Dear Diary (6)

11 5 0
                                    

Ito ang ilan sa aming mga alaala...

 

 

 

 

 

Dumalas na ang mga pagkakataong nagkakasama kami. Madalas ko na rin syang nakakausap dahil halus lagi nang magkakasama ang grupo namin at grupo nila.

Ang pinakamahabang pag uusap namin ay noong main event na ng sinalihan naming contest. Sumama kami kahit di kami pasok para panoorin at suportahan sila.

Napagtripan ako nina Brent at Kuya Alex. Pati na rin ang kaibigan kong si ate Kayla.

Tss.

Isinama ko kasi sya para makapanood din ng mga local kpop events ngunit hindi ko alam, sinama pala sya ng mga mokong sa kalokohan nila.

Ipinagtabi nila kaming dalawa ni Rafael.

Ngunit nang dahil din naman doon, nawala ang pagka-awkward ko sakanya. Mas nakausap ko na rin sya at paminsan-minsan, nagkakabiruan din.

Hindi sila pinalad manalo sa contest na yun pero kahit ganun, kitang kita ko ang saya at ngiti nila sa kanilang mga mukha. Masaya din kaming nakipagusap sa ibang manlalahok sa event.

I feel so proud of them.

Sa daan namin pauwi, doon kami labis na nagkausap ni Rafael. Nasa tatlong oras ang byahe naming iyon at sa mga oras na yun, ang dami naming napag usapan. May mga natutunan ako tungkol sakanya at nalaman ko rin na maaaring nagkita na pala kaming dalawa dati pa ngunit hindi lang namin kilala ang isa't isa noong mga oras na yun.

Mapayapa ang pakiramdam ko noon. Walang ilangan, walang hiyaan. Magkasundo kaming dalawa.

I feel contented.

At ito ang unang beses na naramdaman ko yun. Hindi umaapaw ang saya o ang kilig o ang pagkataranta dahil magkatabi kaming dalawa. I just feel contented.

Matapus noon, may mga pagkakataon pa rin na nagkikita kaming dalawa at nahalata ko na kahit papano, mas close na kami kumpara dati.

At habang tumatagal ang panahon, mas lalo kong napapansin ang mga bagay bagay tungkol sakanya. Mas lalo akong nagiging aware sa feelings ko. Mas lalo ko syang naaappreciate. At mas lalo ko rin syang nagugustuhan.

 

  

  

  

  

  

If only I didn't let myself fall for him...

Xoxo, Mole.

Distant MemoriesWhere stories live. Discover now