Chapter 12: Greed ,Wrath , Heresy , Against Other , Oneself and God

52 4 0
                                    

Haruhi P.O.V

Kagaya kanina sa gate ng Gluttony, may mga halimaw din na sumalubong samin.. (By the way bago kami makapunta sa susunod na level ay dadaan muna kami sa exit..  Syempre may entrance kaya may exit din..  Bawat gate may mga demonyong naka bantay.. At bawat daan namin ay nayuko sila.. Parang nag bibigay galang )

Pagkatapos yumuko ng mga halimaw at binuksan na nila ang gate.. Nasa ikaapat na kami na level..  Ang GREED..

Sa pag kakaalam ko, nahahati ito sa dalawang grupo.  Ang nag tatago at ang wawaldas ng kayamanan.. Winawaldas lang nila ito para sa kanilang sarili nung nabubuhay pa sila..

Ang mga kaluluwa na nandito ay nagdadala ng kanikanilang mga bato..  Sa pag kakatanda ko.. Ito ang representasyon ng kanilang mga naipon o na waldas na kayamanan ng mga kaluluwa nuong nabubuhay pa sila

"BAKIT MAG TATAGO!! "

"BAKIT MAG WAWALDAS!! "

Yaan ang mga naririnig Kong mga sigaw ng mga kaluluwang nandito.. Sigaw lang sila ng sigaw habang dala dala ang mga mabibigat na bato

Ng makalagpas na kami sa ikaapat na level .. Alam Kong sa ika limang level naman ang tungo namin.. Sa WRATH.

Kagaya ng kanina ay yumuko din sila samin.. Ay Mali, hindi ko pala alam kung kasama ako sa niyuyukuan nila
. Hindi naman kase ako kasapi ng kadiliman..

Pag bukas ng gate ay bumungad samin ang isang makapal na hamog..  Alam Kong may ilog dito.. Kase ayon anh natatandaan ko sa tinuro samin.

Wahh ambaho nanaman >__< ..ang baho nga ng ilog dito >__<

"Sakay" napalingon naman ako kay devil..  May bangka pala sa harap namin

"Huh? Bakit? " tanong ko

Bakit pa sasakay eh hanggang tuhod lang naman ang tubig dito.. Ang aarte din pala ng mga kasama ko

"Gusto mo ba lumusong? Ok lang samin yun" sarcastic na sabi ni devil..

Bigla naman akong may naalala..  Oo nga pala, nababalot nga pala ang tubig na to sa galit, malulungkot at depress na kaluluwa..

"Ayoko nga! " sabi ko sabay lapit sa kanila

Inalalayan naman ako ni kamatayan habang nasakay..  Parang ayoko ngang tumuloy kase may halimaw sa harap ng bangka at may hawak syang sagwan..

Ng makasakay nakaming lahat ay nag simula ng mag sagwan ang halimaw..

Nakatingin lang ako sa tubig pero naka takip pa din ang ilong..  Sabi ng teacher namin..  Ang ilog na to ay nababalot ng galit at puot..  May mga nakikita akong mga kaluluwang nakatayo sa ilog at inaatake ang kapwa nila kaluluwa..  Meron ding mga kaluluwa na inaatake ang sarili nila..

"H-hindi ba tayo madadamay sa kanila? " tanong ko kay kamatayan

Lumingon naman si kamatayan sakin"Hindi.. Sila silang ang mag aatakihan Jan.. Tsaka pag may lumapit satin ay matindi ang parusang matatanggap.. " sabi nya

Ahh..  Buti naman.. Para kaseng nakakatakot kung pati kami atakihin..

Kagaya sa diniscuss samin..  May mga bula ding nabubuo.. Sabi sa tula (sa tula namin yon nalaman ) ito ang mga kaluluwa na nade depress at hindi natanggap si god bago sila pumanaw..

Ligtas kaming nakalagpas sa Wrath, buti at hindi kami sinugod..

"Pre, para naman tayong tourist guide dito.. Hindi naman to natatakot, parang namamangha pa nga eh hahaha" natatawang sabi ni kamatayan..

The Demon Prince and The Importunate AngelWhere stories live. Discover now