PINK YUNG TSHIRT KO!!!!! GUSTO KO NANG MAGHUBAD PERO RATED SPG!!!
Hinagip ni Luke ang kamay ko pero sa pagkakataong ito ay pumalag na ako. Naisip kong bagong kain nga pala kami at alam kong mahihirapan si Luke tumakbo at baka sumakit pa yung tyan o katawan nya kaya umiling na lang ako. "Pagod pa ako, Luke! Hayaan mo na silang hulihin ako!" sabi ko kay Luke at dumating na ang mga jailers para kunin ako.
"Sasamahan ko si Bela, dumiretso na kayo sa gym alam kong gustong gusto nyong mapanood ang championship!" Utos ni Luke at mukang tututol pa si Luna at nagsalita na ako. "Wag kayong magalala guys, ako lang to! Tsaka puyat ako kaya tutulog lang ako sa loob ng Jail Booth! Tsaka wag nyo na akong tubusin, okay!?" si Hannah naman ay magsasalita pa pero hinayaan na nila kaming makaalis ni Luke kasama ang mga jailers.
Grabe parang eksena lang sa pelikula eh, noh?
Nang makarating kami sa Jail Booth na isang bakanteng classroom na may mga design lang na parang nasa loob ka talaga ng isang kulungan ay nagtaka ang ibang mga estudyante. Maingay at medyo masikip ang pagkakagawa nila dito kaya rinig mo kaagad ang pagsasalita ng mga katabi mo. Papasok na kami ni Luke sa loob ng booth nang biglang may nagsabi sa kanya "Oh, President, bat ka andito?" napalingon naman si Luke sabay pabirong sumagot ng "Pake mo?" at nangiti na lang ako dahil parang nasa kalye lang sila kung makapagusap.
Naupo ako sa sahig katabi si Luke at buti na lang may aircon pa din YAYY!! kaya hindi masyadong maalinsangan kahit medyo masikip. Nakaramdam ako ng antok, pagod at sumabay pa ang pagkabusog kaya sumandal ako sa balikat ni Luke na nagmamasid sa mga estudyante.
NAKAGAWIAN NA TALAGA NI LUKE ANG PAGMAMASID DAHIL NA RIN SA PRESIDENT SYA NG STUDENT GOVERNMENT. NATURAL NA LANG SA KANYA YUN KAHIT SAANG BAGAY.
Bawat isa sa amin ay kelangang magpatubos mula sa labas pero ayoko namang maabala pa sina Luna at alam kong nagsasaya sila sa panonood.
"Gusto mo nang lumabas?" tanong ni Luke at umiling naman ako habang nakasandal pa rin sa balikat nya. Naisip kong andito pala sya para bantayan ako kahit gusto rin nyang manood ng basketball at wala namang pink sa damit nya. Kaya lang naman sya pinapasok kasi may access sya sa lahat ng booth. Tapos naalala kong break nya nga pala ngayon at gusto nyang lubusin yung oras kaso eto kami ngayon, natutulog sa loob ng Jail Booth.
"Sorry." sabi ko kay Luke.
"Bakit naman?"
"Kasi nadamay ka pa!" sagot ko sa kanya habang nakatitig sa sahig. Rinig ko ang paghinga nya.
"Mas nagtatampo ako kasi tinanggap mo yung ticket!..." nagulat ako sa sinabi ni Luke at napatingin sa kanya. "... pero kung masaya ka dun, eh di pumunta kayo! Ayiiiee! Kilig ka naman!"
Nagtawanan lang kaming dalawa ni Luke at hindi pinapansin ang mga katabi namin. " Uhhhmmm...Bela ibibigay ko lang sana sayo tong ticket para sa amusement park. Kung okay lang sayong sumama after exam week!?" at ginaya pa ni Luke kung pano sinabi ni Stell ang pagyaya nya sa akin at pinipikon ako.
"Tumigil ka nga!" natatawa kong sabi kay Luke at sumandal ulit sa balikat nya.
