Dear Diary (5)

13 5 0
                                    

Ito ang kaganapan nung nalaman kong may crush na pala ako sakanya.

 

 

 

 

May isang event na dinaluhan ang B.I noong araw na yun. At syempre, pumunta kami para may support!

Magpe-perform sila sa day one ng three-day-event ng isang sikat na cellphone brand sa event center ng sikat na mall sa siyudad namin. Simpleng event lang naman sya at isang song lang naman sasayawin nila pero kahit ganun, supportive pa rin kami sakanila.

Na-late ako ng dating dahil galing pa ako sa trabaho noon. Buti nalang, nagkataong half day lang ang pasok ko at malapit lang sa mall. Walking distance lang mula sa workplace ko yung mall. Supposedly, day off ko talaga. Kasu yung morning shift na katrabaho ko, hindi pumasok kaya nag fill in muna ako hangang dumating yung pang afternoon shift.

Lahat sila naandun na sa mall. At dahil wala akong load nung time na yun, di ko sila ma tawagan. Wala ring online sakanila kaya walang sumagot nung chat ko kung nasaan na ba silang parte ng mall.

Medyo nahirapan tuloy ako. Naglibot ako sandali pero hindi ko sila mahanap. Kaya naman, ang madaling solusyon ko nito, pumunta sa backstage kung saan paniguradong nananatili ang B.I. Sakanila ako hihingi ng tulong. Baka sakaling alam nila.

Pag dating ko, may iba pa silang kasama sa backstage at nasa gitnang parte sila. Di ko tuloy agad ma approach. Buti nalang nakita kong mag isa si Rafael sa gilid, malapit sa entrance ng backstage. Nagpa practise sya mag-isa kaya naman sya na ang nilapitan ko.

"Sorry sa istorbo, ha? Alam mo ba kung nasaan ang mga ka grupo ko?" tanong ko sakanya nung kunin ko sandali atensyon nya.

"Ah, andun sila oh." agad naman nyang sagot sabay turo sa isang banda.

Kasu madami nang tao nun eh! Ang hirap nang maghanap. May artista din kasing darating kaya medyo inaasahang daragsa ang mga tao.

Tingin ako nang tingin pero di ko makita. Napansin ko syang medyo natatawa pero pinigilan nya sarili nya. Di ko na rin pinansin yun kasi ang gusto ko nga, mahanap na sila.

"Ayun, banda dun. Kita mo yon?" sabi nya sabay turo sa isang kilalang store sa mall.

"Saan? Di ko makita?" I almost want to pout. Nahihiya na ko sa lalaking 'to eh. Halatang gusto ako pag tawanan. Nakakainis.

Yung sumunod nyang galaw, hindi ko inaasahan.

Marahang hinawakan ng dalawa nyang kamay ang mukha ko paharap sa banda kung saan sya nagtu-turo. Nasa kaliwa ko sya noon. Pagharap nya sakin sa banda kung saan ko raw makikita yung mga ka grupo ko, itinuro ng kanyang kanang kamay ang posisyon nila.

Nabigla ako sa ikinilos nya. Kahit kailan kasi, wala pang kahit sinong lalaki ang nangahas na gawin yun sakin. I've never been so close to a man before like how close we are to each other at that moment. At wala rin akong super close na lalaki kaya nanibago ako.

Ayokong lumingon sakanya. Ang lapit lapit kasi nung mukha nya sa mukha ko that time kasi nga sinusubukan nya kong i-guide. Tapus, di ko rin maiwasang isipin na parang nakaakbay sya sakin.

Parang kdrama scene lang...

O diba? Ganda ka self?

Wag assuming ha? Mapanakit sa puso yun. Hindi yun healthy sa puso, okay?

Ilang segundo pa ko naghanap bago ko tuluyang natagpuan yung mga ka grupo ko. I took one step bago ko sya hinarap tapus napa bow pa ko bago umalis para puntahan sila. Di ko na sya natingnan ng diretso.

Sana naman di nya napansing sobrang namumula na ko!

Nag init talaga yung mukha ko, ramdam ko yung pagba-blush ko. Ewan ko ba? Di ko maikakaila na naapektuhan ako sa kinilos nya. Kinilig ako!

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tuluyang nagsimula ang event. Maya't maya pa, nag intermission number na sila.

Sa buong performance nila, pinilit ko ang sarili ko na hindi sya palagi tingnan. Baka kasi mapansin nya na lagi lang akong nakatingin sakanya. At yung mga kagrupo ko, lowkey na tinutukso parin ako sakanya.

Kasu nga lang, in the end, sya parin yung pinanood ko. Malapit na silang matapus sa sayaw nang masambit ko ang mga salitang 'to. Walang sino mang nakarinig dahil sa hina ng boses ko at sa lakas ng tunog ng speakers na rinig sa buong mall.

"Shit, mukhang may crush na ako sakanya."

 

 

 

 

 

If only I didn't realize that...

If only I didn't feel that...

Xoxo, Mole.

Distant MemoriesWhere stories live. Discover now