Chapter 26: Lucifer

41 2 0
                                    

Daemon POV

Nakakainis!!!

Inis kong sinipa ang isang puno kung kaya natumba ito..  May mga narinig akong nagulat pero hindi ko sila pinansin..  Hindi namin alam kung asan na sila Usagi. Marahil ay inilayo sila samin..

Sinipa ko pa uli ang puno kaya naman tumalsik yun pero bigla ko nalang itinigil ang oras at mabilis na lumapit sa babaeng matatamaan ng puno tsaka sya binuhat at inilayo..  Pag ka layo namin sa puno ay kusang bumalik ang oras at tumama yon sa isang bakanteng gusali

Tiningnan ko yung babaeng gulat na naka tingin sakin..  Bigla Kong naramdamang bumilis ang tibok ng puso ko at may kung anong nalipad sa tyan ko..

"D-Deamon... " utal na tanong nya sakin

"Ayos ka lang ba? " tanong ko

Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. . Bakit ba ako nay concern sa kanya?

"O-oo..  Pero..  Bakit moko buhat buhat? " tanong nya

Dahil napansin Kong halos samin na katingin ang mga tao ay agad ko syang binitiwan kaya naman napaupo sya sa sahig

"Aray!!!  Ano ba yan!! " reklamo nya

"Tsk!" Yan lang ang lumabas sa bibig ko .

Sobranh lakas ng tibok ng puso ko at nakakainis yun..  Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong ibig nitong sabihin..  Pero imposible naman yun mang yari

"Haruhi ,ok ka lang ba ?" Nag aalalang tanong ni Dark..

Oo, tama kayo ng nabasa..  Si Haruhi yung binuhat ko kanina

"Ang sakit ng balakang ko T-T" parang naiiyak na sabi nya .. Inalalayan naman sya ni Dark na makatayo ..

Ewan ko ,pero ... Naiirita ako ..

"Ano ba yan Daemon .. Binuhat mo pa si Haruhi kung ganun din ang gagawin mo----"hindi natuloy ni Sawako ang sasabihin nya ng may maramdaman  kaming malakas na enerhiya ...

Shit !! Anong ginagawa ng isang to dito ??!!

"Gusto mo ba miss dalhin kita sa clinic ?" Tanong nya kay Haruhi

"H-huh ? Ahhmm" mababakas kay Haruhi ang pag aalinlangan

Palihim kong naiyukom ang kamay ko .. Nainit talaga ang dugo ko pag nakikita ko sya

"Hindi na .. Ako na mag dadala sa kanya" walang emosyon na sabi ni Dark .. Tiningnan naman sya ni Haruhi tapos nginitian sya si Dark ..

Nag lakad na sila habang nakaalalay si Dark kay Haruhi ..

Tiningnan ako ng nakakaloko ni Lucifer ,sinamaan ko lang naman sya ng tingin habang nag lalakad sya palapit sakin

"Ang tanga tanga nyong tatlo .. Hawak nyo na ,pinakawalan nyo pa .. Sigurado na talaga akong ako ang susunod na hari ng impyerno .. At ikaw ? Magiging taga silbi nalang kita .. Hahaha" pabulong na sabi nito sakin

"Asa ka naman !" Sabi ko at akmang susuntukin sya ng bigla syang nawala sa paningin ko

"Alam ko kung sino ang babaeng anghel .. Makikita mo .. Paniguradong sakin mapupunta ang trono mo .. Hahaha" sabi nya salikod ko

The Demon Prince and The Importunate AngelWhere stories live. Discover now