Chapter 34

203 15 0
                                    

Yumi's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Not only that, kanina pa tinatawag ni Tasha ang pangalan ko.

"Yumi! Kapag hindi ka pa gumising sasabuyan kita ng tubig" kaagad ko naman minulat ang mga mata ko

"Ano ba kasi yun?" inaantok ko pang sabi

Hinila niya ako patayo at binigay kaagad sakin ang towel na hawak niya sabay tulak sakin papunta sa cr.

"Maligo ka na! Dali!" sabi niya at sinara na ang pinto ng cr

Kahit nalilito ay sinunod ko nalang siya. Mga 5 minutes akong naligo at nag toothbrush kaagad.

"Tapos ka na?" tanong ni Tasha mula sa labas

"Oo! Ano ba kasing meron—" naputol ang sasabihin ko ng buksan niya ang pinto at may binigay saking damit

"Suotin mo yan tapos lumabas ka kaagad" tumango nalang ako at sinuot ang damit ng sinara niya ulit ang pinto

Isa iyong puting dress. It hugged my waist perfectly kaya fit siya sakin. Lumabas kaagad ako ng banyo. Naabutan ko si Tasha na may kausap na babae and if I'm not mistaken si Kaye yun.

Pero mas nagtaka ako ng biglang pumasok si mom sa kwarto ko.

"Yumi!" kaagad niya akong niyakap kaya niyakap ko na rin siya pabalik

Anong ginagawa nila dito?

Napatingin si Tasha at Kaye sa amin. Ngumiti naman kaagad si Kaye.

"Hi Yumi!" ngumiti naman ako pabalik sakaniya pero nalilito pa rin ako

Hinila naman kaagad ako ni mom at pinaupo sa harap ng salamin.

"Kaye, hija, make my daughter beautiful please" tumango naman kaagad sina Tasha sa sinabi ni mom

"Sige, iwan ko na kayo at tutulong na ako sa labas" tumango naman kami at tuluyan na ngang lumabas si mom

"Ano bang nangyayari—" natigil ako sa pagsasalita ng ilagay ni Tasha ang hintuturo niya sa labi ko

"Don't worry Yumi, kami na ang bahala sayo. They entrusted us to make you beautiful and we won't disappoint them!" sabi niya pa kaya tumahimik nalang ako at hinayaan sila

Si Kaye naman ay nagsimula ng lagyan ng make up ang mukha ko. Si Tasha naman ang assistant niya.

After nila akong lagyan ng make up ay hindi na nila pinakealaman ang buhok ko. Pinatayo na nila ako at tinignan na parang proud na proud sila sa ginawa nila sakin. Nagulat ako ng lagyan nila ako ng blindfold. Mag r-react na sana ako nang may magsalita sa tabi ko.

"Yumi" nilingon ko iyon, kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na si dad iyon

"Dad? Nandito ka rin?" naguguluhan kong sabi, inalalayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad palabas

"Of course. This is your special day Yumi and I won't miss it" sabi niya na mas lalong nagpagulo sakin

"What's happening Dad?" tanong ko, nagbabakasakali na baka sagutin niya ako

"You'll see Yumi" hindi na ako nagtanong pa, hindk rin naman nila ako sasagutin so what's the use?

"Si Yumi ba yan?" rinig kong tanong ng isang boses, hindi na ako nagulat ng malaman ko na nandito rin siya

"Kuya Yoshi!" masaya kong sabi, naramdaman ko siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit

"The last time I saw you is nung nasa airport tayo and now on your—"

"Hey! Don't tell her!" rinig kong sabi ni mom

"Ah! Ouch! Oo na!" sabi naman ni Kuya

May surprise ba na naghihintay para sakin?

"Just remember that I'll kill him if your he hurts you Yumi" natawa ako sa sinabi ni Kuya kahit nalilito ako sa mga nangyayari dahil alam ko na si Timothy ang tinutukoy niya

Si Kuya lang kasi ang hindi pa nakakakita kay Timothy sa personal. Kapag umuuwi sina mom at dad dito sa Pinas ay hindi siya sumasama dahil sa business niya dun sa Japan. Pero nag video call sila noon ni Timothy sa skype at dun niya in-interrogate si Timothy nung nalaman niya na boyfriend ko si Timothy.

Naramdaman kong may tumatanggal ng pagkakatali ng blindfold sa mata ko. Nang tuluyan ng matanggal yung blindfold ay medyo nasilaw pa ako sa liwanag pero ng makita ko kung ano ang nasa harap ko ay nanubig ang mga mata ko.

It was a red carpet. Each side of the red carpet are the guests. And at the end of the red carpet was an altar. May pari na nakatayo doon. Then my eyes landed on the man wearing a white polo. He was smiling at me.

"Congratulations anak" rinig kong sabi ni mom at binigyan ako ng bouquet

"You knew all along?" tumango naman silang dalawa habang si kuya naman ay ngumiti lang sakin

"We like him for you Yumi" sabi naman ni dad, naiiyak ko silang tinignan at nginitian sila ng matamis

"Thank you" sabi ko

"Don't cry, you'll ruin your make up" natatawang sabi ni mom

I held onto them while we were walking towards the altar. Then I saw a guy playing the piano while singing Beautiful in White.

Bumalik ang tingin ko kay Timothy na parang maiihi na anytime sa tinatayuan niya. Gusto ko tumawa pero baka magtaka sina mom at dad. Huminto kami ng makarating na kami sa tapat ni Timothy. Kanato was the bestman and if I'm not mistaken ay for sure si Tasha ang maid of honor ko.

"Please take care of my daughter" mahinahon na sabi ni mom

"I will Tita" nakangiting sabi ni Timothy

"Wag mong paiiyakin si Yumi dahil ako mismo ang lalayo sakanya" sabi naman ni dad kaya kaagad na tumango si Timothy na parang natakot ata

"Hinding-hindi ko po gagawin yun Tito, she's too precious to me and I'm afraid that I might break her if I do that" sagot ni Timothy while staring at me

"Good" sabi ni dad at tinapik sa balikat si Timothy

Nilahad niya ang kamay niya sakin na kaagad ko namang tinanggap.

"You weren't sleeping when I said yes didn't you?" ngumisi lang siya sakin

He leaned forward and said something that made my heart beat than its normal pace.

"I love you" hindi ko na napigilang umiyak sa sinabi niya, he directly wiped my tears

"I love you too" sagot ko that made him shed a tear

Humarap na kami sa altar. We exchanged our vows until the priest said the words that both Timothy and I had been waiting for.

"With the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife... you may now kiss the bride"

"Finally" nakangising sabi ni Timothy before kissing me softly on the forehead, then my nose

"I love you Wayumi Yvonne Grace Takahashi-Ferrer" he said before capturing my lips

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now