Epilogue (Part 1)

15 0 0
                                    

Epilogue: The Girls Ending

IT'S BEEN A YEAR since the war, and currently their life is still normal. Kakatapos lang ng klase at napagdesisyonan ni Gerald at Skyzzer na pumunta na lamang sa kanilang dorm. Pahigang umupo ang dalawa sa sofa roon.

"Hay! Buhay! Wala na laging kabuhay buhay ang dorm natin, isabay pa ang kawalan ng buhay ko sa klase." Reklamo ni Gerald. Tinaas niya ang mga paa niya sa lamesitang nasa harapan niya.

"Oo nga, isabay pa ang pagkabusy ng mga mahal natin." Ani ni Skyzzer na naging sanhi ng pagbuntong hininga nila. "Ano na palang balita kay Cesca?" Kinuha ni Skyzzer ang phone niya at binuksan iyon, at mabilis na nagpipindot pindot doon.

"She is busy, I call and her everyday but she couldn't even send me something. Tapos nitong nakaraang linggo, para akong makakapatay lalo ng kissing scene nila nung lead na lalaki. Muntik ko ng masira ang tv ko sa kwarto ko sa sobrang inis. Tapos hindi man lang niya ako magawang replayan o sagutin." Tumango tango sa kanya si Gerald at tinatap ang balikat niya.

"Nako pre! Ganyan din ako, diba nagmomodel model na ngayon si Cyna. Tapos yung runaway niya this Saturday lang, nakabikini siya. Proud ako sa ginagawa niya at dahil may confidence na siya, pero yung ganon. Isipin mo maraming na nonood sa kanya, at maraming lalaki ang magnanasa sa kanya. Kaya kinabukasan non tinawagan ko siya kaagad, at ang sumagot ay lalaking may pagkahorsey pa ang boses. Paanong hindi ako magseselos? Paano?!" Irritang irritang sabi ni Gerald. Nakayukom na rin ang kamao nito at ready na itong makabugbog.

"Chill pre, kahit ano namang gawin mo, at isang tawag lang sayo ni Cyna para ka na ulit maamong aso. Hayaan mo na lang magexplain yung tao." Napabuntong hininga na lang si Gerald at napatingala sa ceiling.

"Na mimiss ko na yung tatlong kupal." Mula ng matapos ang gera, mas naging busy ang mga nan doon. "Si Charles babalik yon mamaya, may date lang sila ni Thanalia. Yung dalawa lang ang hindi natin alam kung babalik pa." Ani ni Skyzzer sa katabing binata.

Napatayo na si Skyzzer at tumingin dito. "It's about time." Naglakad na siya patungong kwarto niya ng magsalita si Gerald. "Ganyan kayong lahat iniiwan ako! Sige umalis kana, huwag ka ng babalik dito. Doon ka na lang sa New York!" Natawa si Skyzzer sa ginawa ng binata.

"Why so gay?" Pangaasar nito bago pumasok ng kwarto. Narinig niya pang nagmamaktol ito sa labas. Napailing na lang siya at kinuha ang maleta at passport niya.

Muli niyang tinignan ang pinadalang message sa kanya nitong nakalipas na araw lamang.

'Cesca's shooting is about to end this Friday and she has an interview about their series. She is currently staying at one of my houses in New York. Puntahan mo na baka maagaw pa sayo.'

Napangiti siya ng makita ito. Only to see that person working to get them a closure is really making him smile. Meron din palang bait sa katawan ang taong to, pasimple pa. Ani niya sa isip bago lumabas na ng kotse.

Just stay there my love. Aagawin kita mula sa lalaking umaaligid sayo. This time ako ulit ang susuyo. Pinaandar na niya ang kotse at nilisan ang university nila.

SA LOOB NG DORMS NG MGA lalaki ay nakaupo pa rin si Gerald. "This life sucks!" Sigaw niya at may halo pang pagdadabog.

Kakatapos lang niya kasing tawagan si Ashton at ang mga Warrior, pero lahat ng mga iyon ay may sarisariling date with their girlfriend. "Nakakabwiset! May girlfriend din naman ako, hindi lang nagpaparamdam, at hindi ko alam kung ako pa rin ba ang mahal niya."

"Tawagan ko na nga lang siya. Baka mamaya may ginagawa pala o busy. Paano kung pinagpalit na pala ako, dapat mapagalaman na. Baliw na ako, kinakausap ko na sarili no!" Gerald grips his hair and mess it. Pinagpapalo niya ang ulo niya sa sofa at nagtatalukbong pa ng unan.

The Untouchable CrownWhere stories live. Discover now