"Edi kayo na!" sumimangot si Lee. Isip bata amp. "Lagi na lang talaga akong dagdag gulong! Kung may kotse lang ako at hindi sumabay kay Keiji uuwi na talaga ako eh."


Tinawanan lang namin siya. No choice siya kasi ayaw niya din naman umuwi agad. Tsaka sinabihan kasi siya ni Mama na sabay na kami umuwi.


"Wawang bata. It's okay." pang-aasar ni Keiji. Tinapik-tapik niya pa sa balikat si Lee.


Umupo na lang muna kami saglit sa cement barrier habang inaantay ang Fireworks. Ang ingay nila Kianna at Ionn dahil puro sila asaran. Si Selene naman tsaka Keevan naghaharutan. Tapos itong si Lee walang magawa kaya pinagti-tripan kaming dalawa ni Keiji.


"Alam niyo pag kayo naging mag asawa, kawawa mga anak niyo. Kasi kung ako yung anak niyo? Iisipin kong napilitan lang kayo magpakasal." kumunot lang ang noo ko.


"Stupid! Bakit kami magpapakasal kung napilitan lang kami?" Umambang sasapakin ni Keiji si Lee. Umatras naman siya.


"Tanga! Edi arrange marriage. Bobo! Inutil! Mangmang!" sigaw niya. Pasmado yung bibig amp.


Tumayo na talaga si Keiji para batukan siya. Umaatras-atras naman 'tong si Lee.


"Paano magiging arrange marriage? Hindi naman close parents namin ha." singit ko habang nag aaway sila.


"Edi ipapakilala ko kay Tita Charlotte si Tita Daniela." tumawa ito.


"Kilala mo mama niya?" tanong ni Keiji.


"Oo, sila Felicity kasama namin sa tagaytay. Mag-college friend pala sila Mama at Tita Charlotte."


"Ahh." maikling sagot ni Keiji. Tumayo ito kaya napatingin din sila Selene.


"Saan punta, pre?" tanong ni Lee.


"Magsi-cr lang. Ano sasama ka pa?" tiningnan siya ng masama ni Keiji. Mukhang galit na naman.


"Hindi na nga e!" tinaas ni Lee yung dalawa niyang kamay.


Ang gulo talaga ng mood ng lalaking 'yon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon na lang siya umasta bigla-bigla.


Pagkabalik ni Keiji saktong nag-start na yung Fireworks. Sabay sabay namin tinignan iyon. Pinicture-an ko para ipost sa IG. At nilagyan ng caption na 'Sparks fly'. Ewan ko kung bakit 'yan yung nasa caption. Trip ko lang.


"Nag-start na pala?" I looked at him before I nodded. "Ganda pala kahit hindi ako mahilig manuod ng ganito."


"A-ahh o-oo." umiwas ako ng tingin nung tiningnan niya ako.


"May sasabihin sana ako sayo, Felicity."


"Ano 'yon?" tanong ko habang nakatingin sa sa mga fireworks.

Fake WorldWhere stories live. Discover now