Chapter 20 #EmergencyLeave

1.3K 23 0
                                    

Gabi na at  hindi pa din mapakali sa higaan si Ashley , hindi pa din mawala sa isip niya ang sinabi ni Jazmin kanina na siya nalang ang aasahan ng iba nilang ka team.
Hindi niya na din gusto ang lumalalang palakad  ng kanilang Manager.
subalit ayaw niya na ulet ng gulo lalo na pakiramdam niya ay nabawasan na ang tiwala ng OBM nila sa kanya.

Kinabukasan tinanghali ng gising si Ashley hindi niya namalayan ang oras sanay kasi siya na umaga palang ay alarm clock niya ang kanyang Ina na si Carmen , kaya dali dali siyang bumangon pag tingin sa relo ay 6:30 Am na alas otso ang pasok ni Ashley 5:30 palang gising na siya at dapat quarter 7 nakaalis na siya ng bahay.

"Nay ,naiirita na tawag ni Ashley sa Ina bat di mo ko..  napahinto si Ashley ng makita ang Ina sa kanilang sofa habang namimilipit ay hawak hawak nito ang kanyang tiyan.

Nay!! dali dali siyang buambaba habang pasigaw na tinawag ang kaniyang mga kapatid.
Aira tumawag ka ng taxi bilisan mo ! Nathan humingi ka ng tulong! pasigaw na utos niya sa mga kapatid .
"opo ate sabay na tugon ng mga ito sabay takbo palabas ng bahay.
"Nay kaya mo yan ano ba kasi ngyare? naiiyak na tanong ni Ashley sa Ina habang akap akap ito.

"Ate ano ngyre kay Nanay? tanong ng nakakabata niyang 2 pang kaptid habang umiiyak.
Hindi niya na nasagot ito dahil di nagtagal ay dumating na din ang Taxi at ang tulong na hiningi nila mula sa mga kapit bahay.
Aira samahan moko Nathan bantayan mo sila Jera tatawag ako. Tara na !!
Agad agad sinugod si Carmen sa Hospital.
Gamit ang Maxicare Card na kinuha ni Ashley para sa kanyang Ina .

pagdating sa hospital sa Emergency agad sila dumeretso at doon ay inasikaso naman agad si Carmen . habang naghihintay ay tumawag si Ashley sa mga kaibigan na hindi siya makakapasok dahil sa ngyari sa kanyang Ina .

"Ana , kayo na magsabi kay Carlito na hindi ako makakapasok yun mga sinend kong pics pakita niyo na and yung med cert lahat dadalin ko pag pasok ko .
pakikisuyo ni Ashley sa mga kaibigan habang humihikbi pa ito.

"Oh my sige sige Ash, pag out pupunta agad kami sa hospital. sige pagaling si nanay ah . nag aalang bilin ni Ana kay Ashley.
"salamat, Bye ..

Ana: Juliet Ikaw na magsabi kay sir na di makakapsok si Ashley.
Juliet: Sige.

"Sir Good Morning po pagbungad na bati ni Juliet kay Carlito.
"Yes may kailangan ka ? kung leave yan madami pang trabaho kaya sa ibang araw ka nalang mag paalam .
" Ah Sir , hindi po ako si Ashley po kasi hindi makakapasok , dinala po kasi si mama niya sa Hospital. ito nga po ang mga pics napatigil si Juliet sa pag papaliwang kay Carlito dhil napansin niya ang masamang  tingin nito sa kanya.
tumingin si Carlito kay Juliet sabay sulyap sa litrato.
Kailan pa naging Doctor ang kaibigan mo?
Tanong nito kay Juliet na tila ng aasar .
"kapag ba d siya umalis sa tabi ng mama niya gagaling ba yun agad na parang Wow Magic ..
kung mamamatay mamamatay makipag libing andaming trabaho dito sabihin mo pumasok na siya o kung gusto niya wag na siya pumasok forever.
"Sir ,
"Oh baket??
pagtatanggol mo ang kaibigan mo ? oh baka gusto mo ikaw ang i cite form ko para sa kanya ng sa ganon kapag nag suspend ako o nag tanggal ng tao eh d siya nag iisa 2 kayo. gusto mo ??
Hindi na kumibo si Juliet at yumuko nalang.
bahagyang natuwa si Carlito sa naging reaksyon ni Juliet. alam niyang kaya niyang manipulahin ito.
" Umalis si Juliet sa Pod ni Carlito ng tila puno ng galit sa kanyang dibdib . Hindi na siya sumagot pa dito dahil baka nga gawin nito ang idamay siya. kailangan niya din ang trabahong ito para sa pamilya niya sa probinsya at sa mga bills niya..

I'm the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now