Chapter 5

18 0 0
                                    

Second Arc: CHAPTER 5: The End and The New Beggining

Isang balita ng gumimbala sa lahat. Sa pagsabog ng sasakyan ni Thanalia at sa pagkamatay nito. Lahat ng tao ay nakaputi sa huling araw ng lamay ni Thanalia at ngayon ay ibinabaon na nila sa lupa ang kabaong nito.

"Tita how are you?" Yinakap ni Madi si Kathleen na walang tigil pa din sa kakaiyak. "I don't know anymore Madi, una yung school sunod naman ang anak ko. Ano bang gusto nila?" Humagulgol muli sa pagiyak si Kathleen at lalo naman siyang niyakap ni Madi, si Georgina naman ay nakatayo lang at nakayukom ang kamay nito.

"Nakikiramay po kami." Ayan ang kanina pa nila naririnig at mula kanina ng hihina pa din ang headmistress. "Tita kain ka po muna, hindi po matutuwa si Thanalia sa lagay niyo po ngayon." Tinutulungan ni Madi si Kathleen mula ng mamatay si Thanalia. Dahil para sa kanya ito na lang ang kaya niyang gawin para sa pumanaw na kaibigan.

PINAUWI NA NILA SI Kathleen at hinila naman ni Madi si George sa isang shed doon.

"Ano bang meron George? Kanina pa kita na papansin." Tahimik pa din ito at hindi makatingin sa kanya.

"George ano ba?! Tayong dalawa na lang! Huwag mo naman tong gawin sa atin!" Pero hindi pa din siya tinitignan nito at nakahawak lang sa braso nito.

"George pupunta pa tayo sa HQ mamaya, compose yourself, this is not Aphrodite." Hinawakan nito sa braso si George at tinignan sa mata. "Tama na Madi! Ayaw ko na! Hindi na ako magiging si Aphrodite." Nagulat si Madi na kinabitaw niya. Umiling siya sa sinabi ni George.

"Please George, bawiin mo ang sinabi mo! Please George! Please!" Napatulo na ang luha niya.

"Sorry Madi, alam kong unfair ako at maka sarili pero hindi ako katulad mo. Hanggat may nagpapaalala sa akin kay Thanalia mas lalo lang akong hindi makakapaniwalang namatay siya! Intindihin mo din naman ako, alam kong hindi mo ako mapapatawad pero ito lang ang naiisip ko. Sorry Madi, pero ito na ang huli nating pagkikita, sasama na ako sa France at doon na ako magaral at titira."

"Pati ba naman ikaw! Iiwan mo din ako! Alam nyo kung anong mas masakit, yung iiwan niyo ako!" Lalapitan pa sana siya ni Madi pero alam niyang mas hindi niya iyon magagawa. Tumalikod na lang siya at tumungo na sa sasakyan niya.

"Miss, saan po?" Tanong ng driver niya. Napatitig muna siya sa bintana at kasabay non ay ang pagbuhos ng ulan.

"Sa airport po." Mayamaya ay narinig niya ang palahaw ng isang babae sa gitna ng ulan at hindi niya na pansin ang pagtulo ng luha niya.

"Miss ayos lang ho ba kayo?" Tanong sa kanya ng Driver. "Opo, pakibilisan na lang po." Tumango ang driver at bumalik muli ang tingin niya sa labas.

This is my selfishness, and this is how I can resolve this. She took one last glance to the outside bago bumalik ang tuon sa phone niya.

FOUR MONTHS just pass, naayos na ang lahat sa loob ng Alvaron. Payapa at wala ng gulo dito. Hindi naman ganon kalaki ang pagbabago matapos mawala ni Thanalia dito. Napalitan ang Pwesto niya ni Drake at naging Vice President naman si Francis.

Pero sa pagkawala ni Thanalia, mas nagreyna reynahan ang Flowers at mas ginugulpi nila ang mga estudyante. Si Madi naman ay wala ng paki alam sa mga mangyayari, she is like a living dead, she has no heart, lalo na kung ginagamit nito ang kapangyarihan nito. Mula ng mawala ang dati nilang pangulo, pumayag sila sa rule na sasaktan ang mga nakagawa ng kasalanan. That makes the council more villainous and fearsome in the eyes of students.

Sa corridor ngayon ng Alvaron ay nagkukumpulan ang mga tao. Isang dalaga kasi ang bago sa kanilang mata.

"She looks so beautiful." Pagpupuri dito ng isang lalaki.

"Oo nga pre, pero mukhang panganib Ang isang to." Napabuntong hininga na lang ang kasama nito.

The girl who is walking is on a plain t-shirt and jeans, pero kahit simple ang suot nagmumukha pa din siyang mamahaling bagay. The girl has a wave long brown hair, amber eyes and a natural reddish lips. Wala itong kahit anong kolorete, she is just plain and simple, but has an impact.

"Anong ginanda niya?! Mas maganda pa ako diyan." Pagmamayabang ng isang babae.

"Hay nako sissy! That girl is a bitch I feel it, sooner or later tignan mo headline na yan sa column natin." Nagapiran pa ang dalawang babae.

Bigla namang tumunog ang bell at lahat ng tao ay mabilis na tumakbo sa kanikanilang klase. Natira na lamang sa corridor ang dalaga.

Mayamaya pang paglalakad ay mukhang natunton niya na ang hinahanap niya. Room 415, nasa pinakadulong part ng corridor ito. Hindi na siya kumatok at binuksan na lamang ang pintuan.

"Oh! What we have here! Come over here. Class this is your new classmate. Can you introduce yourself?" Nakaharap ang dalaga sa mga magiging kaklase niya.

"I'm Triesha." Then lumingon muli sa gurong parang sinasabing I'm done can I go and sit.

"Doon ka na lang sa may malapit sa may bintana umupo sa tabi ni Mr. Montero." Pero wala itong paki alam sa sinabi ng guro at umupo na lang sa sinabing upuan. Pagkaupo niya ay tumingin lang siya sa bintana at naramdamang may kumalabit sa tabi niya, nilingon niya ito at nasilayan ang binatang makikipaghandshake sana sa kanya.

"Hi I'm Charles Sparker, your one and only dream."

The Untouchable CrownWhere stories live. Discover now