Chapter 4

229 5 0
                                    

Dealing with him

--

Kanina pa ako tingin ng tingin sa bawat napapadaang mga sasakyan, nagbabakasakaling si Cj ang dumating. Alas singko ng hapon ang usapan ngunit alas kuwatro ymedia pa lamang ay nandito na ako sa Café Delights.

Hindi ko alam kung bakit, masyado lang ba akong napaaga o medyo excited?

Marahan kong kinagat ang aking kuko at dine-otso ang aking mga hita. Medyo maikli ang palda kaya medyo nahahanginan ang nasa loob.

'Wooah kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko.'

"Ang tagal naman." reklamo ko nang malamang alas singko na pala ng hapon.

Medyo nagiging kulay kahel na ang mga kalangitan at unti-unting lumulubog ang araw.
Kaya siguro hiniwalayan siya ng pinsan ko dahil lagi niya itong pinaghihintay.

"Maria Clara!", namilog ang mga mata ko nang isigaw niya iyon.

Kitang-kita ko mula sa glass wall kung paano siya kumaway-kaway. He's wearing a white shirt with a black jacket and a black cap that made him more handsome in my own eyes. Umiling ako.

Kailan pa naging guwapo si Charles Javier!?

Sinundan ko siya ng tingin, mula sa kung paano siya pumasok sa Café hanggang sa pag-upo niya sa kasalungat kong upuan.

"Kanina ka pa?", he asked so I nodded.
Napakurap-kurap ako at kinuha ang ballpen at bagong biling notebook ko sa bag saka nilapag iyon sa harapan niya.

Kumunot naman ang noo niya pero agad din namang nakabawi. Nilapag niya ang kanyang sombrero bago hinilig ang mga braso sa mesa saka mariin akong tinitigan.

"Kumusta naman ang pag-uusap niyo kanina?", muli niyang tanong.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti at mag-init ang pisngi.

"O-Okay naman." nauutal kong sagot.
His lips cornered on the side.

"Good, so let's start?", tanong niya ulit kaya tumango ako.

Nagkibit balikat lamang ako at muling nagsalita.

"Mag-umpisa kaya tayo dito?", kumunot muli ang noo niya,

"I mean masyado ka kasing late kung dumating."

"If I am not wrong, dalawang minuto lamang akong late ah." he complained then his forehead wrinkled.

"Kaya ka siguro hiniwalayan ng pinsan ko."normal kong saad na mas lalong nagpainis sa kanya.

"Masamang pinaghihintay ang mga babae, Javier kaya kapag sinabi naming alas singko tayo dapat magkita... alas kuwatro pa lang dapat nandito ka na."

I saw how he was annoyed when he heard me. Totoo siguro ang sinasabi ko.

Naalala ko noong mga panahong sila pa ni Chloe, ni hindi ko nakikitang hinahatid-sundo niya ito. Para bang hindi siya natatakot mawala ang girlfriend niya.

"Did she say something about me?", sabik na tanong niya.

Nagbabakasakaling kinukuwento nga siya ng pinsan ko sa'kin.

"No, hindi ka niya kinukuwento sa'kin.", nanlumo agad siya sa sinabi ko.I heard him sighed heavily.

Hindi ako maaaring magsinungaling. Baka kasi pagsinabi kong, bukambibig siya ng pinsan ko kahit di naman totoo ay lalaki ang ulo niya at sabihing may pag-asa pa nga siya kay Chloe.

Nagsimula na akong magsulat sa notebook. Kailangan kong isulat na hindi siya maaaring mahuli tuwing magkikita sila ng pinsan ko.

Tumayo siya at medyo lumapit sa akin para makita ang sinusulat ko. I just found it awkward. Ramdam ko kasi ang hininga niya, masyado siyang malapit sa akin kaya dumistansya ako ng kaunti.

Dealing With Him (Young Hearts Series #2)Where stories live. Discover now