi lahat o kung bakit tayo umabot sa ganito. Hindi ko agad nakita mga sakripisyo at paghihirap mo
Pasensiya kana talaga samen.

Hindi kita kayang patawarin ngayon Ma. Kaya sana maunawaan mo din ako. Magalang pa din na wika ni Carlito sa Ina .

Sa opisina ay trending ang Video ni Carlito at nakaabot na din ito sa HR si Mike na ang nag paliwanag kay Devora ng totoong ngyari at ng ginawa nila ni Ashley para dito.
Sa ngyaring Video ay HR na mismo ang gustong alisin si Carlito para sa reputasyon ng kumpanya.
nag request lang si Devora na baka pwedeng ma idefend pa ni Carlito ang kanyang sarili pagkagaling nito galing hospital. at ito ay dahil din sa tulong ni Mike. alam kasi nito na ito din ang gagawin ni Ashley.

***
Sumapit ang araw ng lunes at si Ashley nga muna ang pansamantalang nag take over ng gawain ni Carlito ang lahat ay natuwa sa pagbabalik niya sa opisina isa na dito si Devora. Lalong natuwa sina Juliet at Ana ng makita ulet ang kaibigan.

Habang si Carlito ay naklabas na din ng hospital at nagpapagaling na sa kanyang bahay. Pinipilit na din ni Carla ang bumawi sa Anak.

Hanggang sa maka tanggap si Carlito ng email galing sa kanilang kumpanya.

I'm the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now