Chapter 49.

356 17 6
                                    

Pag dating sa hospital ay agad tumawag si Ashley ng mga nurse na pwede mag asikaso kay Carlito.
Ashley Calm done Hey! Alalang alala ka walang mangyayari sa kanya okay sabay akap ni Mike sa dalaga.
Ramdam niya ang pag aalala nito.

Kinakailangan ni Carlito maoperahan sa ulo dahil pumutok ang ulo nito ng dalawang beses sa paghahampas at pag kakabagsak nito.

At kahit late na hindi pa din ito maiwan ni Ashley.
Walang nagawa si Mike kundi damayan ang dalaga.
Hello Ma, Andito kami sa hospital ni Mike sinugod si Carlito .
Huh !?? ano anak ngyari alalang alala si Carmen para sa Anak. .
Ok lang ako ma kapag nagising na siya aalis na din ako baka mamaya lang dumating na ang pamilya niya babalitaan kita Ma. Diyan nako mag papaliwanag.
Basta mag iingat kayo anak ha.

Bibili lang ako maiinom pagpapaalam ni Mike kay Ashley.
sige.  hmm Pero Mike pwede ka ng umuwe maaga kapa bukas .
Ano kaba ? Hindi kita iiwan okay ?
Dito lang ako hanggat andito ka wag kana mag alala okay. Bili lang ako.
Kahit gusto ni Ashley tawagan ang mga kaibigan alam niyang late na baka nagpapahinga na ang mga ito.
Nahihiya man siya kay Mike alam niyang hindi siya iiwan nito.
Pagbukas ng FB ni Ashley ay agad niyang nakita ang video ni Carlito.
Pinanood niya agad ito at Viral na .
Tila punong puno ng Basher si Carlito. Dahil ang Video lang na naupload ay ang pagkakatulak ni Carlito sa kanyang Ina.
Labis na pag aalala na naman ang naramdaman ni Ashley. kahit isa isahin niyang replyan yun alam niyang hindi siya mananalo sa mga ito.

Wala pa ba ang pamilya Mam?
Pagtatanong ng Doctor kay Ashley.
Ito ang kanyang Cell phone kailangan namin siya maoperahan agad. Malalim ang mga sugat niya.
Sige ako na po tatawag sa emergency contact niya.

Kring Kring Kring

Hello Sino to masungit na sagot ni Carla sa telepono.
Si Ashley ho ito yun nagdala kay Carlito dito sa hospital.
need na po niya maoperahan. Putok po ulo niya.  hindi ho ba kayo pupunta dito ?
Ikaw ng bahala diyan.
Wala kaming babayad diyan sabay patay nito ng telepono.
Ano bang klaseng pamilya to!
Hayysss ..

Doc sige po operahan niyo na. Natawagan ko na Family may health Card naman kami.
Kahit inis na inis si Ashley kay Carlito ay sobra siyang naawa dito. Ganito pala ang pinagdadaanan nito. Kundi mag isa ganito naman ang pamilya.
Di nagtagal dumating na din si Mike.
Oh drinks kumain ka muna ..
Inooperahan na si Carlito.
Nag aalalang wika ni Ashley.
Tumawag ako sa Family niya mukhang wala silang pakelam. Kawawa naman siya.
Malungkot na wika ni Ashley. .

Hey Ash sabay hawak nito sa kamay niya.
Alam mo pwedeng hindi siya swerte sa Family niya. pero swerte siya kasi may isa siyang agent o nakaaway o kaibigan na kagaya mo.

Ito pa Mike sabay pakita ni Ashley ng Viral Video ni Carlito.
Oh my pwede natin ireport yan kaso tiyak pag pe pyestahan siya sa ops bukas. Dibale ako ng bahala sa office.

Salamat Mike.

Umabot ng ilang oras bago natpos ang operasyon ni Carlito.
Mabuti nalang at malakas ito at naagapan agad kaya hindi naubusan ng dugo.
Wag na kayo mag alala po ilang oras pa magigising na siya successful ang operation namin.

Hays salamat Doc.
Masayang wika ni Ashley.
Di nagtagal inilipat na sa kwarto si Carlito at nilabas na sa operating Room.
Awang awa si Ashley sa itsura ni Carlito habang tinitignan niya ito.
Pinayagan na sila ng Doctor na pumasok sa kwarto Para magbantay dito.
Mike pwede muna ko iwan alas singko na ng maga papasok kapa.
Hindi na mag tetext nalang ako kay Devora. I know she will Understand.
I know you need me here.
Di napigilan ni Ashley na akapin si Mike. salamat hindi ko din magagawa to kung wala ka.
Sobrang sapat na yun para mawala ang pagod at antok na nararamdaman ni Mike. Dahil ang mapaligaya ito ang pinakamasayang gawain para sa kanya.

8 ng maga ng unti unti gumagalaw na ang mga kamay ni Carlito. Dumilat na din Ito laking gulat nito ng makita si Ashley na natutulog sa upuan malapit sa kanya habang nakasandal ito kay Mike. Hindi niya alam kung mabubuwisit siya sa eksenang yun o anong mararamdaman niya.
Tama siya si Ashley ang huli niyang nakita at nadinig bago siya mawalan ng malay.

I'm the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon