Chapter 46

403 12 0
                                    

Alam ni Carlito na sasama lang din ang loob niya sa kanilang bahay.
Kaya minabuti niyang mag ikot ikot muna.
Hindi niya lang din kayang aminin sa sarili niya na trabaho na lang ang meron siya. kaya kahit makasakit maksagasa man siya ng iba hindi niya na iniisip yun. Ang importante maangat niya ang kanyang sarili.
Dahil alam niyang hindi naman siya ganon kagaling at katalino.
Siya ang dahilan kaya nawala ang mga senior manager sa dati niyang office hanggang sa wala nalang magawa ang management kundi ang ipromote siya dahil siya na ang pinakamatagal. Sa loob ng 10 years niya sa company yun lang ang alam niyang paraan para makuha ang promotion.
Naaalala niya ang hirap na sinapit niya nun bago palang siyang nagta trabaho sa ibang kumpanya pa siya noon.
Palagi siyang tinatanggal at palagi siyang sinasabihan ng BOBO. Dahil hindi siya makabenta hindi siya magaling mag english kaya laging bagsak sa interview.
Kaya nun lumipat siya ng company sinumpa niya na hinding hindi na mauulit lahat ng panget na pinagdaanan niya. Nagsimula siya bilang isang  cleaner hindi siya kagalingan mag english pero nakikipagkaibigan siya sa mga agent kahit utus utusan siya  kumuha ng tubig. Pumapayag siya kahit malimit siyang pagtawanan dahil sa kulay niya at kapayatan na laging kala mo may sakit at sabihan ng tanga  ng mga kasama niya nagsumikap siya dahil high school graduate lang siya.
Hanggang sa naawa ang OBM nila sa dating branch na pinang galingan niya at enenrol siya sa academy ng company para hasain siya mag english naka ilang take siya bago nakapasa kahit ang trainer ay minamaliit din siya ang OBM nila ang nag backer sa kaniya.
Hanggang sa naging agent na siya napromote ng SME sa loob ng 4 na taon mabilis ang naging promotion niya dahil ginawa niya ang lahat para mapunta sa itaas. Malaki ang tiwala ng OBM nila sa kanya kaya nakikinig ito sa lahat ng sabihin niya. Hanggang naging  manager siya sa loob lang ng limang taon lahat ng gumawa ng di maganda sa kanya ay ginawan niya ng issue para matanggal tapos ngayon ito ang mangyayare sa lahat ng paghihirap niya.
Kahit hindi niya aminin unang kita palang niya kay Ashley alam niyang magiging tinik na ito sa kanya.
Nababalitaan niya na ito ang susunod kay Chelsie sa dati nitong manager dahil sa magaling talaga ito at mabait sa lahat kaya lahat ng tao ay magiliw dito kahit mga taga ibang branch. Pag meron silang mga event sa company like Family Day.  Kaya unang kita palang niya dito ay naging mabagsik na siya dito.
Buwisit talaga bakit kailangan ko pa maalala lahat. At bakit ako nagmumukhang kawawa ngayon.
Hindi Ito pwede.
Sabay hampas ni Carlito sa manibela
Ng may makita siyang coffee shop ay agad siyang tumigil para magkape habang inaantay niya ang kanya order sa coffee bean.
Sa di kalayuan nakita niya ang kanyang pamilya na masayang masaya.
Hindi niya alam kung magtatago siya o ano ang gagawin niya. Napag desisyunan niyang magtago nalang sa kanyang pamilya dahil baka gumawa na naman ito ng eksena.
Di nagtagal at bumukas ang pinto may isang masayang pamilya na naman siyang nakita.
Isang babae na mahal na mahal ang kanyang Ina at mahal na mahal din ito.
Ma ano po ang gusto mo ? Uy kayo ano gusto niyo?
Kaw na bahala Ate.
Hanap na kayo upuan .
Masayang masaya ang pamilya nila.
Bakas sa mukha nito ang mga ngiti habang dala dala ang pinamiling grocery at pinag shopping nito.
Mama papasok naoo ba si Ate sa lunes.
Oo anak siya daw muna ang papalit sa Boss niya pansamantala lang naman .
Bakit naman po papalitan ang Boss ibig sabihin po ba temporary boss lang si Ate.
Hindi anak un boss ng ate mo mag babaksyon magpapahinga muna kasi nakakapagod din ang work nila.
Maiyak iyak si Carlito ng makita ang pamilya ni Ashley tunay ngang napakaswerte nito malamang sa kanyang Ina ito nagmana dahil parehas silang may mabuting puso.
Sa loob ng ilang buwan alam niyang tunay na kaibigan ang naging pag trato nito sa kanya.
Siya ang may problema siya ang mali.
Hindi nagtagal ay dumating na ang order niya at nagdesisyon siyang lumabas nalang.
Palabas na sana siya ng biglang.....

I'm the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now