Chapter 31

204 13 0
                                    

Yumi's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Ang white na ceiling ang una kong nakita. The smell of IV fluid invaded my nose. And I directly knew where I was.

I'm in a hospital.

So they took me here after I passed out huh?

Sinubukan kong bumangon. Doon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko.

Right. Binugbog nga pala ako.

Nilibot ko ang mga mata ko. I stopped when the door of my room opened. Pumasok doon si mom na may dalang plastic bag. Hula ko ay prutas ang laman nun.

"Oh my god! She's awake!" masayang sabi ni mom at nilapitan agad ako, pumasok naman si dad at ngumiti ng makita ako

"How are you?" tanong ni dad

"Masakit pa ba ang mga sugat mo? May kailangan ka ba? Do you want something? Oh—wait, we should call the doctor" lumabas sandali si mom at tinawag ang doctor, hindi naman kami naghintay ng matagal dahil dumating kaagad ang doctor

"You were in comma for two days. Your wounds and bruises are okay and they're healing slowly, just don't do anything that can make it worse. Clean and take your meds regularly and you'll be fine" sabi ng doctor at kaagad namang umalis

"Saan ka ba kasi nila dinala? And what do they want from you? Do you want us to find them for you? We can send them to jail you know" napahilot nalang ako sa sentido ko

How can I answer all of those questions?

"Hinay-hinay lang mom" nakangiwi kong sabi

"We're only worried Yumi" sabi ni Dad

"Na-kidnap ka tapos bugbog sarado ka pa. Tapos dalawang araw kang tulog! Sinong hindi mag-aalala?" ngumiti lang ako kay mom

"I'm okay now mom, narinig mo naman siguro ang sinabi ng doctor diba? Wag ka na mag-alala" tumango nalang siya sa sinabi ko, biglang pumasok si Tasha kasama pa ang iba kaya napangiti ulit ako

May dalang prutas sina Kanato at Tristan. Habang si Tasha, Dexter, at Lester naman ay may dalang pagkain na favorite kong kainin.

They asked if I'm fine at sinabi ko naman sakanila ang sinabi ng doctor sakin kanina. They stayed for more than an hour. Si mom at dad naman ay umuwi muna para magpahinga. Napawi ang ngiti ko ng hindi ko pa rin makita si Timothy.

"Where's Timothy by the way?" tanong ko kay Tasha ng hindi na ako nakatiis, natigilan naman ang boys na nakaupo sa couch na nasa tabi ng kama ko

They went silent.

"Hey, tinatanong ko kayo" sabi ko nang hindi nila ako sagutin, biglang tumayo si Tristan

Ngayon ko lang napansin na may pasa siya sa gilid ng labi niya.

"It's getting late Yumi, uuwi na rin kami" tumango naman ang iba sa sinabi ni Tristan, except Kanato na nakatingin lang sakin at kanina pa tahimik

"Balik kami bukas ming-ming!" sabi ni Lester

"Get well soon!" nakangiting sabi ni Dexter at lumabas na sila ng kwarto ko

Umalis si Kanato sa kinatatayuan niya so I was expecting na lalabas rin siya ng kwarto ko, but I was shocked when he sat down on my bed.

"Kailan ka daw makakalabas?" tanong niya, but I didn't answer

"Where is he Kanato? Nasaan siya?" nakayuko kong sabi

"I brought fruits for you so that—"

"Where the fuck is he?!" galit ko ng sabi, malapit ng umiyak

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now