Dear Diary (8)

16 4 0
                                    

Ito ay ang mga pinanggagagawa ko noong crush ko sya.

  

   

     

  

  

So ito nga...

Dahil nga crush ko sya, may mga bagay akong pinangagagawa na syempre, ginagawa din ng mga taong may crush.

• I stalk him on his social media accounts.

Lagi kong tinitingnan at binibisita ang account nya para masigurong wala akong mamimiss. Ginagawa ko rin yun para i check sya from time to time. Dahil hindi naman kami lagi nagkakausap o nagkikita, yun ang paraan ko ng pangungumusta.

• I react on his posts.

Syempre para lumabas ako sa notifications nya at makita nya pangalan ko lagi. Hahaha! Malay mo diba? Baka mas mapansin nya ko kapag ginawa ko yun. Pero minsan, may pinalilipas din akong post na di ko nire react. Baka magmukha na kong stalker nun. O.A na dating ko.

• I view his stories and my day's.

It is something he wanted to share, kaya hangat kaya, lagi akong nagvi view nun. Tsaka para makita nya din yung name ko sa listahan ng mga tumingin ng stories nya. O diba? Another way of pagpapapansin... Hahaha

• I take note of his likes.

Inaalam alam ko ang mga gusto nya. Such as his idols, his type of songs, type of movies, his way of dressing up, anything. In that way, mas nakikilala ko sya at yung preferences nya. Mas naiintindihan ko din yung personality nya. Mas nakikilala ko sya lalo.

• I always think of him.

Mukhang hindi naman mawawala yun diba? Kapag gusto mo ang isang tao, may mga pagkakataong hindi mo maiwasan na  laging sya ang laman ng isip mo, na lagi mo syang iniimagine, at lagi syang inaalala.

Lagi kang nag iisip. Kumain na kaya sya? Busy kaya sya? Okay lang ba araw nya? Maayus naman ba kalagayan nya?

Naiisip nya rin kaya ako? Napapansin nya kaya mga pagpapapansin ko? Inaalala nya rin kaya ako? Nararamdaman nya rin ba ang nararamdaman ko?

Gusto nya rin kaya ako?

  

  

  

  

  

 

If only he knows what I feel for him...

Xoxo, Mole

Distant MemoriesWhere stories live. Discover now