Hinawakan ko ang kuwintas na ibinigay niya at hinaplos ang pendant nito.

Ang sakit, pero wala akong pwedeng pagsabihan ng nararamdaman ko.
Umupo ako sa kama at kinuha ang litrato ni nanay. Ginamit ko ang likod ng kamay ko para takpan ang paghagugol ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko  ay napayakap na lang ako sa litrato ni nanay at tahimik na umiiyak.

“Nay, sobra akong nasaktan sa nangyare. Ang sakit po nanay, sobrang sakit.”

Basa na ang aking pisngi sa kakaiyak. Sumasakit na rin ang dibdib ko.

“Mahal ko po si Javier, nay. Alam ko din pong mahal din siya ng pinsan ko at inaamin kong nagkamali ako hindi lang sa sarili ko kundi kay Chloe na rin. Pero  nay, hindi ko po kayang hayaan na lang at kalimutan ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang pati siya ipaparaya ko din. Pero ayaw ko din pong masira ang relasyon namin ng pinsan ko.”

Sobrang sakit. Iyong tipong kung kailan sigurado ka na sa nararamdaman mo, saka pa nangyari to.

---

NAGISING ako nang may kung sinong yumogyug sa mga balikat ko. Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko at nakangiting si tatay kaagad ang sumalubong sa akin.

“Gising na bunso,” aniya.

Hindi ko napansing sa sobrang pag-iyak kagabi ay nakatulog na lang ako. Ni hindi pa ako nakapagbihis dahil hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang uniporme ko kahapon.

“Bababa lang ako bunso ah,” aniya at pinihit ang doorknob. “Siya nga pala magtricycle ka na lang daw muna bunso.,” aniya bago umalis ng kuwarto.

Inilagay ko muna ang litrato ni nanay sa tabi ng kama ko at pumunta ng CR para maligo. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon at hindi ako sigurado kung ready nga ba akong pumasok ngayon.

Nang makabihis ako ay nag-ayos kaagad ako sa salamin. Napansin kong namumugto ang mga mata ko. Nahihiya naman akong magshades para lang matakpan ‘to.

Hinayaan ko na lang iyon at bumaba na lang.

Kaunti na lang din ang kinain ko sa agahan.

“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong sa’kin ni Kuya Monday.

Bitbit nito ang isang mug, nagkakape 'ata.

Pilit akong ngumiti. “Hindi naman po kuya.”

Tumango naman ito at ibinaba ang mug sa ibabaw ng mesa.

“Pansin ko lang kasing kaunti lang ang kinain mo. Saka hindi ka daw kumain kagabi,” aniya at lumapit sa akin.

Inilapat niya ang likod ng kanyang palad sa aking leeg.

“Hindi ka naman mainit,” ani nito.

“Wala lang akong ganang kumain ngayon kuya,” saad ko bago inayos ang mga gamit ko.

“Wag ka munang umalis.”

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Dali-dali siyang kumuha ng tinapay at naglagay ng palaman doon. Nang matapos siya ay siya na ang naglagay ng sandwich sa bag ko.

“Salamat  kuya,” saad ko. “mauna na po ako.”

Tumango na lamang ito at ibinalik ang atensyon sa iniinom na kape. Napangiti ako, kahit papaano ay may pakealam din pala si Kuya sa akin.
Nagmano ako kay tatay at nagpaalam sa mga kuya ko bago ako lumabas. Pansin kong walang Javier na nandito  at wala din text galing sa kanya na hindi niya ko mahahatid. Siguro sa mga ganitong oras, sa bahay na siya ni Chloe para sabay na silang pumasok.
Dapat siguro ay tanggapin ko na lang ‘to.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Where stories live. Discover now