Chapter 39: Poor Little Angel

22 1 0
                                    

Haruhi's POV

Kakalabas ko lang sa kwarto ko at balak ko nang dumeretso sa opisina ni Kyle .. Kinakabahan ako .. Ano kaya yung sinasabi ni Kyle na ikinapahamak nila mamu at dadu ? Sana naman hindi yung totoo .. Sana naman nasa maayos silang kalagayan

Nagulat ako ng may humawak sa kanang kamay ko ,paglingon ko si Dark pala

"Uy Dark " bati ko

"Ikaw .. kanina pa kita tinatawag dika namamansin" sabi nya ng naka pout

"Ganun ba .. Sorry ,may iniisip kase ako eh" sabi ko habang nag kakamot ng batok

"Ok lang ,mukha ngang malalim iniisip mo eh .. Nga pala san ka pupunta at andito kapa sa labas ? Mapapahamak ka nyan eh.. Alam mo bang nag sisilabasan yung kampon ng kadiliman pag gabi ? At maraming nilalang nun dito sa school" nananakot na sabi nya

"Sus ,ilang beses kona sila nakita .. Pupunta ako sa office ni Kyle " sabi ko

Bigla naman nag bago yung ekspresyon nya .. Yung kaninang naka ngiti ay biglang nag blangko

"Ano gagawin mo din ?" tanong nya uli

"Hmm .. Mga magulang ko lang .. Kailangan daw kase nila ko " sabi ko

"Haruhi" napalingon naman ako sa tumawag sakin .. Si Sawako .. Nalabas din sya ng gabi ?

"Uyy .. Hi Sawakoooo" bati ko sa kanya habang nakaway

"Hoy ,ano yan ah .. Bakit nag kasama kayo ng ganitong oras ? Kayo ahh .. Mukhang may plano kayo ah" mapang asar na sabi ni Sawako

"Wala naman .. Pupunta daw si Haruhi sa office ni Kyle" sabi ni Dark

Bigla ding nag iba ang ekspresyon ni Sawako .. Kaninang naka ngiti ,naging blangko na din

"Haruhi .. Anong gagawin nyo ni Kyle ng ganitong oras" nandidilim na tingin na sabi nya

"Excuse me" napatingin naman ako kay Sora "Kailangan namin si Haruhi eh .. Excuse lang muna ah" naka ngiting sabi nya at hinawakan nako sa kamay pero si Dark di pa din pala sya naka bitaw sakin

Nag titigan silang dalawa .. Ang sama ng tingin ni Dark kay Sora ,habang si Sora naman ay naka tingin lang kay Dark .. Si Sawako naman madilim pa din ang tingin sakin

Medyo awkward na dito (´-﹏-';)

"Excuse lang Dark ,pero may kailangan kase kaming asikasuhin kasama si Haruhi" sabi ni Sora habang naka ngiti at mahigpit na hawak sa kamay ko

"Bakit ,di ba pweding ipa bukas yan ? Dis oras na" sabi naman ni Dark at mahigpit din ang hawak sakin

"Bakit kailangan kasama si Haruhi sa gagawin nyo ?" tanong naman ni Sawako

Huminga ako ng malalim .. Ayoko masermunan nanaman kami ni Kyle 

"Kagaya ng sabi ko kanina .. Kailanga ako ng magulang ko .. Sa office lang ni Kyle pedi makipag communicate sa parents natin ,diba ? At isa pa , nahihiya ako sa kanila dahil nakaka istorbo ako .. Oo dis oras na ng gabi .. Pero kailangan ako ng magulang ko eh .. Excuse lang ah .." paliwanag ko at tinanggal ang kamay nila Sora at Dark sakin tsaka nauna ng nag lakad

Naramdaman ko namang sumunod na si Sora sakin

"Sora .. Kinakabahan ako .. Pano kung may nangyareng hindi maganda .. Anong gagawin ko ? " naiiyak na tanong ko

The Demon Prince and The Importunate AngelWhere stories live. Discover now