Chaper 38: Nakita Ko Din Kayo Sa Wakas

23 1 0
                                    

Haruhi POV

Naka yuko akong nag lalakad ngayon sa hallway pabalik sa dorm ko.. Ewan ko kung tanga ba o manhind tong si Daemon, nakaka irita sya.. Nagiging desperada na nga ako tapos ganun pa din? Ano ba ung di nya pinaniniwalaan? Halata namang akong ako si Nessa.. Hay nako buhay..

Tumingin ako sa langit

"Omo yo, dēmon to issho ni iru kikai o kuremashita ka? (panginoon, binigyan mo ba ako ng pag kakataong makasama si Daemon o hindi)" pabulong na tanong ko

"Haruhi? " napatingin ako sa tumawag sakin

"Sora.. " tawag ko naman sa kanya

"Sabi na nga ba eh.. Ikaw yan eh" sabi nya sabay lapit sakin "Ikaw ung unang batang sinundo ni mom, tapos kasama pa ko" sabi nya ng naka ngiti

"Talaga? " tanong ko pa

"HAHA, oo.. Hindi mo yun alam kase nag tatago ako.. Nasa gilid lang ako ni dad nun, kakatapos lang namin mag sundo" panimulang kwento nya "Naalala ko pa, ayaw mong umalis nun dahil may inaantay ka.. Yung mga magulang mo at yung demon.. " dugtong pa nya

"alam mo kung anong itsura ng mga magulang ko Sora? " tanong ko.. Tumango naman sya "Gusto ko sila makita.. Samahan mo naman ako sa kanila oh.. " pag pipilit ko

"Sorry Haruhi, hindi kase kita masasamahan madami kase akong gagawin bilang vice president .. Alam mo namang may outing sa monday diba? Pero ito yung address ng mga magulang mo" pag kasabi nya nun ay iniabot nya ung papel

"Salamat Sora" patalong sabi ko at niyakap sya "Pedi naman akong umalis ngayon diba? Sabado ngayon ^v^" masayang tanong ko

"Well, oo .Pero mag paalam ka muna kay Kyle " sabi nya

"Wag na.. Di ako nun papayagan panigurado *pout* ako nalang pupunta bukas ng umaga ako uuwi ah. Byebye Sora maraming salamat" hindi kona inantay ang sasabihin ni Sora at tumakbo na ko palabas ng hallway

Excited nako makita sila.. Ano kayang ire react nila pag nakita nila ko uli? Panigurado matutuwa sila hihi

Deamon POV

Nakita kong natakbo si Haruhi palabas ng school .. San yun pupunta ?

Hindi nako nag dalawang isip at sinundan na lang sya

.

.

.

.

.

.

.

Diko alam saang planeta pupunta ang babaeng to at sumakay pa talaga sya sa jeep, bus at trycycle .. Tapos ngayon may hinahanap hanap sya na address

"Hayysstt.. Pagod nako... Saan ba to? Baka mamaya niloloko ako ni Sora eh" medyo inis na sabi ni Haruhi at umupo sa may gitna ng kalsada

Nag iisip ba to? Napa face palm nalang ako

"HOY MISS UMALIS KA JAN!! KUNG GUSTO MO MAG PAKA MATAY WAG MO KAMING IDAMAY!! " sigaw ng mga driver habang na busina

Para namang ewan tong si Haruhi at di nakikinig.. Mukhang wala nakong choice kung hindi mag pakita sa kanya.. Naki sama ako sa mga taong nag sisiksikan at pinapanuod si Haruhi sa kabaliwan nya.. May mga nag bi video pa sa kanya

"Hoy babae, di kapa jan tatayo? " sungit sungitang tanong ko.. Napa angat naman sya ng ulo at halos lumuwa ung mata sa gulat

"Anong ginagawa mo dito Daemon? " tanong nya

The Demon Prince and The Importunate AngelWhere stories live. Discover now