"Matulog na tayo! Pagod din ako!" sabi ni Luke pagkatapos nyang tumawa at naidlip muna kaming dalawa.
Nung mga bata pa kami nina Hannah ay umaakyat kami sa tree house at sabay sabay nanonood ng pelikula at kumakain ng pancake na luto ni Mama hanggang sa makatulog. Si Luke naman ang pinakamaraming nakakain na pancake dahil paborito nya ang pastries kaya madalas nagaaway talaga kami. At sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ulit ang pagiging bata kasama si Luke at mahimbing na nakatulog.
Maya maya pa ay tinatapik na ako ng kung sino man sa balikat. Ibinukas ko ang aking mga mata at tumitig sa mukha ng tumapik sa akin. Si Hannah pala.
"Kamusta ang stay nyo dito? Instant tulugan eh, noh!?" pabirong sabi ni Hannah at naggising na rin si Luke at naghandang tumayo.
"Sarap ng tulog ko grabe!.." bahagyang uminat si Luke at tumingin sa relo nya. "...Aba nga naman! May 30 minutes pa ako! Sakto! Asan si Luna?"
"Hinihintay kayo sa labas! Nagenjoy naman sya pero maya't maya kayong inaalala. Feeling siguro nya tunay yung pagkakahuli dito kay Bela! Dinamdam nya eh, dinamdam nya!" pagbibiro naman ni Hannah.
"Baliw to!" natatawang sabi ni Luke at kaagad na kaming lumabas. Nadatnan namin si Luna na kinakausap ang iba pang mga kasama nya sa Teatro. Nang mapatingin sa amin ay nilapitan na kami ni Luna. Hindi ko na rin hinanap si Elizabeth sa kanila dahil alam kong kasama na yun ni Jacob at ilang kaibigan nila para sumali sa contest at magkapera. KAPATID KO TALAGA SI IBETH!
Nakangiting lumapit sa akin si Luna. "Hulaan mo kung sinong MVP?" sabi naman nya at napatingin bigla sa akin si Luke at nakangiti na rin si Hannah na alam kong konti na lang ay mangaasar na.
"Uhhhmmm... di ko alam eh." sabi ko kay Luna.
Umiling naman si Luna sabay sabing "Sige na! Manghula ka na! Hula lang naman eh!" at ngumiti ulit sya at nagabang ng sasabihin ko.
"Si... si Stell!?" nakita kong tatango na si Luna nang magsalita sya.
"Mali. Si RED! Si Baby Red mo na nakablue!" masayang sabi ni Luna.
"Ayieee!" Pangaasar naman ni Hannah.
"Naks naman! Yung crush nya yung iinyterviewhin nya! Pasalamat siguro nun kasi nanalo sya dahil hindi ka nanood!" sigaw ni Luke at nagtawanan kami.
Nagpaalam na si Luke dahil kelangan na nyang gampanan ulit ang pagiging President nya at kami naman nina Hannah ay maglilibot libot pa. Naisip kong kay Jacob ko na lang ipapainterview si Red tutal naman ay kapatid nya mismo yun at ituturo ko na lamang lahat ng mga karagdagang kelangan nyang malaman sa pagsusulat. Kahit pagod naman ako ngayon at unang beses kong nakulong sa Jail Booth sa buong buhay ko ay masasabi kong naenjoy ko ang Intramurals! SANA KAYO RIN NAEENJOY NYO YUNG INTAMURALS SA MGA SCHOOL NYO! GOOD JOB KAY PRESIDENT LUCAS HEMINGWAY AND THE WHOLE TEAM!
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Red String
Genç KurguMay isang paniniwala na ang bawat tao sa mundo ay may nakataling invisible red string. Ang red string na ito ay konektado naman sa taong makakasama nya sa mga importanteng bahagi ng kanyang buhay. Ito ay maaaring magbuhol, mahila ngunit hinding hin...
Chapter 10
En başından başla
