I just hope I lost those guys...

Nang subukan kong buksan ang pinto ay hindi ito bumubukas, ni hindi man lang nagagalaw kahit kaunti. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang pinipilit na buksan 'yun. Don't tell me ni-lock ako rito?!

"May tao ba diyan?! Tulong naman! Hindi ako makalabas!" I banged the door out of desperation, "Pakibuksan please! Tulungan n'yo ako!"

When suddenly, a loud emergency alert sound covered the whole apartment. Namatay ang ilaw at lumabas ang patay-sinding red light sa magkabilang gilid ng kwarto. Doon ako mas kinabahan.

Lalo tuloy ako nagmakaawa sa labas, "Please! Tulungan n'yo ako! Hindi ako makalabas! Tulong...!" halos magsibagsakan na ang mga luha ko pababa. Kinakabahan ako, pakiramdam ko may hindi tama.

Napasabunot ako sa sarili ko para sabihing panaginip lang 'to. Pero kahit anong gawin kong pananakit sa katawan ko, hindi nagbabago ang paligid... nandito pa rin ako, kasama ang nakakabinging ingay.

Nanay Gretta...

"WHAT THE FUCK?!"

Nagulat ako nang may narinig akong sumigaw. Nanlalaki ang mata ko habang nililibot ang paningin... pero walang katao-tao.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi na 'to normal, sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko dahil sa takot at kaba na maaaring mangyari sa akin.

Nasaan ba ako? Sinong nagdala sa akin dito? Kunektado ba dito 'yung lalaking nakabangga ko o... nasa puder na 'ko ng tatay ni Olyn?

Shit!

"Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!"

Sigaw muli ng isang boses lalaki. Huminto ang emergency alert sound at tumigil ang pulang ilaw, bumalik ang liwanag galing sa LED chandelier na nasa kisame.

"Sino ka?!"

Hindi ko alam kung saan titingin, naging tahimik man, patuloy pa rin ang malakas na ingay sa dibdib ko.

"Paano ka nakapasok diyan?!"

I managed to opened my mouth to speak, "H-Hindi ko alam! Paggising ko nandito na ako!" sigaw ko pabalik habang pinupunasan ang pisngi ko.

Sandali siyang nanahimik.

Marahan akong lumakad sa gitna ng sala at mas nilibot pa ang paningin, baka sakaling makakita ako ng bagay na nagko-konekta sa amin para makapag-usap.

"Nakikita kita."

Umangat ang dalawang balikat ko sa gulat nang magsalita siya ulit. Hindi na mawala-wala ang kaba ko sa loob. "N-Nasaan ka? Saang lugar ito bakit hindi ako makalabas?"

"Malayo ako sa 'yo, pero nakikita kita." sagot niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Kunin mo 'yung cellphone sa ibabaw ng mesa."

Kaagad 'yun hinanap ng mata ko at nakita ko ang isang itim na touch screen phone. Dahan-dahan ko 'yun inabot.

"Diyan tayo nakakapag-usap."

Nang bumukas ang ilaw ng phone, nakita ko ang salitang, "seven" sa screen.

"Seven...?" halos pabulong kong tanong.

"That's my name, I'm the caller."

Hindi ko maintindihan... anong ibig sabihin nito? Seven? Siya ba 'yung nakabunggo ko? Pero hindi, e. Kung siya 'yun, hindi na dapat siya nagtatanong kung paano ako nakapasok dito.

Sa mga oras na ito ay pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ko rito sa wirdong apartment na 'to, hindi ko rin alam kung bakit tinatanong ako ng lalaking ito kung paano ako nakapasok dito.

Below The Tide (Charity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon