Dear Diary (13)

8 4 0
                                    

It has been two years...

   

  

   

  

   

   

Oo, more than two years na nung una kaming magkakilala. At more than two years ko na rin syang gusto. Ang tagal no?

Sana all matatag...

Sana all consistent...

Hahaha!

Wala akong idea sa kung bakit umabut ito ng ganito katagal. Simpleng crush lang naman talaga sana yun eh. Crush na nabuo sa tuksuhan ng mga kaibigan.

Pero ba't ganun? Bakit tumagal? Bakit lumala? Bakit lumalim?

At bakit sakanya pa?

Isang lalaking alam kong kahit kelan, hindi ako mapapansin. Lalaking kahit kelan, hindi ako magugustuhan.

Kaunti man ang mga pagkakataong nagkasama kami, naging masaya naman ako sa mga panahong yun.

Sa tuwing nakakausap ko sya, hindi maiwasang mapangiti ako.

Masaya kong inaalala ang mga panahong kilig na kilig ako sakanya.

Hindi ko rin maiwasang ma cringe tuwing maaalala mga kapalpakan ko at mga nakakahiyang bagay na nagawa ko sakanya. Natitili ako at kung minsan, ginugusto kong sabunutan sarili ko.

Natatawa ako sa sarili ko tuwing inaalala ang mga inaasta asta ko noon.

Grabe.

Sino ang mag aakala na aabut nga ito ng ganun katagal?

Sino ang mag aakala na ganun katindi ko syang magugustuhan?

Inaamin ko na hangang ngayon, hindi ko pa tuluyang masabi na naka move on na ako sakanya. (Taray.. May pa move on kahit hindi naging kami. Hahaha) Alam ko sa sarili ko na may konting feelings pa rin akong natitira na para sakanya lang. Alam ko ring may parte ng puso ko ang mananatiling para sakanya.

Minsan napapaisip ako, sya kaya firstlove ko?

Can this be considered as 'love'?

Anyway, wala na akong pake. (Sa ngayon. Di ko alam baka magka pake ulit ako sa future) Sa ngayon, hindi ko na sya naiisip ng madalas hindi katulad noong dati. Hindi ko na rin sya napapanaginipan pa. At kahit papaano, humupa na feelings ko.

Ang problema ko lang sa ngayon, eh, hindi ako sigurado doon.

Maaaring ganito nga ang nararamdaman ko. Kasu, yun ay dahil hindi na rin naman na kami nagkikita at nagkakausap pa. Wala akong alam. Malay mo, baka kapag nagkita kami ulit, bumalik iyon lahat.

Yung mga bagay na akala ko nakalimutan ko na, naisantabi ko lang pala.

When that time comes na nagkita na kami ulit, ano kaya ang mararamdaman ko?

Sana naman wala na.

  

 

 

 

 

 

If only I can meet him now and confirm my feelings...

Xoxo, Mole.

Distant MemoriesWhere stories live. Discover now