Chapter 53

343 10 2
                                    

Maaga si Carlito para sa kanyang Hearing hindi siya pwedeng malate.

Tignan mo nga naman lahat ginawa ko para mahearing si Ashley. Tila bumalik saken lahat. Ang galing talaga ng impakta..

Anak kain ka muna ? Pag aya ni Carla kay Carlito.
Iling lang ang naging sagot nito sa Ina sabay mano sa ama.
Wala din siyang gana pansinin ang mga pamangkin niya.
Agad nagtungo si Carla sa Gate para pagbuksan si Carlito ng Gate.
Pagdaan niya sa kanyang Ina ay inabutan niya ito ng 1000 ano to anak?
Diba yan lang naman ang kailangan mo? Kunin muna! Kinuha ni Carla ang pera habang maiyak iyak ito.
Masakit sa isang Ina ang ngyayari sa kanila ni Carlito.
Maiyak iyak siyang pumasok sa bahay. Nakita siya ni Rudy at Benji.
O bakit binastos ka na naman ba ni Bakla? Sarkastik na tanong ni Benji sa Ina.
Nilapitan ni Carla si Benji oo isang bakla na bumuhay sa inyong lahat sa pamilya mo sa amin ng Ama niyo.
Kayo ni Johnny sabay turo nito kay Johnny na kakalabas lang ng banyo.
Mga bastos kayo kahit kailan hindi niyo ako ginalang.
Lalo kana Johnny akala niyo kung sinong mahal niyo ko.
Alam niyo kayo tanggap ko na bastusin ako pero si Carlito ansakit pala pag sakanya galing. Naiyak na ng tuluyan si Carla.
Kasi siya ang pinaka magalang sising sisi ako bakit ko nagawa sa coffee shop yun nabulag ako sa ngayari sa papa niyo. Lahat tayo binuhay niya.
Bumaba na din ang asawa ni Johnny at Benji at nakatingin lang ang mga ito kay Carla. .kayo yang pamilya niyo lahat kayo Asa pa din hindi kayo mag trabaho.
trabaho bakit pinag aral niyo ba kami?? Tanong ni Johnny.
Pinag aral namin kayo ng mama niyo! Pag sigaw ni Rudy kay Johnny.
Anong ginawa niyo nag bulakbol nag asawa ng maaga. Hindi nag trabaho samantalang si Carlito hindi namin pinatpos ng highschool sa ngyari nag ALS siya pumasok sa kumpanya kahit janitor hanggang mabigyan ng opportunity na makapag aral. At magkaron ng magandang hanap buhay.
Natameme si Johnny at Benji.
Hindi na din nakapag pigil si Trina asawa ni Benji Tama si Mama inaasa mo ang buhay natin namin mag Ina sa kapatid niyo.
Pano tayo kapag hindi na nag trabaho si kuya.
Anong gagawin wala ngang magandang trabaho na tatanggap d nakapag tapos.
Baluktot na pangnagtwiran !! Pag sigaw ulit ni Rudy.
I aasa mo ang buhay mo sa kapatid mo. .ang lalakas niyo ang lalaki ng katawan niyo 2 na anak mo Benji. ikaw johnny mag tatatlo na baka gusto niyo  kumilos para sa pamilya niyo.
Ikaw Kat mag tatatlo na anak niyo ni Johnny hindi kaba nag sisisi na walang kwentang lalaki ang nakuha mo ?? nagdagdag pa kayo ng anak sa 2 lang hirap na hirap na kayo kundi kami ng Mama niyo si Carlito ang aasahan niyo.  galit na tanong ni Rudy.
Walang pag imik si Kat may punto ang biyenan niya.
Bakit kayo diba galit na galit din kayo kay Carlito kayo nga ang dahilan Ma bakit nag Viral yun eh.
Sayo lang namin nakuha yun ganitong pag trato namin kay Carlito.
Pangangatwiran ni Johnny. Wla na siyang ibang maisip sabihin.
Ako may dahilan ako sising sisi nako dahil saken nasira ang buhay ng anak ko. Dahil saken naoperahan siya dahil sayo.
Pero di ko susukuan ang anak ko maiyak iyak na wika ni Carla.
Gusto ko ng iayos lahat.
sana kayo din.
Di nagtagal ay Umakyat na si Trina at Kat. May punto ang mga biyenan nila tila natauhan sila ng bahagya sa mga nadinig.
Agad naman ito sinundan nila Benjie at Johnny.

Samantala si Carlito ay
Kahit nag drive thru ay tila nakatingin lang din sa kanya ang mga staff sa isang Fast food chain. Lahat ng mga mata nito ay parang hinuhusgahan siya.

At pagbaba palang ni Carlito sa sasakyan sa kanilang parking sa opisina ay tila lahat ng tao na ay nakatingin sa kanya.
Ano tinitingin tingin niyo!! 
Pag singhal niya sa mga ito.

Pagkapasok niya sa emoloyee entrance ay lahat ay nakatingin din sa kanya ng masama at tila pinag uusapan siya.
Wala naman siyang magawa kundi ang mag matigas at pagmukaing matapang ang sarili.

Sa HR na siya tumuloy at andun na nga ang ilang Staff 10 pa ang hearing niya 9:30 palang.

Goodmorning Carl bati ng isang HR staff ang aga mo ha. Bati nito habang inaayos ang mga kakailanganin irerecord lahat ng sasabihin ni Carlito. Para madinig ito ng Head nila at mareview within the day lalabas din ang resulta.
Andun na din lahat ng issue na kailangan niyang harapin.

Ayoko kasi malate Ma'am.

9:45 dumating si Devora kasabay si Mike.
Hey Carl are you Okay?? Nag aalalang tanong ni Devora.

Yes I'm Okay sabay ngiti niya sa Boss..

Sus plastic mo mukha kang barny sa suot mong Violet. 
Pabulong ni Carlito sa kanyang sarili.

Di nagtagal ay dumating na din si Ashley.

Nag simula na ang hearing.
Ito ang mga tanong na dapat niyang sagutin.

1) pag eedit ng time stamp lalo sa pag time out kahit may OT ang agent di nababayaran.
2) laging naninigaw sa office kahit san lugar.
3) late ang Commission.
4) andaming pending na trabaho.
5) hindi professional makitungo sa mga staff laging galit.
6) nagtatanggal ng empleyado basta basta.
7) hindi pumapayag basta may mag leave sa ahente.
8) pag nalate may penalty.
9) Over breaks
10) Viral Video.
Actually madami pa yan pero ito nalang  kasi kapag tinapos natin lahat baka bukas pa tayo matapos. Pag bibiro ng HR staff kay Carlito.
Ito naman yun madaming may concern. Dito tayo nag focus.

Mga demonyong ahente to andaming complaint saken humanda kayo saken pag nalusutan ko to lahat kayo aalisin ko.

I'm the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon