35: No text from HER...

Začít od začátku
                                    



"Tsaka, alam mo ba yung exact place kung saan sila pumunta?", tanong ni Kris.



Nag shake ako ng head. At napakamot.




"Awww. So, ang pwede lang nating gawin ngayon ay maghintay. Wala munang magpa-panic. Everything will be okay", sabi ni Yen.




Tama sila. We all want everything to be okay. Hindi na kelangang mag-hope beyond or above that. We still happily settle for okay, because most of the time, 'okay' is enough.






"Pwede bang dumito muna kayo habang hinihintay nating makausap si Kath?", request ko sa kanila.




Tinignan ko sila isa't isa. Halata sa mga pagmumukha nila ang pag-aalala ng isang kaibigan.




"Sure. DJ, basta para sa inyo ni Kath. Kaibigan niyo kami eh. We are always here", tinabihan pa ako ni Kris at tinapik yung shoulder ko.




"Maraming salamat sa inyo..."





Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ang mga luha kong malalim ang kahulugan....



Umiiyak ako dahil...

Nag-aalala ako para kay Kath. At natatakot akong mawala siya sa buhay ko.




At sa presensiya ng mga kaibigan ko. Na laging andiyan at willing tumulong. Nakikita ko sa kanila yung 'CARE' na ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko. Alam ko inaalala din nila ang kalagayan ko. Na may sakit ako at hindi ako pwedeng ma-stress ng ganito.


Thankful talaga ako kasi andiyan sila hindi lang sa oras na kailangan ko sila. In good times or bad times man, andiyan sila. Hindi nawawala. Kaya kayo, pahalagahan nyo ang mga kaibigan niyo. Sila lang ang makakaramay niyo sa mga oras na ganito. Lalo na kung hindi nyo masabi sa pamilya nyo ang pinagdadaanan niyo.





***





Ilang oras na ang lumipas. 3am na. Madaling araw na. Wala paring signs kay Kath. Hindi parin sila tumatawag.


Nakatulog na nga ang barkada eh. Pero ako, gising na gising parin. Pasulyap sulyap sa cellphone ko...




Sumikip nga yung dibdib ko kanina. Pero hindi ko yun pinansin. Ang tanging iniisip ko lang ay ang kalagayan at kaligtasan ni Kathryn.






***





"DJ... Ano ng balita?", tanong sakin ni Yen habang humihikab. Kaggising lang nila.



"Wala parin eh..", malumanay kong sagot.



"Natulog ka ba?", si Diego.


"Sa tingin mo pare?! Tsss. Malamang magdamag yang nakatitig sa phone niya at inaantay ang tawag ni Kath", si Kris na ang sumagot para sa akin.




"DJ... Wag mo namang masyadong pagurin ang sarili mo. Tandaan mo, may sakit ka sa puso at hndi ka dapat nai-stress ng ganito. Magpahinga ka na", si Bea.



"Oo nga DJ. Alam mo, kapag umuwi si Kath at nakitang ganyan ang itsura mo, babatukan ka nun. Magagalit yun", si Joyce.




"Mas okay na nga yun eh. Yung makatanggap ng batok, sampal, mura at kahit magalit pa siya dahil sa ginawa kong to. Kasi at least, alam kong nakauwi na siya at walang nangyaring masama sa kanya.", sagot ko habang nakatulala at nakatingin sa malayo.




Hindi na sila umimik pagkatapos nun. Sinabi ko nalang sa kanila na pumunta na sa kitchen at magbreakfast. Wala akong ganang kumain.




"Kelangan mong kumain DJ. magagalit si tita sayo", si Niel.


"Sige. Okay lang ako"


Nagtungo na sa baba ang barkada at kumain na. Ako? Mukmok lang dito sa kwarto ko at inaantay lang si Kath.



***




Nag-stay pa dito ang barkada para samahan ako. Nanuod sila ng movies. Kumain at kung ano ano.


Naalala ko nga nung nag movie marathon uli kami ng kumpleto, kasama si Kath. Hayyyy....




"DJ, kelangan na pala naming umalis", nilapitan ako ni Joyce para magpaalam.



Tinignan ko yung relo... 5pm na pala. Hindi ko man lang namamalayan.



"Ah sige. Salamat uli sa inyo ah. Mag-iingat kayo"



"DJ.. Please, wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito. Babalik din si Kath. Wag kang mag-alala", si Bea.



"Madaling sabihin para sayo yan Bea kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan ko", this time, tinignan ko si Bea deretso sa kanyang mga mata.



"Sorry DJ.. Nag-aalala din naman kami para sayo", despensa niya.



"Sige DJ. Mauuna na kami ha. Magpahinga ka na. I-inform mo na kami kung tumawag na si Kath. Bye"



Tuluyan na silang nagpaalam at umalis na rin pagkatapos nun...





Hayyyy Kath.. Ano na bang nangyayari sayo....

-----------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat