Chapter 14

1.4K 30 0
                                    

Dumaan pa ang mga araw at wala pa din pag babago sa opisina . matindi pa din ang emosyon sa pagitan nilang 2 .
" Ms. Arevalo! pasigaw na bungad ni Carlito .
Ano to ? at hindi mo pala sinunod ang binigay kong sched sa inyo  2 weeks ago ? ano to may sarili kang oras hah? kaya pala palagi kang wala pag gabi . "pagsigaw ni Carlito kay Ashley.

"So! ano naman sayo? ayoko ng binigay mong sched at isa pa, Ikaw ang gumagawa ng sarili sched ng team kakaiba ka.

" Aba! bastos ka talaga no!
wala kang respeto hindi kaba nag aral ha? o baka hindi ka naturuan ng magulang mo ng good manners and right conduct ? at baka nakakalimutan mo na ako ang Boss dito!

"Ako bastos ? eh ikaw anong tawag sayo ? 1 buwan ka palang dito lahat nalang binabago mo. lahat nalang ginugulo mo.

" Ah ganon ? sige lahat talaga babaguhin ko humanda ka sakin ! pagbabanta ni Carlito kay Ashley. at bumalik na din ito sa POD niya.

"Beshie okay kalang? nag aaalang tanong ng kanyang mga kaibigan.
"Carding talaga siya ! galit na pagsigaw ni Ashley.

" Ash! Anong ngyare? may problema ba ?
nag aalalang tanong ni Mike kay Ashley.

" Boss hindi ko na po kaya I quit! napaupo si Ashley na nanghihina sa ngyre. alam niya na pwedeng pwede siyang bigyan ng cite form sa ginawa niyang hindi pagsunod sa Manager niya.

" whaat ?
" A-anong?
"inilipat po si Ashley ng shift
12-9 hindi niya po sinunod kasi wala naman ganong sched , matagal na po siya pinag iinitan ni Marikrik. "pagpapaliwanag ni Ana kay Mike.

" Totoo ba to Ash?
" Opo Sir Mike, Naiinis na ko sa Carding na yun.

" Carding , sinong Carding ?

" Ah wala Boss wag mo isipin un , pag saway ni Juliet kay Mike habang natatawa.

" wag ka mag alala ako ang bahala kakausapin ko siya mamaya. Mabuti pa tara na at mag early lunch ako ng bahala sa time stamp niyo.

I'm the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now