Chapter 11: Limbo ,Lust and Gluttony

54 3 0
                                    

Daemon P.O.V

Nag lalakad ako papunta sa secret base..  Babalik ako sa Hell..  Kasama ko si Dark ..

Sa secret base hindi lang yon basta basta base.. Kaya nga secret eh.. Kase  may tinatago kaming na daanan don papunta sa Hell..  Hindi yon alam ni Cid dahil mas naka tuon ang atensyon nya sa piano.. Wala din naman kaming balak na sabihin sa kanya eh..  Hindi din nya alam na hindi kami karaniwang tao

"Daemon..  Nakasunod satin" sabi ni Dark habang naka tingin sa phone nya ..

Nararamdaman ko din naman may naka sunod samin.. Diko lang pinapansin

"Oh" sarcastic na sabi ko

"Babae.. " dugtong pa

"Tingnan mo" bored na sabi ko

Wala naman kase akong pake kung babae o lalaki yon ..

"B-bitiwan mo nga ako! " napalingon ako sa babaeng nag iingay

Tsk, si pakelamera nanaman..

"Ano ba! Bitiwan mo sabi ako eh! " sabi ni pakelamera habang napumiglas

"anong ginagawa mo sa labas ng gantong oras ng gabi? " tanong ni Dark sa kanya

Hindi sya sinagot ni pakelamera at kinagat nya bigla ang kamay ni Dark

"Ahh! "Daing ni Dark

Tsk, ganyan din yung ginawa nya sakin dati

"Wala na kayo don ;p" sabi ni pakelamera at bumelat pa

"Kilala mo ba kung sino ang mga nasa harap mo? " irita at may halong  nakakatakot na boses na tanong ko sa kanya

Nakita ko syang biglang namutla at sandaling tumahimik, pag katapos ay umiling

"W-wala akong pake.. H-hindi ako natatakot sa inyo! " matapang na sabi nya

Tsk, halata namang takot sya

"Isama nation sya"  bored na sabi ko.. Ewan ko lang kung hindi pa to matakot..

Para sa kaalam ninyo.. Nasa totoong anyo ako ngayon.. Si dark din ganun..  Form nya ngayon ang totoong sya si kamatayan..  Ako naman ay demonyo na uli ang itsura

"S-san nyoko isasama? " halatang kinakabahang tanong ni Pakelamera samin

"Impyerno" walang ganang sabi ko at pumasok na sa loob ng secret base

Ng makapasok na kami sa loob ng base ay agad Kong kinuha ang susi ng kwarto..  Pag hindi to ginamitan ng susi para lang itong simpleng kwarto.. Pero pag may susi ka ng impyerno mabubuksan mo to papunta sa kabilang mundo

Pag bukas ko dilim kagad ang bumungad samin..

Hinawakan ko sa braso si pakelamera.   Gusto ko syang takutin

"H-hindi hindi hindi to pedi!!  Papagalitan ako ng panginoon wahh mamo dado!! Kukunin na kagad ako nila kamatayan! " pagpupumiglas nya..  Pareho kase kaming naka hawak ni Dark sa braso nya

"Pre.. Akala ko sya yung anghel na babae .. Dipala.. " sabi ni Dark habang hila hila namin si Pakelamera

"Gusto Kong gawing maganda ang nightmare nya.. " nakangising sabi ko habang naka titig sa namumutlang mukha ni Pakelamera

"Pano naman magiging maganda ang nightmare  ?eh nightmare nga diba!?" Tanong ni Dark.. Kahit hindi ko makita ang mukha nya ay alam Kong naka kunot ang nuo nya

The Demon Prince and The Importunate AngelWhere stories live. Discover now