Chapter 14

258 19 0
                                    

Yumi's POV

He hates me?

Tinignan ko ng masama si Timothy na nakaupo sa harap ko. Busy ito sa phone habang may suot na headset.

Tangina.

"Okay ka lang Yumi?" tinignan ko si Kanato na nakaupo sa tabi ko

I nodded.

"Mahaba pa ang byahe, you should sleep" tumango lang ako sakanya

Pauwi na kami ngayon dahil the next day may pasok na naman.

4 days lang kami sa beach resort nina Tasha. And I enjoyed every minute.

Kung hindi lang dahil sa sinabi ni Timothy maganda pa sana mood ko.

Pero bakit affected ako? Pake ko kung hate niya ako. Hate ko din siya!

Talaga ba?

Oo naman.

Weh?

Oo nga.

Tangina bakit ba kausap ko sarili ko?

"Yumi!" nagulat ako ng sabay-sabay nilang tawagin ang pangalan ko

Nakatingin silang anim sakin.

"Bakit?" tanong ko

"Kanina ka pa namin tinatawag ming-ming" sabi ni Lester

"Ang lalim ng iniisip mo ah? Nakakunot pa noo mo" natatawa namang sabi ni Tristan

"Okay ka lang ba talaga Yumi?" tanong naman ni Tasha

Luh. Ganon na ba ako ka affected sa sinabi ni Timothy?

"A-ano ba kasi yun? Bakit niyo ko tinatawag?"

"Huminto muna tayo sa tapat ng isang resto. Kakain muna tayo" tumango lang ako sa sinabi ni Kanato

Bumaba na silang lahat. Ako nalang ang wala. Inayos ko muna mukha ko pati gamit ko bago lumabas. Isasara ko na sana ang pinto ng van ng makita ko si Timothy na nakatayo sa gilid ko.

"Okay ka lang ba talaga?" tinignan ko siya ng masama bago pumasok sa loob, nakasunod naman siya sakin

Kasalanan mo to!

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa nabusog ako. Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa loob ng van.

Natulog nalang muna ako.

Paggising ko nakarating na kami sa sa Manila. Nasa Panggasinan kasi yung resort nila Tasha.

"Nandito na tayo sa condo Yumi!" sabi ni Tristan

Right. Magkatabi lang pala units namin.

Bumaba kaagad ako. Tatalikod na sana ako pero biglang nagsalita si Tristan

"Hahatid ko na muna silang lahat tapos uuwi ako kaagad babe" nang aasar na sabi ni Tristan

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Why the heck does she care kung hindi ka umuwi Tristan?" iritadong sabi ni Kanato

"Are you hitting on her?" sabi naman ni Timothy

Natahimik kaagad sa loob ng van pero biglang tumawa si Tristan na parang hindi siya tinitignan ng masama nina Timothy at Kanato.

"Pfft. Haha! Seryoso nyo masyado!" natatawa pa ring sabi ni Tristan

"Tangina mag drive ka nalang pwede?" iritadong sabi ni Dexter

"Luh ka! Tasha! Si Dexter minumura ako!" sabi ni Tristan kay Tasha na kanina ay tahimik lang

"Tapos?"

"Wala! Ang kj nyo! Haha! Bye babe!" before pa ako makasagot umalis na ang van

Napailing nalang ako sa kabaliwan ni Tristan. Kung ano-ano nalang lumalabas bibig nun.

Pumasok na ako sa condo. Binati kaagad ako ng guard na nginitian ko lang.

Naligo kaagad ako pagdating ko sa unit ko. Pagkatapos ko maligo inayos ko muna ang mga gamit ko at naglinis sa unit.

Nang tignan ko ang laman ng mga cabinets pati ref, napag desisyonan ko na mag grocery mamaya. Wala na pala akong supplies.

Pagkatapos ko maglinis umupo muna ako sa sofa at nanood nalang ng movies sa tv. Nang makaramdam ako ng antok natulog agad ako.

Nang magising ako nagbihis kaagad ako dahil pupunta nga ako ng department store.

Paglabas ko malapit na gumabi. Papara na sana ako ng taxi ng may pumaradang sasakyan sa harap ko.

Bumukas ang pinto sa passenger's seat. Tinignan ko kung sino ang driver at bumungad sakin at mukha ni Timothy.

Tangina. Ano ba naman yan?!

"Sakay na"

Freaking Lamborghini.

The Five Hot Jerksजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें